Chapter 18

198 6 2
                                    

Krause's Pov
-
-
Dalawang buwan ang lumipas mula nang gawin ko ang isang pagkakamali. Tumawag sakin si Sabrina. Masaya niyang ibinalita ang pagbubuntis niya.
-
"Krause, narinig mo ba ako? Ang sabi ko ihatid natin ang anak natin sa school niya.." saad ni Maria na abalang inaayos ang necktie na suot ko.
-
Nawala sa isip ko na magkasama kami sa kwarto.
-
"May meeting ako.. ikaw na lang muna ang sumama sa kanya.."
-
"Sige.. napapansin ko na lagi kayong may meeting. Sobrang busy mo na at wala nang panahon samin ng anak mo. Kailangan mo rin magpahinga."
-
"Simula nang umalis si Zekiel, ako na ang laging dumadalo sa mga meeting.. wala akong Pagpipilian. Bilang Boss ng Kompanya, kailangan kong gampanan ang trabaho ko."
-
Pagkatapos niya ayusin ang necktie ko, yumakap siya sakin.
-
"Okay lang na maging busy ka sa kompanya, hwag lang sa ibang babae.."
-
"Maria..?"
-
"Kung dumating man ang araw na hindi mo na ako mahal, sabihin mo agad sakin. Ako na ang kusang lalayo. Handa kong gawin iyon para sayo, Krause.."
-
Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo niya.
-
"Kung makagawa man ako ng pagkakamali, may dahilan. Pero ang hiwalayan ka, hinding-hindi ko gagawin. Dahil para sakin ka lang.."
-
"I love you, Krause.."
-
"I love you too, Maria.."
-
Lumapit siya at hinalikan ako.
-
"Sige na, pumasok ka na sa company. Ako nang bahala sa anak natin."
-
Tumango ako at lumabas na ng kwarto. Sumakay ako sa kotse.
Hindi sa company ang punta ko. Kay Sabrina ako pupunta. Sasamahan ko siyang magpacheckup para malaman kung ano ang lagay ng pinagbubuntis niya..
.
.
.
.
.
[Hospital]
-
-
Kasalukuyan kaming magkasama ni Sabrina habang nasa office ng doctor.
-
"Positive, buntis ang asawa mo Mr. Krause. She's 3 weeks pregnant. Congratulation."
-
"Maraming salamat po." Sagot ni Sabrina at yumakap sakin.
-
" Bibigyan ko siya ng mga vitamins para sa baby nyo. Ingatan mo ang sarili Mrs. Sabrina. Maselan ang pagdadalang-tao mo."- doctor.
-
"Iingatan ko po ang sarili ko at ang baby namin."
-
Pagkatapos naming kausapin ang doctor, sabay kaming lumabas ng office.
-
Tahimik lang ako mula kanina. Wala ako sa mood para magsalita.
-
"Masaya ka ba ngayon, Krause? Magkakaanak na tayo. Sayo ang batang dinadala ko.."
-
"Oo. Masaya ako.."
-
"Kailan ba natin ipapaalam ito kay Maria?"
-
Huminto ako sa paglalakad  at napatingin sa kanya.
-
"Hindi natin sasabihin.. wala akong plano na sabihin 'to sa kanya.."
-
"Ano? Ibig sabihin, itatago mo ang katotohanan? Paano ang karapatan namin ng magiging anak mo?"
-
"Pananagutan kita. Hindi kita tatalikuran at lalong hindi ko pababayaan ang anak ko sayo."
-
"Anong plano mo samin?"
-
"Bibili ako ng bahay para sainyo ng anak ko.. dadalawin ko kayo doon."
-
-
.........................

Sabrina's Pov
-
-
Hindi ko inaasahan ito.
Hindi ako papayag na mas pipiliin niya si Maria na manatili sa tabi niya kaysa samin ng anak niya!
-
"Ayoko. Gusto kong tumira sa mansion mo, Krause!"
-
"Ano?"
-
"Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Ewan ko, pero 'yon ang nararamdaman ko ngayon.. Hindi ba ako mahalaga sayo?"
-
Hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat ko.
-
"Mahalaga ka, lalo na ang dinadala mo.. Hindi ko kayo itatago sa lahat.. dadalhin parin ng anak natin ang apelyido ko.."
-
"Hanggang kailan mo kami itatago kay Maria? Kailangan niya parin malaman 'to.."
-
"Hindi ngayon.. ang mabuti pa, iuuwi na kita sainyo. Tawagan mo na lang ako kapag may problema.."
-
Hinawakan niya ang kamay ko at pinagpatuloy ang paglalakad palabas ng Hospital.
-
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok sa loob. Habang nasa byahe, nanatili siyang tahimik..
Hanggang sa makarating kami sa bahay ko..
-
Bumaba siya at pinagbuksan ulit ng pinto.
-
"Pumasok ka na sa loob. Dadalaw na lang ulit ako kapag nagka-oras.." saad niya.
-
Yumakap ako sa kanya.
-
"Mahalin mo ako, Krause.. mas kailangan ko ngayon ng pagmamahal mo.. gusto namin ng anak mo na mararamdaman ang pagmamahal mo.."
-
Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya. Tumingala ako sa kanya para makita nang mas malapit ang gwapo niyang mukha..
-
Mas lumapit ako sa kanya at dinampi ang labi ko sa labi niya.
Ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ang pagganti niya sa mga halik ko.
-
Kung kinakailangan na gamitin ko ang batang dinadala ko para makuha ka lang, gagawin ko..
-
Kami ng anak mo ang kikilalanin bilang pamilya mo at hindi si Maria..
-
...............
-
-
Pitong Buwan ang lumipas,
-
-
Lalong bumibigat ang nasa tiyan ko. Madalas siyang magalaw sa loob ng tiyan ko. Ayon sa ultrasound ko, baby girl ang anak namin ni Krause.
-
Madalas sumakit ang tiyan ko na minsan ay nagpakahirap sakin sa paghinga.
-
Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko?
-
Maselan parin ang pagbubuntis ko. Mas lumalala sa tuwing naiisip kong kasama ni Krause si Maria.
-
Hindi ako papayag na itatago niya lang kami..
-
Lumabas ako at tinungo ang mansion ni Krause.
-
Pinapasok ako sa loob at si Maria ang nakaharap ko.
-
"Ikaw pala Sabrina. Bakit gusto mo akong makausap?"
-
"Tungkol 'to sa pagbubuntis ko.."
-
"Ah.. napansin ko nga na malaki ang tiyan mo. Sino ang ama ng dinadala mo?"
-
Ang mukha niya ay wala paring kaalam-alam sa mga nangyayari..
-
"Si Krause.." sambit ko.
-
"Hah..?"
-
"Si Krause ang ama ng dinadala ko.."
-
"S-si Krause..? Paanong naging si Krause..?"
-
"May nangyari saming dalawa. Parehas naming ginusto ang mga nangyari samin. Dahil gusto niyang magkaroon ng anak.."
-
Biglang lumuha ang mga mata niya na tila naguguluhan sa mga sinabi ko.
-
"H-hindi totoo iyan. Lagi kaming magkasama ni Krause kaya malabo ang sinasabi mo.."
-
"Nagkakamali ka.. kami ang madalas na magkasama. Dahilan lang na may meeting siya pero ang totoo, ako ang pinupuntahan niya. ako ang kasama niya."
-
"Hindi magagawa ni Krause iyan dahil may anak na kami.."
-
"Pero nagawa na niya. Ang anak mo ay ampon lang. Ang sakin, dugo't laman niya. Totoong anak niya.. palayain mo na si Krause at hayaan mo kaming magsama. Kami ang buong pamilya--"
-
[PAKKKKK!!!] -sinampal niya ako.
-
"Sinungaling ka! Hindi ako naniniwala sayo!!! Mahal ako ni Krause! Hindi niya ako pagtataksilan!!!"
-
"Nagawa ka na niyang pagtaksilan, malapit na akong manganak. Kapag nangyari iyon, kami ng anak niya ang pipiliin niya!" Sigaw ko nang bigla niya akong tinulak ng malakas.
-
"Lumayas ka!!!!"
-
Bumagsak ako at mukhang napasama pa. Sobrang sakit ng tiyan ko. Nanginig ako sa takot ng makita ang mga dugong unti-unting kumakalat sa kinuupuan ko.
-
"Ahhh.. tulungan mo ako Maria.. ang baby ko.. baka mamatay ang baby ko.." saad ko at bigla akong nakararamdam ng hirap sa paghinga.
-
-
..............

Maria's Pov
-
-
Sa galit ko, naitulak ko siya.
Ang dugo niya ay unti-unting kumakalat sa kinuupuan niya.
-
Kahit ako ay natakot din sa nakita. Hindi ko alam ang gagawin..
-
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Krause na agad lumapit samin.
-
"Krause.. ang anak natin.. tulungan mo ako.." pakiusap ni Sabrina na halatang nahihirapan na.
-
"S-Sabrina..?" Saad niya at agad lumapit dito
-
Binuhat niya ito. Napatingin siya sakin at walang anumang salita ang lumabas sa kanya.
-
Lumabas siya ng mansion at tanging tunog ng sasakyan ang narinig ko ang pinagana. Na unti-unting lumalayo sa mansion.
-
Ang mga luha ko ay walang tigil sa pag-agos dahil sa bigat ng nararamdaman ko..
-
"Krause.. totoo ba ang sinabi ni Sabrina..? Anak mo ang dinadala niya?Pinagtaksilan mo ba ako..?"

-
-

Devil Kissed Me 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon