Kabanata 5

3.2K 45 0
                                    

Kabanata 5

Helian

"Huwag na muna tayong bumalik sa inuman. Gusto ko munang magpahinga," Reemo said.

Tumango ako. "Tara ro'n sa taniman ng Sunflower. May nakatabing banig sa may dulong kubo."

Inakbayan niya ako't sabay kaming naglakad nang mabagal. Moments like this make me want to think that we stand a chance. That maybe someday, things would go my way and his heart would beat with mine. Ilusyunada na kung ilusyunada, pero kung sa ganitong paraan ko mapapasaya ang puso ko, handa akong maging pinakadelusyonal na tao sa mundo.

Narating namin ang dulong kubo, pero dahil gusto naming pagmasdan ang kalawakan ay inilatag namin ang banig sa lupa. Naupo kami roon pagkatapos. Maya-maya ay tuluyang nahiga. Reemo extended his arm as if telling me to use it as my pillow. Nag-alangan ako noong una kaso pagkakataon ko na 'to. Madilim naman. Hindi naman mapapansin kung kikiligin ako basta hindi ako titili.

Ang panget ko sigurong tumili. Baka imbes na impit, mukhang osong naipit ang maging tunog dahil hindi naman mahinhin ang boses ko.

"So kailan ka makikipagkita ulit kay Troy?" bigla na lamang niyang tanong.

Bumira na ngang muli ang magaling. Makikipagkita ako kay Troy dahil sa plano niyang ilakad ang farm namin sa DOT. Kaso allergic yata talaga ang lintik na 'to sa usaping ibang lalake. Siguro iniisip niyang iyong iba, gusto lang akong tikman.

Palibhasa kasi nakikipag-sex siya sa hindi niya syota. Nasasaktan ako tuwing ginagawa niya iyon, ha!

I was about to tell him the real reason why I would meet up with Troy when his phone rang. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at itinaas kaya nakita ko kaagad kung sino ang tumatawag.

It's one of the girls he used to hook up with. Siguro nangangati at gustong magpakamot. Umikot tuloy ang mga mata ko sa naisip kaya imbes sasabihin ko ang totoo, sa inis ko ay pinikon ko rin siya.

"Sa Sabado, magkikita kami ni Troy kaya huwag mo kong tatawagan o kukulitin. Iba-block kita," asik ko.

Reemo's face turned dark. "May lakad tayo sa Sabado. Hindi pwede kamo. I-reschedule niya na lang kapag patay na ko."

"Gago, masamang damo ka. Hindi ka kaagad tatawagin ni Lord dahil mambababae ka lang sa langit."

He sighed. "Hindi naman ako babaero."

Tumaas ang kilay ko. "Anong tawag mo diyan sa naghahanap ng maghuhubad sa salungguhit niya?"

Nalukot nang husto ang noo niya. "Salungguhit? Anong salung—" Nawala ang pagsasalubong ng mga kilay niya nang mapagtanto kung ano ang ibig kong sabihin. "Ah! Puta, gets ko na." He laughed and pulled me closer until I'm already resting my arm on his chest. "Salumpwet, salungguhit. Paano ang brief?"

I smirked. "Hindi pwedeng salunghaba. Hindi naman lahat ng sinasalo mahaba. Saluntalong. Iba-iba naman size ng talong."

Makahulugan siyang ngumisi. "Mas bagay sa'kin ang salunghaba."

"Talaga lang, ah?" Pawarak na pala. Patunayan mong mahaba nga 'yan.

I looked away and thought about a good reply. Maya-maya ay lakas-loob ko siya uling tiningnan saka ko tinanong ng bagay na pwedeng makapagpabago ng estado namin, o makasira sa mismong pagkakaibigan namin.

"Halikan mo nga ako."

He froze. "W-What?"

Bigla akong kinabahan. Shit! Shit!

Lumunok ako. "H-Hindi pa ako marunong. Mukhang . . . sanay ka naman. T-Turuan mo ko para kapag nagka-boyfriend ako, hindi naman ako mapahiya," dahilan ko.

Dumilim ang kanyang ekspresyon na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. He even looked away as if I pissed him off so much. Bigla tuloy akong natakot. That's it. I'm totally convinced now that we don't stand a chance.

Umiwas na lamang din ako ng tingin nang bumigat ang dibdib ko, ngunit maya-maya ay nakarinig ako ng marahas na buntonghininga mula sa kanya. Akala ko ay aalis na noong bahagyang bumangon, ngunit nang bigla akong pinakubabawan saka niya inilagay ang mga kamay ko sa taas ng aking ulo ay muntik nang tumalon palabas ng aking dibdib ang aking puso.

"R-Reemo?" halos bulong ko nang tawag.

His jaw tightened as he stared at my lips with a darker expression written in his sleepy eyes.

"I'll teach you how to kiss, but you have to promise me that you will not walk around to taste every guy's lips," may himig ng galit niyang sabi.

Lumunok ako't marahang tumango. "G-Gusto ko lang . . . maging handa."

Muling umigting ang kanyang panga. Maya-maya ay tuluyan niyang ibinaba ang kanyang mukha para halikan ako.

God, my heart banged like an untamed wild animal! Halos wala na akong marinig sa paligid ko! I was so nervous and excited that I froze beneath him, but the moment his soft lips met mine, I swear I almost forgot pain and suffering exists in this world.

Suddenly, everything seemed to be pastels and bright colors. Nakalimutan ko ang lahat at ang tanging kaya lamang gawin ay isara ang mga mata habang mabagal kong sinusundan ang galaw ng mga labi niya. I could sense that he's having a hard time as if he's not used to kissing someone this way. Maybe he wanted it rough but he's scared he'd overwhelm me so he's patiently moving his lips in a slow, magical way.

Ipinagsalikop niya ang aming mga palad habang patuloy kami sa paghalik sa isa't isa, ngunit ilang sandali lamang, naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko at ang mga halik niya ay unti-unti nang lumalalim.

Kumabog nang husto ang dibdib ko nang bitiwan niya ang isa kong kamay. His hand travelled down my arm and explored my side, up and down until he finally cupped my boob. Napasinghap ako sa gulat. Para tuloy siyang natauhan at tila takut na takot na bumangon.

"I'm sorry. I'm sorry, I got carried away—fuck." Ihinilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha. Tila ba sising-sisi sa nagawa. Bakit? Dahil ba ayaw niya naman talaga akong galawin? Dahil hanggang kaibigan lang naman kasi ako kaya parang nagsisisi siya nang sobra ngayon?

Binalot ako ng hiya. Ni hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil para akong sinampal sa naging reaksyon niya.

I even wanted to cry! Hindi ako iyakin pero sa mga sandaling ito na kinakain ako ng kahihiyan, parang gusto kong umiyak.

I pulled myself up and was about to say something when someone pointed a flashlight towards us. Galit ang mukhang nagmartsa si Tyang palapit sa amin, at nang marating kami, gigil na gigil niyang itinuro ang direksyon patungo sa bahay.

"Uwi! Mag-uusap tayong tatlo ngayon din!"

Napalunok na lamang ako. Lagot na. Mukhang . . . nakita kami ni Tyang kanina!

Tumayo ako. "Tyang, mali ka ng naiisip—"

"Malinaw pa ang mga mata ko, Helian! Diyos ko, ito na nga ba ang sinasabi ko!" Mangani-ngani niyang pukpukin ng flashlight si Reemo sa ulo. "Ikaw! Panindigan mo ang anak ko kun'di puputulin ko 'yang kaligayahan mo!"

Napaawang ang mga labi ko. "Tyang! Grabe ka naman!"

Reemo pursed his lips and nodded. "Sige ho."

Napakurap ako. "Huy, gago anong sige ho?"

"Panindigan daw. Sabi ko sige ho."

Napatitig ako sa kanya, ngunit imbes na ikatuwa na makitang pumapayag siya, para akong sinampal nang makitang nagpipigil siya ng ngisi.

He's . . . taking me as a fucking joke.

I sighed out of disappointment. "Hindi ka nakakatawa, Reemo." Inirapan ko siya. "Tara na ho, Tyang. Hinding-hindi ho kami magpapakasal ni Reemo. Hindi ho namin mahal ang isa't isa . . . at hinding-hindi ho namin mamahalin ang isa't isa sa paraang hahantong sa pagpapakasal."

Bumigat nang husto ang dibdib ko dahil sa sarili kong mga salita kaya bago pa man mangilid ang mga luha ko sa harap nila, tinalikuran ko na sila saka ako nagmartsa pauwi.

I can't believe his simple joke would hurt me this much. Suminghot ako't pinunasan ang nangilid na luha.

Tang ina mo, Reemo. Magmu-move on na ko sa'yo . . .

TAMED SERIES 2: Reemo Esguerra (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon