Chapter 23

173 3 0
                                    

Klaw's Pov
-
-
Kakaibang babae 'yon ah. Lakas ng tama. Buti na lang hindi na niya kami hinabol.
-
Uuwi muna ako samin. Magpapakita muna ako sa magulang ko.
-
Sila lang naman ang daan para makilala ko ang totoong magulang ko.
-
Wala naman akong balak na manggulo kung makilala ko man sila. Gusto ko lang malaman kung saan ako nagmula..
-
Ngayon, nakarating na ako sa bahay. Magulo talaga sa iskwater. Maingay pero masaya. Malaki ang pinagkaiba sa mala-mansion na bahay.
-
"Hintayin na lang kita dito sa labas. May lakad pa tayo nila Clad." Saad ni Blyde. Halata naman na gustong iwasan ang maingay kong nanay.
-
"Sige. Ako na lang ang papasok. Hintayin mo ako."
-
Binuksan ko ang pinto at bumungad agad ang nanay ko.
-
"Ikaw talagang bata ka! Bakit ngayon ka lang umuwi?!" Sigaw ni nanay na agad piningot ang tainga ko.
-
"A-aray ko! Ang sakit!"
-
"Ngayon, a-aray-aray ka d'yan. Pumasok ka dito sa loob!" Sabi nito at hinatak ako paloob ng bahay.
-
Pagdating sa loob, doon niya lang tinantanan ang tainga ko.
Ang sakit.
-
"Saan ka galing? Ilang buwan kang hindi nagpakita?!"
-
"Hindi na ako bata, Nay. Kailangan ko nang maghanap ng pera."
-
"Sinabi ko bang maghanap ka ng pera! Ang gusto namin ng tatay mo, dumito ka lang sa bahay!"
-
"Ayoko!"
-
"Matigas talaga ang ulo mo!" Sigaw din ni tatay.
-
"17 na ako. Kailangan ko rin Hanapin ang sarili ko. Kung sinabi nyo sakin kung sino ang magulang ko, hindi ako maglalayas dito!"
-
"Wala ka nang magulang! Binigay ka samin dahil hindi nila kailangan ng anak."
-
"Hindi ako naniniwala.. kapag nakilala ko sila, itatanong ko kung bakit nila ako pinamigay.."
-
Kinuha ko ang pera sa bulsa ko at ibinigay iyon kay nanay.
-
"Ito lang ang dahilan kung bakit ako nandito. Sainyo na 'to."
-
"Malaking halaga 'to ah?"manghang sabi ni nanay.
-
"Kinita ko iyan sa trabaho ko. Aalis na ako."
-
Agad akong tumakbo palabas ng bahay. Baka ikulong pa nila ako sa loob.
-
"Alis na tayo?" Tanong ni Blyde.
-
"Oo..
-
"Buti natakasan mo pa sila."
-
"Tinakbuhan ko na. Nagbigay lang ako ng pera. Utang ko parin sa kanila ang buhay ko."
-
"Hindi mo naman sila magulang. Hindi mo kasi sila kamukha.hahaha!"
-
"Tara na nga."
-
Bumalik kami sa teritoryo ni Clad. Nagtipon na rin sila doon. Kung bibilangin ang dami namin, sampo kaming lahat. Ganito kami kadami para sa
papasukin naming mansion?
-
Pumunta kami sa nasabing lugar. Ang mansion na balak naming pasukin, Sobrang laki. Mas malaki ito kumpara sa naunang mansion na pinasok namin.
Nagsisipagtaasan ang mga pader at kakailanganin ng hagdan para makatawid sa kabila.
-
Ang problema, walang plano para makalabas sa mansion.
Tikom ang bibig ni Clad dito.
Nakukuha pa niyang ngumiti at hindi nakararamdam ng kaba sa pwedeng mangyari.
-
Inihanda na ng iba ang hagdan at idinikit iyon sa pader.
-
"Umakyat na kayo. Hihintayin ko kayong bumalik dito." Utos ni Clad na agad din sinunod ng iba.
-
"Kaninong mansion ba 'to?"tanong ko.
-
" Sa pamilya Killmer. Mayaman sila at siguradong may makukuha kayo.."
-
Killmer...?
-
"Bakit hindi ka sumama samin?"
-
"Ako ang pinuno niyo diba? Ako ang dapat maiwan dito."
-
"Kung may mangyari sa loob, mas maganda kung damay-damay na tayo."
-
"Klaw, kinukwesyon mo ba ako o natatakot ka lang?"
-
"Nagtatanong lang ako kung bakit ikaw lang ang dapat maiwan dito..?"
-
Hinawakan ako ni Blyde sa balikat. Nakaakyat na ito sa pangalawang baitang ng hagdan.
-
"Tayo na. Hayaan mo na siya. Gawin na natin ang trabaho natin." Saad ni Blyde at nauna nang tumalon sa kabila.
-
Ayoko sanang tumuloy pero nasa loob na ang kaibigan ko.
-
Umakyat na rin ako at tumalon sa kabilang pader.
-
"Dito tayo, Klaw.." mahinang saad ni Blyde. Nasa tabi siya ng nagsisilakihang pigura.
-
Napatingin ako sa paligid. Ang mga kasamahan ko ay nakamasid din sa paligid.
-
Nakakapagtaka ang katahimikan. Masama ang kutob ko..
-
Tatlong lalake ang lumabas sa kung saan na bigla na lang nagpaputok ng Baril.
-
[BANGGGGGGG!!!!]
-
[BANGGGGGGG!!!!]
-
[BANGGGGGGG!!!!]
-
Sunud-sunod ang pagpapaulan ng bala sa paligid. Ang Lima samin ay agad namatay.
-
Napasandal ako matapos akong matamaan ng bala sa tagiliran ko.
-
Hindi maganda 'to.. kaasar.
-
Siyam kaming pumasok dito. Lima ang nalagas samin..
-
Hindi pa kami nakakapasok sa loob ng mansion, pumalpak na kami.
-
Ang kaninang tatlong lalake na nagpaulan ng bala, ngayon ay dumami na.
-
"Lumabas na kayo. Kahit anong gawin niyo, hindi na kayo makakatakas dito. Ang tanging daan para makalabas ay kasalukuyang binabantayan ng mga kasamahan namin. Sadyang pinadala kayo dito para mamatay..Hahaha" paliwanag ng isa.
-
Si Clad.. naisahan niya kami..
Lahat kami mamatay dito..
-
[BANGGGGGGG!!!] Muli nanamang nagpaulan ng bala ang mga lalake.
-
Hindi kami makakalabas lalo na at mataas ang mga pader. Ang entrance gate lang ang tanging daan na malapit samin. Pero imposibleng makalabas dahil bago ka pa makaabot sa gate, siguradong tinadtad na ng bala sa dami nila.
-
Ahh.. ang sakit..
Habang tumatagal, nauubusan ako ng dugo..
-
"Klaw.. sumuko na tayo.."-Blyde.
-
Kung susuko kami, hindi namin nasisiguro kung bubuhayin pa ba nila kami..
-
"Anong kaguluhan 'to? Bakit kayo nagpaputok ng mga baril?" Tanong ng lalake.
-
Napayuko sila dito. Mukhang mataas na tao ito sa lahat.
-
"Boss, Januz. May mga nakapasok na estranghero po satin.. utos samin na patayin sila."-sagot ng tauhan.
-
"Si Juno ba ang nag-utos na patayin agad sila?"
-
"O-Opo.."
-
Dumating ang isa at tinawag ito sa pangalang "Juno"
-
"Ako ang nag-utos para malibang naman sila. Sa takot ng mga magnanakaw na pasukin ang mansion na'to, kumuha ako ng tagalabas at pinadala ko sila dito..para patayin.." sagot ng Juno.
-
Dahil nasa kanila ang atensyon namin, isa-isa kaming hinuli at pinaluhod sa harapan ng Boss at ni Juno.
-
"Pakawalan mo na sila. Lima sa kanila ang pinatay dito mismo sa loob ng mansion ko. Ayokong madagdagan pa 'yon."-Boss Januz.
-
"Sa labas ko sila ipapapatay. Hindi dito.." sagot nito.
-
Isa-isa kaming hinawakan at inilabas sa mansion.
-
Nang makalabas kami, doon lang napansin ni Blyde ang tama ko sa tagiliran.
-
Kung makatakas man kami sa mga taong 'to, mamamatay naman ako sa pagkaubos ng dugo..
-
Dinala kami sa lugar na malayo-layo sa mansion. Limang lalake ang nagdala samin.
-
Nagkatinginan kaming apat na mga kasama ko. Sa tingin palang ay nagkakaintindihan na kami.
Iisa lang naman ang nasa isip namin..
-
Ang makatakas sa limang lalake sa kahit anong paraan..
-
Ang mali nila, hindi nila kami tinalian. Gano'n nila kami maliitin.
-
Lahat kami ay nagpumiglas sa pagkakahawak. Ang dalawa samin ay gumanti pa sa limang lalake. Kami naman ni Blyde, sinimulan na ang pagtakbo palayo.
-
Inalalayan ako ni Blyde nang mapansin na nahihirapan ako dahil sa sugat ko.
-
[BANGGGGGGG!!!]
-
[BANGGGGGGG!!!]
-
[BANGGGGGGG!!!]
-
Mga putok ng baril dahilan para lingunin namin ang pinanggalingan n'on.
Hindi pa kami gaano nakalalayo, kaya tanaw pa namin sila.
-
Ang dalawa naming kasamahan ay bumulagta sa lupa.
-
Patay na sila...?
-
Ang limang lalake, kami na ngayon ang hinahabol.
-
Muli silang nagpaputok ng baril.
Tinamaan si Blyde sa binti nito.
-
Napatigil kami sa pagtakbo.
-
"Klaw, tumakas ka na.. iwan mo na ako.."
-
"Hindi.. magkasama tayo. Hindi kita iiwan mag-isa dito.."
-
Inakay ko siya kahit nakararamdam na ako ng hilo at hirap sa paghinga.
-
Isang sasakyan ang paparating sa kinatatayuan namin. Habang ang mga humahabol samin na mga kalalakihan ay nasa likuran namin.
-
Kung kalaban pa itong paparating, wala na talagang pag asa na makaligtas pa ..
-
Bago pa kami tuluyang makalapit sa sasakyan, muli nanamang nagpaputok ang mga lalake mula sa likuran.
-
Kapwa bumagsak kami ni Blyde nang tamaan kami ng bala.
Bumagsak kami sa lupa.
-
Ang sasakyan sa harap ay huminto. Lumabas sa magkabilaang pinto ang sakay nito. Hindi ko na nakilala kung sino dahil tuluyan nang nagdilim ang paningin ko at putok ng mga baril ang huling narinig ko..
.
.
.
.
.
.
.
.

Sa paggising ko, hindi ko alam kung paano ako napadpad sa napakalaking kwartong ito.
-
Ramdam ko parin ang sakit ng sugat ko.
-
Himalang buhay pa ako..
-
"Gising ka na pala?" Saad ng lalake na nakaupo sa malaking sofa habang umiinom ng alak.
-
Agad ko siyang nakilala.
Imposibleng hindi ko siya makilala.
-
Kill Krause Zeiralliv..
-
Siya ang nagligtas sakin..?
-
"Kamusta ka na? May masakit pa ba sayo..?"
-
"Wala. Walang masakit.."
-
Ayokong tumingin sa mga mata niya. Para kasing nababasa niya agad ang nasa isip ko..
-
"Natatakot ka ba sakin?"tanong niya.
-
"Hindi. Bakit naman ako matatakot sayo?"
-
Napangiti siya ng bahagya sa sinabi ko.
-
"Nasaan ba ako? Nasaan ang kasama ko? Si Blyde?"
-
"Nandito ka sa mansion ko. Naunang nagising sayo ang kaibigan mo. Nang makarecover na siya, pinauwi ko na. Sa inyong dalawa, ikaw ang malala. Isang linggo ka ring walang malay.."
-
"Bakit mo ako tinulungan? May atraso ako sayo,diba? Pinagnakawan kita noon."
-
"Alam ko. Naalala ko 'yon. Hindi iyon nawala sa isip ko.."
-

Lumapit siya sakin at inabot ang basong may laman na alak.
-
"Uminom tayo.." saad niya.
-
Kinuha ko ang baso at ininom ko 'yon. Umiinom ako pero hindi ganon kadami.
-
Habang iniinom ko 'yon, ang mata niya ay hindi maalis sakin.
-
"Gusto kong maging anak ka.." saad niya para masamid ako sa iniinom ko.
-
"A-anak niyo? Bakit ako?"
-
"Nakikita ko ang sarili ko sayo.. bibigyan kita ng oras para makapagdesisyon. Babalik ako para sa isasagot mo.." saad niya.
-
Lumabas siya ng silid na 'to.
Napakamisteyoso niya.

Devil Kissed Me 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon