Chapter 11

308 12 0
                                    


Maria's Pov

Pumunta ako sa bahay ng mama ko. Pinatuloy niya kami ng baby ko sa loob.

"Bakit biglaan ang dating mo dito anak? Nasaan si Krause?" Tanong ni mama.

"Umalis na po ako sa kanya.."

"Umalis? Nag-away ba kayo?"

"Hindi po.."

"Kung hindi kayo nag-away, anong dahilan ng pag-alis mo sa kanya?"

"May ibang babae po siya.. nahuli ko siyang may kasamang babae sa kwarto.."

Hindi ko na napigilang umiyak. Sa dami ng nangyari sakin, mas masakit ang ginawa ni Krause.

Niyakap ako ni mama at hinaplos ang buhok ko.

"Dumito ka muna anak. Aalagaan ko kayo ng apo ko."

"Salamat po. Kung hanapin man ako ni Krause dito, sabihin niyo na wala ako dito. Ayoko po siyang makita.."

"Oo, Maria. Sasabihin ko."

Kinwento ko kay mama ang mga nakita ko. Naikwento ko na rin na nanganak na si Mariana. Kita sa mukha ni mama ang saya nang malaman niya na may apo ulit siya.

Pagkatapos naming mag-usap. Pumasok na ako sa kwarto ko kasama ang anak ko.

Hindi ko alam kung paano haharapin si Krause.

Ayoko siyang makita..

Nakarinig ako ng ingay ng sasakyan sa labas. Lumapit ako sa may bintana para tingnan kung sino ang dumating.

"Ikaw pala Krause. Bakit ka naparito?" Tanong ni mama kay Krause.

"Nandito po ba si Maria?"

Halata sa kanya ang pag-aalala.

"Pasensiya na. Wala siya rito. Ano bang nangyari sainyo?"

"Umalis po siya dala ang anak namin. Wala akong contact sa kanya kaya nagbakasakali akong baka nandito siya.."

"Anong dahilan ng pag-alis niya? Nag-away ba kayo?"

Natahimik siya bigla. Alam niya sa sarili niya kung ano ang nagawa niya..

Kahit kasal na kami, tuloy parin ang relasyon nila ni Kazandra. Hindi lang ako ang sinaktan niya, pati si Kiel na mismong kapatid niya..

"Hindi po kami nag-away..."

Siguradong hindi niya sasabihin iyon kay mama.

"Pero bakit umalis si Maria kung hindi kayo nag-away.?"

"Ang totoo niyan, nakita niya akong may kasamang babae sa kwarto pero hindi ko na maalala ang iba pang nangyari sakin. Mahal ko si Maria. Hindi ko magagawang saktan siya."

Sinungaling..

Hinawakan siya ni mama sa balikat nito.

"Babalitaan kita kapag nagpunta dito si Maria. Umuwi ka na muna. Maaayos din ang lahat ng 'to."

"Okay. Ma' salamat.."

Nakaramdam ako ng lungkot na makitang madismaya si Krause.
Pero tama lang 'to. Ganito na lang muna tayo.

Ang magkalayo..

........

Krause's Pov

Umuwi ako sa mansion. Muli akong nabigo na mahanap si Maria.

Ayokong mawala siya sa buhay ko. Kailangan ko siyang maibalik dito.

Papunta na ako ng kwarto ko nang makasalubong ko si Kazandra.

Devil Kissed Me 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon