𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
Another day, another suffering. Hindi ko na talaga maintindihan ang mga magulang when it comes to disciplining their child. Aren't they ashamed that they are beating their own child, their own flesh and blood? Ako nga makakita lang ng mga aso at pusang nasa lansangan, nasasaktan na ako. What more kung kadugo mo at pinapalo mo pa? Hindi ba mas masakit 'yon? Tsk. Tao nga naman.
"Boo!"
"Ano na naman, Neya? Para kang kabute ah." Iritang wika ko. Paano ba naman, bigla-biglang magsasalita tapos mawawala ulit. Multo ba siya?
" Hahahah! Pinagdududahan mo na namang multo ako!" Inikutan ko lang siya ng mata. Kinurot naman ako nito kaya sumama na ang tingin ko sa kaniya.
"Ang aga-aga hah." Inis ko
"Ang aga aga rin pero nakabusangot ka jan? Kanina pa kaya ako rito nakasunod sayo pero ikaw tulala ka na parang nakikipag away mismo sa sarili mo hahah!" Asar naman nito.
Sinipa ko ang maliit na batong nasa daan ko at nanliliit ang matang tinignan siya. Agaran naman ang pag iwas niya ng tingin.
"A-ano... Ano na naman? Kung makatingin ka parang may kasalanan ako ah!" Naiilang na tanong niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya na siyang ikinagulat niya agad. "Woi!-"
"Pag ikaw ba nag kaanak, papaluin mo rin?" Seryosong tanong ko habang nakatingin ng seryoso sa mga mata niya.
Palipat-lipat ang tingin ko sa mga mata niya, naghahanap ng ebidensya kung magsisinungaling man siya. Pero tinulak lang ng hintuturo niya ang mukha ko kaya napabusangot ako.
"Ang aga aga Pane pero pati ako dinadamay mo sa iniisip mo." Naiiritang aniya at pinagpag ang puting damit nito.
Napaiwas ako ng tingin at ngumuso. "Napaisip lang naman e." Bulong ko.
"Tsk... Syempre hindi." Agad akong tumingin sa kaniya. Napangiti ako. "Oh, anong klaseng tingin 'yan? Mukha lang akong walang puso pero meron akong puso 'no. Alam mo, masakit mapalo kahit hindi naman ako napalo ni papa. Sabi niya sa akin, hindi naman pagdedesiplina ang palo. Pag pinalo mo raw ang anak mo, hindi mo siya dinidisiplina pero pinapakita mo kung sino 'yung superior sa inyong dalawa. In that way, malalaman ng anak mo kung sino ang dapat sinusunod niya kasi takot siya sa'yo, na hindi naman tama." Nagtaka naman ako.
Nakita niya ang reaksyon ko kaya agad niya akong tinaasan ng kilay na parang nagtatanong ng, 'Bobo ka ba?' . Bumuntong hininga siya na parang ang bobo-bobo ko at hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya.
"Hindi mo pwedeng paluin 'yung bata dahil lang sa hindi ka sinunod or may nagawang mali. Tanggalin natin sa mindset natin na, pananakit ang palaging solusyon para tumino at malaman ng anak mo 'yung tama." Buntong hiningang paliwanag niya na parang may naisip bago ulit nagpatuloy.
"Alam ko, may mga batang hindi na madaan sa paki usapan. Pero hindi mo ba naisip na kung ano 'yung nakikita mo sa anak mo ay kasalanan mo rin? Ako naniniwala ako na kung ano 'yong nakikita ng bata sa paligid niya, kung ano ang kinalakihan niya, may tyansa na maging ganun din pagtanda niya. Pinalo mo siya kasi mali siya, pero natuto ba siya? Natuto siya kasi natakot siya sayo, hindi dahil sa alam niyang mali 'yon."
" Hindi ba may iba't ibang way para magdisiplina ang anak?" Takang tanong ko. Tumango naman siya.
"Maraming way, Claivon Pane. Iba't ibang klaseng magulang din ang meron. Lahat ng sinabi ko, para sa akin lang 'yon. Bahala ka na or bahala na ang ibang tao. Pero sinasabi ko sa'yo, may mga batang makukulit at masarap naman talagang makutusan, pero kung ang pasensya mo ay kasing nipis lang ng karayom, 'wag kang mag anak. Kung hindi mo kayang maturuan ng magandang asal o hindi mo kayang sabihin kung ano ang tama at mali ng walang pananakit, 'wag kang mag-anak. Madaliang pagdidisiplina ang palo, at kung gusto mo palaging madali at wala kang time magturo, 'wag kang mag-anak." Seryosong paliwanag niya.

BINABASA MO ANG
Crazy Love
Mystery / Thriller"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... Hindi lahat ng pamilyang mayaman, buo, at maganda, ay masaya. Walang perpektong pamilya. Learn to know every side of the story before you judge so...