Chapter 37

470 9 15
                                    


Klaw's Pov
-
-
Hinatid ko si Jairah sa bahay nila. 
-
"Pumasok ka na sa bahay nyo. Bukas na lang ulit tayo magkita.."sabi ko pero parang ayaw niya akong sundin.
-
"Ayoko pa. Mag-usap muna tayo."
-
"Ano? Anong gusto mong pag-usapan natin?"
-
Pinababa niya ang driver ko at kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng kotse.
Mas lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi. Sandalian lang iyon dahil wala akong naging reaksyon sa halik niya.
-
"Klaw, napapansin ko, ako na lang lagi ang nag-eeffort na mapalapit sayo. Satin dalawa, ako lang ang sweet. Never kong nakita na gawin mo yung mga ginagawa ko e. May ayaw ka ba sakin? O napipilitan ka lang sakin dahil kay Daddy? Mahal mo ba talaga ako?"
-
"Mahal kita. Hindi ako napipilitan na mahalin ka. Hindi lang ako nagmamadali. Kung tayo, tayo talaga. Pero Kung Hindi.. h'wag mong isasara ang puso mo sa mga taong darating pa para mahalin ka.."
-
"Teka lang, Kung magsalita ka parang hindi ka sigurado na magkakatuluyan tayo ah. Hindi mo nga talaga ako Mahal!" Inis na sabi niya at binuksan ang pinto ng kotse para sa paglabas niya.
-
Hayss..
Pasaway talaga siya.
-
Hinawakan ko ang braso niya para pigilan sa pag-alis. Paglingon niya sakin, hinawakan ko ang pisngi niya para iharap sakin. Hinalikan ko siya sa labi niya na talagang ikinabigla niya.
-
Tumigil ako at nakita ang nakatulalang ekspresyon niya.
Makikita rin ang pamumula ng mukha niya dahilan para mapangiti ako.
-
Muli kong inilapit ang sarili ko sa kanya at hinalikan siya ulit. Napahawak siya sa kamay ko, Ipinikit ang mga mata at tumugon sa halik ko.
-
Nagtagal ang halik namin.
Natigil lang kami ng may kumatok sa bintana ng kotse namin. Yung driver lang pala.
-
Napatingin ako kay Jairah na may magandang ngiti sa labi niya.
-
"Naniniwala na ako na Mahal mo nga ako. Sapat na ang ginawa natin. Ngayon, Hindi na ako magmamadali. Uunti-untiin natin ang relasyon natin. At magpapakasal tayo kapag nakapagtapos na tayo sa pag-aaral. Klaw, ako lang dapat ang babae sa buhay mo ah..?" paniniguro niya.
-
"Oo naman. Ikaw lang.."
-
"Sige, papasok na ako sa bahay. Bukas ulit^^" aniya at bumaba na ng kotse.
-
Siniguro kong nakapasok muna siya sa bahay niya bago ako umalis.
.
.
.
.
Pagdating sa mansyon ni Krause, saktong nagkasabay ang mga sasakyan namin.
Hindi na niya inalam kung sino ang nakasabayan niyang sasakyan. seryoso ang ekspresyon ng mukha niya habang deretsyong pumasok sa loob ng mansyon.
-
Pagpasok sa loob, nakita kong nilapitan niya si Sabrina.
-
"Mag-usap tayo, Sabrina.." Saad ni Krause dito.
-
"Tungkol saan?"
-
"Sa pananatili mo sa mansyon na ito.."
-
"Bakit? Paaalisin mo ako dahil sa ginawa ko kay Maria?"
-
"Oo. Hindi makabubuti sa kanya na makasama ka dito lalo na't buntis siya ngayon."
-
"Buntis siya? Paanong magbubuntis ang gaya niya? Nagbibiro ka lang diba?"
-
"Mukha ba akong nagbibiro?"
-
Si Mama, nagdadalang-tao?
Magkakaroon na ako ng kapatid mula sa kanila ni Krause..
-
"Sabi na nga ba, buntis si Mama.." Sabi ng taong nasa likuran ko.
-
Napatingin ako kay Killian.
-
"Ikaw pala, Killian.."
-
"Hindi lang ikaw ang panira, may dadagdag pa na katulad mo.."aniya.
-
"Anong sabi mo? May problema ka ba sakin?"
-
"Oo. Ikaw at ang kapatid mong isisilang palang. Mas lalo akong nagiging walang kwenta sa pamilyang ito.."
-
Bigla akong nainis sa pinagsasabi niya. Akala ko ba matalino siya? Bakit hindi siya marunong umintindi ng iba? Kaasar..
-
"H'wag mong ituring ang sarili mo na iba samin. Bahagi ka parin ng pamilyang 'to. Mahal ka nila Mama at ni Krause. Kapatid rin kita. Magkapatid tayo."
-
"Ikaw lang ang mahal nila. Mas gugustuhin ko pang bumalik sa bahay ampunan kaysa maging kapatid ka. Hahanapin ko ang totoo kong mga magulang dahil wala akong lugar dito lalo na sa buhay nyo.."
-
Tinalikuran niya ako at tuluyang lumayo sa kinatatayuan ko.
Ano ba ang dapat kong gawin para ipaunawa sa kanya na hindi ako kaaway o karibal?
Mas gusto kong maging kapatid siya kaysa maging kaaway..
-
............

Sabrina's Pov
-
-
Nagdadalang-tao na si Maria?
Ngayon, gusto ni Krause na umalis ako dito?
-
"Baka nakakalimutan mong may anak din tayo? Anong iisipin ni Sylvana kapag umalis kami dito? Gusto ka niyang makasama. Alam mo namang Mahal na mahal ka ng anak natin, Krause.."
-
Napahingang-malalim siya bago niya ako sagutin.
-
"Tungkol kay Sylvana, alam kong hindi ko siya anak mula nang ipinanganak mo siya.."
-
"Anong kalokohan nanaman ang sinasabi mo? Anak mo si Sylvana!"
-
"Hindi ko siya anak.. pina-DNA  ko siya noon kaya nalaman ko. Kahit gan'on, tinanggap ko siya bilang anak ko at pinagamit ko ang apelyido ko sa kanya. Kaya maiiwan siya dito at ikaw lang ang aalis sa mansyon ko.."
-
"Ang sama mo.. Pinaikot mo lang ako sa pagpapanggap mo?"
-
"Sumabay lang ako sa mga laro mo."
-
"Aalis ako dito at isasama ko ang anak ko!!!"
-
Sa simula palang, pinaniwala niya ako sa mga laro niya..
Magbabayad ka sakin, Krause.
Hindi kita mapapatawad.
-
"Mama? Daddy?"
-
Napatingin kami kay Sylvana.
Narinig niya ang pag-uusap namin ni Krause.
Naglakad siya palapit kay Krause.
-
"Daddy, matagal ko na pong alam ang totoo. Kahit kailan, hindi nyo po pinaramdam sakin na iba ako. Minahal nyo po ako bilang anak nyo.  Sana po walang magbago Doon.." -Sylvana.
-
"Walang magbabago. Maaari kang manatili dito kung gusto mo.."
-
"Sylvana, anak ko.. sakin ka sumama.." pakiusap ko at tuluyan nang pumatak ang mga luha ko.
-
Hindi ako papayag na kunin niya sakin ang anak ko..
-
"Salamat po, Daddy.. mas kakailanganin po ako ni Mama. Sasama po ako sa kanya. Pero para sakin, ikaw lang ang Daddy ko.." Saad niya at lumapit na sakin.
-
"Anak ko, Sylvana?" Napayakap ako sa anak ko.
-
"Sana po, magbago na kayo para sakin Mama. Magsimula ulit tayo. Hayaan na natin sila Daddy at si Ms. Maria. Sila Ang totoong pamilya mula pa ng una. Sige na Mama.."
-
"Sige.. gagawin ko ang gusto mo. Aalis na tayo dito.."
-
Hindi ko na kinausap pa si Krause. Umalis kami ni Sylvana dala ang mga gamit namin.
-
Hindi pa natatapos dito ang lahat..
-
...............

Devil Kissed Me 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon