Chapter 30

151 4 0
                                    

Jairah's Pov

"Klaw, malayo pa ba? Ang sakit na ng paa ko kakalakad. Sabi ko naman sayo gamitin na natin ang kotse ni Daddy e."

"Sinabi ko bang sumunod ka? Ikaw ang may gusto nito kaya magtiis ka."

Ang sungit!!!!!grrr!!!!

"Ganyan mo ba tratuhin ang girlfriend mo?" Sabi ko at kunwari mangiyak-ngiyak na.

Palapit ako sa kanya para yakapin siya kaso madamot siya.
Hinawakan niya ang ulo ko para di ako makalapit sa kanya.

"Alam ko na mga galawang ganyan. Hindi ka na makakayakap ulit sakin."

Ang damot talaga nito.
Payakap lang e.

"Hmptss! Edih hwag!!!"

Ang layo talaga ng ugali nito sa Daddy niya. magkamukha nga sila pero magkaiba sila. walang kasweet-sweet sa katawan 'to. Nakakatampo talaga..
Hinihintay ko pa naman maging sweet siya sakin pero malabo e. Nakakainis!!!

Hindi na ako sumunod nang maglakad siya ulit.
Umuwi na lang kaya ako?
Ang problema, hindi ko alam kung paano uuwi..
Bahala na nga..

Naglakad ako sa dereksyon na iba sa tinatahak ni Klaw.

..........

Klaw's Pov

Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin ko ang hindi pagsunod ni Jairah.
Naglakad siya papunta sa ibang daan.
Pasaway talaga..

Binalikan ko siya at sinundan. Alam ko naman na hindi niya alam ang daan pauwi.

"Nagtatampo ka ba?"tanong ko.

"Hmptss!!! Iwan mo na ako dito. H'wag mo na akong sundan. Uuwi na lang ako noh."

"Alam mo ba ang pauwi?"

"Hindi."

"Hindi mo naman pala alam, e bakit hihiwalay ka pa sakin?"

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Hindi mo naman ako love, diba..? Kayang-kaya mo nga akong tiisin e kasi tulad ng sinabi mo, hindi mo ako gusto. Kahit halos pagsigawan ko na sa lahat ang nararamdaman ko. Manhid ka.."

"Jairah, hindi mo ba napapansin na masyado kang nagmamadali. 15 ka palang. 17 ako. Wala pa akong kayang gawin.. Anong gusto mo, magnakaw ako para sayo?"

"Oo! Kung para sakin naman iyang gagawin mo e, bakit hindi?" Seryosong sagot niya habang nakatitig sakin.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa pagkailang..

"Klaw, tapatin mo nga ako. May pag-asa ba ako sayo? Para malaman ko kung tutuloy o titigil na ba ako. Minsan nang naging talunan ang Daddy ko sa Daddy mo. Pakiramdam ko, gano'n din ang mangyayari sakin.."saad niya at napaiyak siya sa harapan ko.

Ano kinalaman ng Daddy niya kay Krause?

Ngayon lang ako nakakilala ng babaeng gaya niya. Na walang takot sabihin ang nararamdaman niya.
Napabuntong-hininga na lang ako sa nangyayari.

Sa kakahabol niya sakin, unti-unti na akong nahuhulog..

..............
Jairah's Pov

"Sumama ka na sakin.."saad niya.

Ang bad niya. Ang dami kong pinagtapat tapos hindi man lang pinansin? Ang manhid niya!!!

"Hmptss! Ayoko nga! Iwanan mo na nga lang ako!" Inis na sabi ko at tinalikuran ko siya.

Tatakbuhan ko na sana siya ng hawakan niya ako sa braso ko.

"Sorry na.."sambit niya.

"Wala akong narinig.."

Devil Kissed Me 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon