Chapter 3

633 14 0
                                    

Lairah's Pov

Ako si Lairah. Isa ako sa mga napili ng Boss namin na magbantay sa lalakeng ang pangalan ay Jillean Mizer.

Dalawa kami ni Felix na naatasan na alagaan ang kapatid ng Boss namin.

Bumukas ang Pinto at pumasok ang Boss namin. Kasama nito ang mama niya at ang dalawa pa nitong kapatid.

Kami ni Felix ay gumilid sa magkabilaang kanto ng kamang kinahihigaan ni Jillean.

"Anong sabi ng doctor sa lagay ni Jillean?" Tanong ni madam sakin.

Lumapit ako at yumuko sa harapan niya bilang paggalang.

"Unti-unti na pong nakakarecover ang katawan niya sanhi ng aksidente pero may posibilidad na hindi siya makalakad. Ang mga binti niya ang pinakanapuruhan nito at---"

"TAMA NA! Itikom mo ang bibig mo kung wala kang magandang sasabihin!!!"-madam.

"P-patawad po.."

Napaatras ako ulit sa dati kong lugar. Maldita talaga si madam e.

"H'wag mong pagbuntungan ng galit ang tauhan ko, 'Ma. Si Jillean ang dapat sisihin dahil sa nangyari sa kanya. Babae lang 'yon para pag-aksayahan ng panahon.."- Januz.

Iyan ang Boss Januz ko. Galing siya sa angkan ng mga Killmer. Ang angkan niya ay nabibilang sa mayayaman na angkan.

Magkapatid sila ni Jillean sa ina. Matanda si Boss ng isang taon kay Jillean dahil si madam ay namangka sa dalawang lalake.

Ang tsismosa ko -___-

"Walang kasalanan si Jillean, Januz. Ang angkan ng Zeiralliv ang may gawa nito sa kanya."-madam.

"Angkan ng Zeiralliv? Sa pagkakaalala ko, kay Zekiel Zeiralliv dapat ako ipakakasal ni dad pero hindi natuloy dahil nakatagpo ito ng iba at 'yon ang pinakasalan niya. Parang gusto ko tuloy makilala ang angkan nila.."- Saad ni Jurie. Pangalawa sa magkakapatid na Killmer. naupo ito sa kamang hinihigaan ni Jillean.

Maganda, matangkad at sexy siya. Perfect!!!

"Si Zekiel ang panganay sa kanila. Pangalawa si Kiel at bunso naman si Kill Krause na karibal ni Jillean. Mahirap silang pabagsakin."-Januz.

"Si Kill Krause siguro ang nakita ko sa lugar kung saan naganap ang aksidente. Katabi niya ang asawa niya at parehas silang walang malay. Iyon ang araw na nakita ko si Jillean. Mabait ako kaya kinuha ko ang anak ni Mama sa labas. Haha." Sagot naman ni Juno.

Hindi siya mabait. Masama ugali niya. Mabait pa nga si Boss Januz e. ^///^

"Kaya pabagsakin niyo ang angkan nila. Ipaghiganti nyo ang kapatid niyo!"-Madam.

"Gawin niyo ang gusto nyong gawin. Ayokong pag-aksayahan ng panahon ang Jillean na iyan.." sabi ni Boss at naglakad na palabas ng kwartong ito.

"Januz?!!!" Galit na sigaw ni madam.

Tahimik lang kami ni Felix at baka kami ang pagbuntungan ni madam ng galit.

"Ako nang bahala 'Ma. Pababagsakin natin sila."- Juno.

"Paano mo gagawin iyon? Kakailanganin mo ang tulong ng kuya Januz mo."

"Hindi na siya kailangan. May taong tutulong satin at siya ay nasa Yin Mafia ngayon."

"Anong plano mo?"-Jurie.

"Malakas ang angkan nila dahil nagkakaisa ang magkakapatid na iyon pero kung sisirain natin ang tiwala nila sa isa't isa, sila ang maglalaban-laban. Sila mismo ang magpapabagsak sa sarili nilang angkan."

Devil Kissed Me 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon