Chapter 22

235 6 2
                                    

Killian's Pov
-
-
Nandito ako sa mansion ni Dad. Gusto niya akong kausapin kaya hinihintay ko siya ngayon.
-
Hindi ko lang inaasahan ang makikita ko.
-
"Nandito ka pala, Killian. Anong dahilan ng pagpunta mo dito?" Tanong ni Ms. Sabrina.
-
"Pinapunta po ako ni Dad.."
-
"Mukhang pumapapel ka na sa kanya. Iniisip mo ba, may makukuha kang mana sa kanya?"
-
"Hindi ko po iniisip iyon.."
-
"Hindi mo kailangang magpanggap na mabuting anak,  hindi ka naman nila anak. Wala kang makukuha sa kanya.."
-
Araw-araw niyang pinamumukha sakin 'yon sa tuwing nagkikita kami.
-
Minsan gusto ko siyang sagutin pero ayokong masira ang pangalan ni Mama.
-
Kung tutuusin, hindi sila kasal ni Dad. Si mama parin ang legal na asawa.
-
Kung makaasta siya, akala mo siya na ang Reyna.
Ginagamit niya lang naman ang kapatid kong si Silvana para sundin ni Dad ang lahat ng hilingin niya..
-
"Alam ko po 'yon. Hindi ko po nakakalimutan kung hanggang saan lang ako.. Si dad lang po ang pinunta ko."
-
"Talaga lang ah."
-
Tumahimik siya nang dumating na si Dad.
-
"May problema ba sainyo?" Tanong niya samin.
-
"Wala kaming problema. Kinakamusta ko lang ang anak mo."pagsisinungaling niya.
-
"Totoo ba 'yon, Killian?"
-
"Opo.. Dad.. bakit niyo po pala ako pinapunta?"
-
Napansin ko ang magandang suot nito. Mukhang may lakad siya ngayon.
-
"Isasama kita sa party na pupuntahan ko. Matataas na tao ang makikilala mo d'on. Isasama kita dahil ikaw ang panganay kong anak.."
-
Nakaramdam ako ng saya.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na marinig ko ang salitang iyon mula sa kanya.
-
"Salamat po, Dad.."
-
............

Jairah's Pov
-
-
Sinama ako ni Daddy sa lakad niya. Pinabihis pa niya ako ng maganda.
-
Mukhang malaking party ang pupuntahan namin e.
-
Boring sa mga lugar na gano'n.
Mas gusto kong magpaiwan sa bahay at magkulong sa kwarto.
-
Haysss..
-
Pumasok kami isang malaking venue. Ang daming tao at mukhang mga bigatin pa.
-
Nandoon din ang mga Killmer at ang Lola ko. Mama ni Daddy.
Hindi niya 'to pinansin kasi sabi ni Mama sakin, tutol si lola sa pagpapakasal nila ni Daddy.
Kung hindi sila nagkatuluyan, hindi ipapanganak ang magandang gaya ko.^o^v
-
Nakasunod lang ako kay Daddy sa paglalakad niya nang bigla siyang huminto.
-
Tiningnan ko kung bakit huminto siya.
-
May lalake pala siyang nakaharap ngayon. Mukhang kilala niya iyon at seryoso pa ang tinginan nila.
-
Teka, ang lalakeng 'yon, parang may pagkakahawig sa lalakeng pumasok sa kwarto kagabi..
-
Oo.. tama, kamukha niya ang lalakeng 'yon..
-
"Ikaw pala, Krause.." saad ni Daddy sa lalakeng kaharap nito.
-
Ngumiti ng bahagya ang lalakeng nagngangalang Krause.
-
"Hindi ko inaasahan na makikita kita dito, Jillean. Buhay ka pa pala?"saad nito sa Daddy ko.
-
Mukhang may nakaraan ang dalawang 'to ah?
-
"Ikaw rin, Akala ko patay ka na." Sagot ni Daddy.
-
"Wala ka parin pinagbago. Maangas ka parin magsalita.."
-
"Parehas lang naman tayo.. Balita ko, Sabrina ang pangalan ng kinakasama mo? Mukhang nasayang ang pagiging kontrabida ko sa buhay nyo ni Maria ah."
-
Nawala ang ngiti sa mukha ni Mr. Krause. Si Daddy talaga, mapanira ng gabi.
-
"Oo. Nasayang nga.." saad nito at nilampasan na si Daddy.
-
Hindi nawala ang paningin ko sa lalakeng iyon.
-
Kumuha ako ng pagkakataon na makatakas kay Daddy nang maging busy ito sa ibang panauhin at sa mga kaibigan nito.
-
Lumapit ako sa lalakeng nagngangalang Krause na ngayon ay nakaupo at umiinom ng alak.
-
"Hi po.." pagbati ko.
-
Nabaling sakin ang paningin niya.
-
"Anak ka ni Jillean, tama ba?"
-
"Opo. Sorry po sa naging ugali ni Daddy."
-
"Okay lang. Sanay naman ako.."
-
"Sa seryoso ng pag-uusap nyo, parang may nakaraan kayo.. tama po ba?"
-
Ngumiti siya~~
Ang.. gwapo naman..
Gwapo rin ang daddy ko e pero mas malakas ang dating niya..
-
Namula ata mukha ko -/////-
-
"Si Jillean at ako, naging magkaribal sa isang babae. Nauwi kami sa patayan. Mortal na magkaaway.."
-
Napanganga ako sa sinabi niya, seryoso talaga? Nauwi sila sa patayan?
-
Ang Mama ko kaya yung babae na pinag-agawan nila?
-
"Talaga po? Umabot kayo sa gano'n? Sino po ang nanalo sainyo ni Daddy sa babaeng pinag-aagawan niyo.?"
-
"Ako ang nanalo.. naging asawa ko ang babaeng pinag-aagawan namin.."
-
Hindi pala si Mama..
-
"May galit parin po ba kayo sa Daddy ko?"
-
"Wala na.. Gano'n lang kami mag-usap.."
-
"Salamat naman po kung gano'n. Ahmm. May itatanong lang po ako. May nakilala po akong lalake kamakailan lang. Kamukhang-kamukha niyo po siya. May anak po ba kayong lalake?"
-
"Meron akong anak na lalake. Hindi ko lang alam kung siya ang tinutukoy mo. Nandito rin siya sa party."
-
"Nandito?"
-
"Killian ang pangalan niya.."
-
Tinuro niya sakin ang anak niya.
Pero hindi siya yung magnanakaw na yun e.
-
"Wala na po ba kayong ibang anak na lalake? Yung kamukhang-kamukha nyo?"
-
Natahimik siya at tiningnan ako na may pagtataka. napaisip din siya sa sinasabi ko bago ngumiti sakin..
Ang gwapo~~ ehem!!
-
"Hindi ko kilala ang taong tinutukoy mo.." saad niya at muling uminom ng alak.
-
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa pagkadismaya.
Imposibleng hindi niya kilala 'yon. Para nga silang pinagbiyak na bunga dahil sa pagiging magkamukha nila e.
-
Tinalikuran ko siya at sa di sinasadya, nakabangga ko yung..
Anak niya..
-
Agad niya akong nahawakan sa braso at sa bewang ko para maiwasan ang pagbagsak ko.
-
Ang mga mata namin ay matagal na napako sa isa't isa.
-
Ang gwapo rin pero mas gwapo yung lalakeng magnanakaw na 'yon e.
Mukhang ninakaw niya ang puso ko. Char~~
-
"Ayos ka lang?" Tanong niya.
-
Kumawala ako sa pagkakahawak niya. Inayos ko ang sarili at taas noong tumingin sa kanya.
-
"Oo. Ayos lang ako. Pasensiya na kung nabangga kita. May iniisip lang kasi ako kanina."
-
"Ikaw si Jairah, tama ba?"
-
"O-Oo.. paano mo nalaman?"
-
"Classmate mo ako. Kakaumpisa lang ng klase kaya di mo pa nakikilala ang lahat."
-
"Ah. Kaya pala. Akala ko may stalker na ako e.haha. Sige, maiwan na kita."
-
"Sige.."
-
Iniwan ko na sila. Pinuntahan ko si Daddy at nagpaalam ako na magpapahatatid na sa driver namin pauwi sa bahay.
-
Pumayag din siya.
Aabutin pa siya ng madaling araw bago umuwi.
-
Boring dito.
Wala akong mapaglilibangan..
-
-
...........

Killian's Pov
-
-
Nilapitan ko si Dad at naupo sa kabilang upuan na kaharap ng kanya.
-
Kumuha siya ng glass. Sinalinan niya ito ng alak at binigay sakin.
-
"Ito ang unang pagkakataon na makakapag-inuman tayo."
-
"Hindi po ako umiinom dad."
-
"Binata ka na. Nasa edad ka na. Subukan mong uminom.."
-
Kinuha ko ang glass at ininom ang konti n'on.
Matamis at mainit kapag nasa loob mo na.
Masarap pala 'to?
-
Inubos ko ang laman ng glass.
Ang init sa katawan..
-
"Nagustuhan mo ba?"
-
"Opo.. matamis po pala.."
-
"Oo. Matamis ang alak kapag malamig. Nawawala ang sarap kapag uminit na. Minsan kailangan din ng katawan natin 'to. Hwag lang mapasobra para hindi sumakit ang ulo.." saad niya at muling sinalinan ang glass niya.
-
"Dad.. totoo po bang buhay ang nawawala nyong anak? Hinahanap nyo parin ba siya?" Bigla kong naitanong 'yon.
-
Sa totoo lang, natatakot ako na mawala ang lahat sakin.
Kung maaari, ayokong bumalik sa kanya ang totoong Killian..
-
"Hindi ko na alam kung buhay pa ba siya. Sumuko na ako sa paghahanap sa kanya.. mas gusto kong isipin na sana patay na nga  siya.  Para hindi na ako nangangamba kung nasa mabuti o masama ba ang lagay niya.."
-
"Sorry po kung tinanong ko pa 'yon.."
-
"Nag-aalala ka ba?"
-
"Po?"
-
"Hindi mo kailangang mag-alala.. lahat ng meron ako, sayo mapupunta.. dahil anak kita.."
-
Napanatag ang loob ko.
Tinanggap na niya ako bilang tunay na anak niya..
-
"Salamat Dad. Hindi ko kayo bibiguin.."
-
-
............

Jairah's Pov
-
-
Habang nasa byahe, may nahagip ang paningin ko. Dali-dali kong pinahinto ang kotse at bumaba ako para habulin siya.
-
Naabutan ko siya at hinablot ko ang damit niya.
-
"Nakita din kita.." saad ko sa lalakeng magnanakaw na nagnakaw ng puso ko. Char lang~
-
"I -ikaw?!" Saad niya na halatang nabigla na makita ako.
-
"Ako nga. Nagkrus na ang landas natin. Ipakukulong kita!"
-
Hinawakan niya ang kamay ko na humahawak sa damit niya.
-
A-aray~ang lakas niya.
Nagawa niyang alisin ang pagkahawak ko sa kanya.
-
Grabi~ kamukha niya talaga ang Krause na 'yon e.
-
"Hinanap mo parin ako kahit gabing-gabi na?"
-
"Oo naman! Magnanakaw ka kasi!"
-
"Tss.. nagsayang ka lang ng oras mo. " Saad niya at binitawan ako.
-
Tumakbo sila ng kaibigan niya palayo sakin. Kainis!
-
Hinabol ko siya sa mga eskinitang pinagdaanan nila. Hanggang sa naligaw na ako.
Madilim na ang ibang daan at hindi ko na alam kung saan ang daan pabalik.
-
Patuloy akong naglakad. Pakiramdam ko may sumusunod sakin.
-
Napatigil ako sa paglalakad ng may lalake akong naaninag sa daraanan ko.
-
"Mukhang may naligaw ata?" Saad ng lalake na ngayon ay papalapit sakin.
-
Napaatras ako sa takot. Mas katakot-takot nang may biglang humawak sa balikat ko mula sa likod.
-
"Ang swerte naman. Isang babae ang napadpad sa teritoryo natin.."
-
Nagpumiglas ako at napasandal sa may pader.
-
"H-hwag kayong lumapit! Kung gusto nyo, kunin nyo na ang pera ko. Hayaan nyo lang akong makaalis!!"
-
"Hahahaha!!!" Tinawanan lang nila ako.
-
"Kukunin namin ang pera mo pati ikaw!!!" Saad ng isa. Mukhang pinuno pa nila.
-
Hinawakan nila ako at pwersahang hinila palapit sa pinuno nila.
-
Halos manginig na ako sa takot.
Hinaplos niya ang mukha ko.
-
"Paligayahin mo ako.." saad niya.
-
"A-ayoko!!!"
-
Hinila nila ako papunta sa madilim na parte ng eskinita.
-
May gagawin silang masama sakin?
-
D-daddy.. tulungan mo ako..
-
-
"Sandali lang.." napalingon kami sa nagsalita.
-
"Ikaw pala, Klaw. Halika, may pagsasaluhan tayo. Itong babae."
-
Yakk!
Naku, mukhang kasamahan pa ata niya ang mga lalakeng 'to.
-
"Pasensiya na. Hindi pwede. Ang babaeng 'yan ay girlfriend ko."
-
Girlfriend? Daw?!!
-
"Girlfriend mo ang babaeng 'to?" sabi ng lalake sabay tingin sakin.
-
"Naghahabulan kami kanina, mukhang naligaw siya sa kakahanap sakin.. "saad ni Klaw.
-
"Totoo ba 'yon?" Tanong sakin ng isa.
-
"O-Oo.. Boyfriend ko siya.."
-
Napayuko ako at biglang namula ang mukha ko. Sempre hindi niya makikita yon kasi gabi.
-
Binitawan nila ako. Lumapit sakin ang lalakeng mala-anghel ang mukha.
-
"Aalis na kami.." saad nito.
-
Hinila niya ako. Lumabas kami sa madilim na eskinita at dinala kung saan naroon ang kotse ko.
Doon niya lang ako binitawan.
-
"Patas na tayo. Wala na akong atraso sayo dahil niligtas ko ang buhay mo."
-
"Hindi sapat 'yon. Nakita mo kaya ang katawan ko kagabi?!"
-
"Nangyari na 'yon. Hindi ko naman sinasadya."
-
"Hindi!"
-
"Ano bang gusto mong gawin ko? Maghubad sa harapan mo para patas na tayo?!"
-
Namula ako bago sumagot.
-
"O-Oo.."
-
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ko. Tapos biglang namula.
-
"B-baliw ka na. D'yan ka na nga!" Sigaw niya at tinakbuhan nanaman ako.
-
Natawa ako sa reaksyon niya.
Hayss.. gumanda bigla ang gabi ko. Makauwi na nga.
-
Klaw pala ang pangalan niya ah.
Hindi ko kalilimutan 'yon..

Devil Kissed Me 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon