Chapter 20

202 3 0
                                    

Sabrina's Pov
-
-
Lahat ng gusto ko sinusunod ni Krause. Ginagawa niya ito hindi para sakin, kundi para sa batang dinadala ko..
-
Ang bata lang ang mahal niya at hindi ako.
Okay lang.. gagamitin ko ang anak namin para masunod ang gusto ko.
-
"Gusto kong tumira sa mansion mo, Krause. Para lagi tayong magkasama.."
-
"Kailangan pa ba 'yon?"
-
"Oo. Hindi naman ako ang may gusto nito. Gusto 'to ng magiging anak natin.. Tanggap na rin naman ni Maria ang relasyon natin, diba? Hindi na siya kokontra pa."
-
"Sige. Payag ako. Pero sa isang kondisyon.."
-
"Anong kondisyon?"
-
"Iiwasan mo si Maria. Hwag kang magsasalita na makakasakit sa damdamin niya. Sobra-sobra na ang kasalanan ko sa kanya." Saad niya.
-
"Mahal mo ba ako, Krause..?"
-
"Mahal ko kayo ng anak ko.."
-
Iyon palagi ang sagot niya sa tuwing tinatanong ko siya.
-
" Si Maria..? Mahal mo parin ba?"
-
"Hindi siya nawala sa puso ko. Sobrang mahal ko siya.."
-
Kahit kailan, hindi ko mahihigitan si Maria..
.
.
.
.
.
Dinala niya ako sa mansion niya. Doon ako matutulog sa master bedroom kung saan ang kwarto niya
-
"Dito ang magiging kwarto mo simula ngayon.. dito ka muna, lalabas lang ako.." saad niya.
-
Nalaman kong hindi na sila nagsasama ni Maria sa iisang kwarto.
-
Tama lang dahil matatapos na ang relasyon nila sa oras na ipanganak ko ang anak namin.
-
Lumabas ako at sinundan ko siya. Nakita ko si Krause na kausap si Maria.
-
Hawak ni Krause ang kamay nito habang si Maria ay hindi magawang makatingin kay Krause.
-
"Mag-usap tayo.." saad ni Krause.
-
"Anong pag-uusapan natin..?"
-
"Tungkol sa anak natin. Sa nawawala nating anak.."
-
"Patay na siya. Bakit pa natin siya pag-uusapan..?"
-
"Hindi siya namatay.."
-
"A-ano..? Ang sabi mo sakin noon, patay na ang anak natin?"
-
"Pinahukay ko ang puntod at pina-DNA ang bangkay. Ang lumabas na resulta, hindi iyon ang anak natin.."
-
Buhay ang anak nila ..?
Hindi maganda 'to para sakin..
-
"Masaya ako na malaman iyan pero.. hindi na rin tayo babalik sa dati.. magkakaroon ka parin ng anak kay Sabrina.."
-
"Maria..?"
-
"Salamat Krause.. Hahanapin ko ang anak natin nang mag-isa.. maiwan na kita. " Saad ni Maria at iniwan si Krause sa kinatatayuan nito.
-
Si Maria na ang kusang lumalayo. Si Krause lang ang ayaw bumitaw sa kanya..
-
............
-
Nakita ko ang ampon ni Maria. Galing ito sa school at kauuwi lang.
-
"Magandang hapon po." Pagbati niya.
-
"Napakagalang mo namang bata.."
-
"Turo po sakin ni mama na maging magalang po ako sa nakakatanda sakin.."
-
"Mabuting magulang pala si Maria sayo. Sayang kasi ampon ka lang niya."
-
"Wala pong kaso sakin kung ampon po ako. Alam ko po 'yon at tanggap ko."
-
"Tanggap mo kahit hindi ka natatapunan ng atensyon ni Krause..?"
-
"O-Opo.." bigla siyang nalungkot.
-
"Killian ang pangalan mo tama ba?"
-
"Opo."
-
"Pinagamit saiyo ni Maria ang pangalan ng namatay nilang anak? Bigla akong naawa sayo.. Dahil ang totoo nilang anak ay nabubuhay parin hanggang sa ngayon. Kapag nahanap siya at naibalik dito, anong pangalan na kaya ang gagamitin mo?"
-
"Po....?"
-
"Mas matutuon ang atensyon ni Maria sa totoo niyang anak at ikaw naman ay maaaring ibalik sa bahay ampunan. Kung ako sayo, ipagdasal mo na sana hindi na mahanap pa ang totoong Killian. Hahaha."
-
Iniwan ko ang ampon ni Maria.
Makikita sa mukha nito ang pangamba sa pagbabalik ng totoong Killian..
-
..........
Maria's Pov
-
-
Mahahanap ko ang anak ko nang hindi nangangailangan ng tulong ni Krause.
-
Nabuhayan ako ng loob na malaman na buhay ang anak ko.
-
Nasaan na kaya siya?
Maganda kaya ang buhay niya?
Mababait ba ang mga kumupkop sa kanya?
-
Sobrang daming katanungan ang naiisip ko.
Gusto kong malaman kung nasa mabuting kamay ba ang anak ko..
-
~Bumukas ang pinto at pumasok ang anak kong si Killian. Malungkot ang mukha nitong tumingin sakin.
-
"Bakit anak? May problema ba?"
-
"Totoo po bang buhay ang totoo niyong anak? Pinapahanap nyo na po ba ni Dad si..si Killian..?" Mga tanong niyang biglang nagpaluha sa mga mata niya.
-
"Sino nagsabi niyan sayo..?"
-
"Si Ms. Sabrina po.."
-
"Si Sabrina..?"
-
"Paano po ako kapag nahanap na ang anak niyo? Ibabalik niyo po ba ako sa bahay ampunan.?"
-
Lumapit ako para yakapin siya.
-
"Hindi ko gagawin iyon. Hindi kita ibabalik doon. Anak na kita. Kung mahanap man ang nawawala kong anak, mananatili ka sakin bilang anak ko. Ako ang mama mo. Walang magbabago d'on.."
-
-
Ang 10-taong gulang kong anak ay tuluyan ng nakatulog dahil sa pag-iyak.
-
Sa tingin ko, hindi makabubuti para sa anak ko ang pananatili dito habang nandito si Sabrina.
-
Kailangan na naming umalis at bumukod. Gagawin ko 'to para hindi na masaktan pa ni Sabrina ang anak ko..
-
Iniwan ko si Killian sa kwarto at pinuntahan ko si Krause sa office nito. Saktong nandoon pa siya kaya nagkausap kami.
Sinabi ko ang pakay ko sa kanya.
At hindi siya sang-ayon sa paglipat ko.
-
"Hindi ako papayag!"
-
"Masikip na para samin ang mansion mo,Krause. Magku-krus parin ang landas namin ni Sabrina at sasaktan nanaman niya ang loob ng anak natin.."
-
"Pagsasabihan ko siya."
-
"Hindi na Kailangan. Gagawin ko ang gusto ko para sa ikabubuti ng anak ko. Kung may halaga pa ako sayo, irerespeto mo ang desisyon ko.."
-
Paalis na ako nang bigla niya akong hawakan sa braso ko.
-
"Sobrang mahalaga ka sakin. Papayag ako sa gusto mo. Pero hayaan mo akong gampanan ang obligasyon ko sayo at sa anak natin.."
-
"Ano bang plano mo para samin..?"
-
"Bumili ako ng mansion. Doon kayo titira ng anak natin. Legal kitang asawa kaya susuportahan parin kita.."
-
Iniwas ko ang paningin ko.
Inaasahan kong hahantong ang lahat sa ganito..kami ng anak ko ang aalis.
-
"Salamat. Kailangan na naming mag-impake. Magpapahid kami sa tauhan mo papunta sa mansion na sinabi mo.."
-
Inalis ko ang pagkakahawak niya at tuluyan na akong lumabas sa office niya..
*
*
*
*
*
**********
Krause's Pov
-
***Pitong Taon..,
-
Pitong taon ang lumipas..,
Bigo parin akong mahanap ang anak namin ni Maria..
-
"Daddy.." tawag sakin ng munti kong prinsesa.
-
Si Silvana. Ang anak namin ni Sabrina.
-
"May problema ba?"
-
"Gusto kong sumama sayo, Daddy."
-
"May importante akong pupuntahan kaya di kita maisasama ngayon.."
-
"Gano'n po..?"malungkot na sagot nito.
-
"Si Maria ba ang pupuntahan mo?" Tanong mula kay Sabrina.
-
"Oo.."
-
"Umaasa ka parin na babalik kayo sa dati?"
-
"Oo. Hindi naman ako nawalan ng pag-asa."
-
"Ilang taon na rin ang lumipas. Masaya na siya sa buhay niya.. palayain mo na siya at makipag divorce na. Iyon na lang ang hinihintay niya sayo."
-
"Hinding-hindi ko gagawin iyon. Hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya.." saad ko at umalis na.
.
.
.
.
Pinuntahan ko si Maria. Tulad ng dati, hindi nagbago ang ganda niya.
-
Magkasama kaming umiinom ng tyaa.
-
"Naparito ka ba para hingin sakin na hiwalayan ka? Sana tama na ako sa hinala ko sa pagpunta mo ngayon.." saad niya at ininom ang laman ng tasa niya.
-
"Hindi iyon ang dahilan ng pagparito ko. Pumunta ako para bisitahin ka. Para makita ka."
-
"Wala ka parin pinagbago, Krause. Halos araw-araw mo akong pinupuntahan dito. Hindi ka ba nagsasawa?"
-
"Hindi ako magsasawa.. nawawala ang problema ko kapag nakikita kita.  Mahal parin kita, Maria.."
-
"Mahal din kita, Krause. Hindi iyon nagbago. Pero iba na ang sitwasyon natin.. hindi na tayo mga bata. Kaya ko nang mabuhay na wala ka.. salamat dahil patuloy mong sinoportahan ang financial na pangangailangan ng anak natin kahit ampon siya.. Nagampanan mo pa rin ang pagiging Ama mo sa kanya.."
-
"Dad.." tawag sakin ni Killian.
-
Binata na siya sa edad na 17.
Ganito na rin siguro ang anak namin ni Maria kung nahanap ko sana siya..
-
Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila.
-
"Aalis na ako.. papasok na ako sa kompanya."
-
Lumapit ako kay Killian at hinawakan ang balikat niya.
-
"Pagbutihan mo pa ang pag-aaral at alagaan mo ang mama mo.."
-
"Opo, Dad.."

.
.
.
.
.
Sa harapan ng company building huminto ang kotseng sinasakyan ko. Binuksan ng tauhan ko ang pinto ng kotse at lumabas ako.
-
Papasok na ako ng kompanya nang may biglang bumangga sakin.
-
Nagtama ang paningin namin bago siya tuluyang naglakad palayo sakin.
-
"Boss? Okay lang po kayo?" Tanong ni Drake.
-
"Oo.."
-
"Nakita ko pong may kinuha ang binatang iyon mula sainyo. Hahabulin ko po siya."
-
"Hindi na. Hayaan mo na. Wallet ko ang kinuha niya. Maaari naman palitan.."
-
"Opo.."
-
.............

Klaw's Pov
-
-
"Klause, bakit parang natulala ka d'yan? Natakot ka ba sa lalake kanina?" Tanong ng kasamahan ko.
-
"Hindi. May kakaiba lag akong nararamdaman nang magkatinginan kami ng lalakeng 'yon. Pakiramdam ko, nakilala ko na siya.. dati.."
-
-
To be continued..,

Devil Kissed Me 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon