Chapter 33

180 5 0
                                    

Maria's Pov
-
-
Lubos akong nagalak sa sinabi ni Klaw. Sa wakas, nahanap na namin siya. Ang mahal naming anak.
-
Hindi ako binigo ni Krause..
-
"Sige na, magpahinga ka na. Alam kong napagod ka sa maghapon. Babalik na ako sa kwarto ng Daddy mo."
-
"Sige po.."
-
Lumabas ako ng kwarto ni Klaw. Dumiretso ako sa kwarto ni Krause. Pagpasok sa loob,nakita kong nakahiga na ito.
-
Lumapit ako at naupo sa tabi niya.
-
"Krause, gising ka pa ba?"
-
Hindi siya sumagot.
Mukhang mahimbing na ang tulog niya.
Sobrang napagod din siya. Hindi pa siya gaano'ng magaling pero pinilit niyang kumilos para hanapin at sunduin ang anak namin.
-
Tumabi ako sa kanya at humiga sa braso niya. Yumakap ako dahilan para magising ko siya. Humarap siya sakin.
-
"Sorry kung nagising kita, Krause. Gusto ko lang na matulog sa tabi mo habang yakap ka.."
-
Gumalaw siya at humarap sakin.
-
"Okay lang.. mas gusto ko nga 'yon.. ang makayakap ka sa pagtulog." saad nito at ngumiti sakin.
-
Lumipas man ang mga taon, wala parin nagbago sa kanya. Hindi ako magsasawang pagmasdan siya..
-
"Krause.. Salamat dahil tinupad mo ang pangako mo sakin.. naibalik mo ang anak natin.."
-
Hinaplos niya ang pisngi ko habang ang mga mata ay nanatiling nakapako sa mga mata ko.
-
"Lahat gagawin ko para sumaya ka.."
-
Muli akong napayakap sa kanya. Naramdaman ko ang halik niya sa noo ko at bumaba ito sa labi ko. Gumanti ako ng halik sa kanya.
Tumigil siya at may binulong sakin.
-
"Gumawa tayo.. subukan nating sundan si Klaw.."
-
Namula ako bigla sa sinabi niya.
Hindi ko tuloy napigilang matawa.
-
"Loko ka talaga,Krause. Hindi ka parin nagbabago. mahilig ka parin^^"
-
"Wala namang masama d'on ah? Asawa naman kita, diba?"
-
"Oo. asawa mo ako pero alam naman natin na hindi na ako pwedeng magbuntis pa.."
-
Muli ko nanamang naramdaman ang halik niya sa noo ko.
-
"Kaya nga natin susubukan.. malay natin, baka pagbigyan pa tayo ng isa.."
-
"Ikaw talaga. Baka nakakalimutan mo nand'yan parin si Sabrina.?"
-
Natahimik siya bigla.
Muli ko siyang niyakap..
-
"Buo na ulit ang pamilya natin. Ngayon, Kailangan na kitang ipaglaban at ipagdamot mula kay Sabrina. Babawiin na kita. Oras na para mamili ka samin.."
-
Humaplos ang palad niya sa pisngi ko at itiningala ito sa kanya.
-
"Ikaw ang pipiliin ko.." napangiti ako sa sagot niya.
-
"Salamat.. Krause.." saad ko at hinalikan ko siya.
-
Tumugon siya sa mga halik ko at sinulit ang buong magdamag..

..........

Klaw's Pov
-
-
Kinaumagahan,
Lumabas ako ng kwarto, kalalabas lang din ni Killian. Bitbit nito ang bag niya para sa pagpasok sa school.
-
Siguradong sinabi na ni Mama na sa kanya na ako ang tunay nilang anak.
-
"Papasok ka na ba, Killian?"
-
"Oo.. "tipid na sagot nito.
-
"Mag-agahan muna tayo bago pumasok.."
-
"Ikaw na lang. Kailangan kong umalis ng maaga." Sabi nito na hindi man lang tumitingin sakin.
Sinimulan nito ang paglakad palayo sakin.
-
Nakakpanibago  ang ikinikilos niya. Hindi naman siya ganito dati.
-
"Iniiwasan mo ba ako?"
-
"Iniiwasan? Bakit naman kita iiwasan?"
-
" Iyon kasi ang napapansin ko. Para kasing may nagbago sayo.."
-
"Ganito naman ako makipag-usap sayo, diba?" Sagot nito at nanguna muli sa paglalakad.
-
Nahinto siya nang makita sila Mama. Masaya ang mga ito mag-usap habang yakap ni Dad si Mama.
-
Ngayon ko lang sila nakita na ganito kasaya..
-
"Pansin mo rin ba? Ang pagbabago?" Tanong sakin ni Killian.
-
"O-Oo.. masaya sila.."
-
"Mula nang ampunin nila ako, kahit kailan hindi ko sila nakitang ganyan. Masayang nagkukwentuhan.. Siguro masaya sila dahil nahanap ka na nila.. at nakalimutan na nilang nandito ako.."saad nito at paalis na.
-
"Sandali lang. Hindi ka ba masaya na makita nila ako? Akala ko sasaya ka kung malaman mong ako nga ang anak nila? Bakit ganito ka?"
-
"Masaya naman ako para sayo at sa kanila. Hindi magtatagal, kukunin mo na lahat sakin at walang ititira. Mas mabuti na ganito ang isipin ko para hindi na masakit kapag nangyari na lahat ng ito.."
-
"Wala akong kukunin mula sayo.."
-
" Sa una lang iyan. Sa huli, kukunin mo parin ang lahat.."
-
Paalis na ito nang mapansin kami nila Mama.
-
"Nand'yan na pala kayo. Sabay na tayong kumain."pag-aya ni Mama.
-
"Kayo na lang po.. kailangan ko pong pumasok ng maaga. Marami po kaming gagawin. Mauna na ako sayo, Klaw.."
-
Tuluyan na itong nakaalis.
Bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa ikinikilos niya.
Pakiramdam ko, mali ang bumalik sa pamilya ko..
Dahil may masasaktan ako..
-
.
.
.
.
.
.
Pagdating sa school,
Nakita ko si Jairah. Nagkatinginan kami. Ang nakakapagtaka, bigla siyang umiwas ng tingin at patakbong pumasok sa room.
-
Iniiwasan niya ba ako?
-
Minabuti kong pumasok na sa room. Malalaman ko rin 'yon kapag nandoon na ako dahil katabi ko siya sa upuan.
.
.
.
Pagdating sa room, nakita ko si Jairah. Wala ito sa upuan namin. Doon siya nakaupo sa tabi ni Arziel.
-
Iniiwasan niya nga ako.
Pinagbawalan siguro siya ng Daddy niya na lumapit sakin.
-
Mabuti na rin 'to..
Hindi na niya ako kukulitin na gustuhin ko siya..
Pero bakit naiinis ako?
Kaasar..
-
Naupo na ako sa upuan ko at ilang sandali ay nagsimula na ang klase.
Himbis na sa harap ang atensyon ko, napapatingin ako kanila Jairah at Arziel. Nagkakatinginan sila at nagtatawan habang nag-uusap.
-
Nakakainis..
-
Kung sa bagay, mas pinapansin siya ni Arziel Hindi gaya ko..
Walang pakialam sa nararamdaman niya..
-
-
Ilang oras ang lumipas, tumunog ang Bell. Lumapit sakin si Clad.
-
"Klaw, tuloy parin ang plano natin. Kukunin natin ang anak ni Krause."
-
"Anak ni Krause?"
-
" Oo, si Killian. Ipakikilala kita sa Boss namin mamayang uwian."
-
Si Killian ang inaakala nilang anak ni Krause. Hindi nila alam na ako ang totoong pakay nila..
-

"Hindi ako sasama. Hindi ako tutuloy sa plano nyo.."
-
"Nagpapatawa ka ba?"
-
"Seryoso ako, Clad.. labas ako sa lakad mo.."
-
"Baka nakakalimutan mo ang sinabi ko sayo noon? Kung aatras ka, isa ka sa magiging target namin. Binanggit ko na ang pangalan mo doon. Inaasahan niyang maisasama kita.."
-
"Kaso.."
-
"Pag-isipan mong mabuti. Kailangan ko ng sagot pagkatapos ng klase.." saad nito at umalis.
-
Napatingin ako kay Killian na abala sa pagligpit ng gamit. Lilipat kami ng ibang room para sa next Subject. Nasa alanganin ang buhay niya..
-
Lumabas ako para maglakad-lakad at para makapag isip-isip.
-
Kung ipaalam ko kaya ito kay Krause? Baka may solusyon siya para dito.
-
Kaso, kailangan ko munang alamin kung sino nga ba ang Boss na tinutukoy ni Clad..
-
Sa pagmumuni-muni ko, bigla na lang may humila sakin papasok sa isang bakanteng room. Iginitgit niya ako sa pader.
-
"Si--" hindi ko na natuloy ang tanong ko nang takpan niya ang bibig ko.
-
"Ssshhh.. H'wag kang maingay. Ako lang 'to, si Jairah..."
-
Inalis ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko.
-
"Bakit hinila mo ako papasok dito? Kanina lang iniiwasan mo ako tapos ngayon--"
-
"Sorry.. hindi ko naman gusto na iwasan ka. May mga mata kasing nakatingin sakin sa labas e.
-
"Mga matang nakatingin? sayo? Ano 'yon?"
-
"Tauhan ni Daddy 'yon na nagbabantay sa bawat ikikilos ko. Nangako ako kay Daddy na iiwasan na kita. Kapag sumira ako sa usapan namin, kailangan ko nang magdrop dito sa school.  A-ayokong magkalayo tayo.."
-
'Yon pala ang dahilan ng pag-iwas niya sakin.
-
"Naintindihan ko na. Sundin mo na lang ang Daddy mo kung iyon ang makakabuti para sayo.."
-
"Klaw, hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo. Gusto parin kita.. tandaan mo iyan. Sa ngayon, susundin ko muna si Daddy."
-
"Tatandaan ko. Lumabas na tayo."
-
"Oo pero may nakalimutan akong gawin."
-
"Ano naman 'yo--" bigla niyang hinila ang necktie ko dahilan para mapayuko ako sa kanya.
-
Hinalikan niya ako..?
-
"Ayan. Iyan ang nakalimutan kong gawin.^^" masayang saad niya at naunang lumabas ng room.
-
Ninakawan nanaman niya ako ng halik?

Pasaway talaga.
Lagi niya akong nabibiktima.
-
-
To be continued..,

Devil Kissed Me 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon