Chapter Three: Blind Optimism
I know It’s been a month and a half. Espirito ng Move-On, Sapian mo ako! Please! Ayoko nang masaktan. Ayoko nang umiyak. Patayin mo na lang ako kesa sa maghirap ako ng ganito.
Bigla naman akong napaiyak. I don’t know what’s happening to me.
“Okay lang yan, Di. Makakalimutan mo rin siya…” Michelle said. “…sa tamang panahon.”
“Pero kelan? Kelan? Kung mamatay na ako?”
“Andito lang naman kami ni Mich, Di.” Andito rin pala si Ella. “Tutulungan ka naming makalimutan siya…”
“Oh, Ellaby, ba’t ka nandito? Tapos mo na ba yung pinapagawa sa’yo?” Tanong naman ni Michelle.
“Ouch. Nakalimutan niyo na ba?”
“A-ang a-alin?” Tanong ko naman sa kanya.
“Ano ba ‘yan, Di?! Hindi mo pa siya nakalimutan, Tas birthday ko nakalimutan niyo na?! Ouch. That hurts.”
“Birthday mo ngayon?!” I was surprised. I forgot her birthday. I’m the worst friend ever. “Sorry ha, Nakalimu…”
“Joke lang yun, Di.” Palabiro talaga ‘to!
“Salamat, Ellaby, ha? Napatawa mo ako… ng konti.” Nag-smile naman ako sa kanya. Then hugged her.
“Ouch… Siya lang ba, Di? Siya lang?”
“Excuse me, Michelle. Anong bang naitulong mo ha? Yang Words of Wisdom mo? Words will always be empty unless you put actions on it. Ano bang ginagawa mo ha?! Wala, di ba?! Wala!”
“Andi, ba’t ka ba nagkakaganyan?! Wala naman akong nagawang mas…”
“Hinde, Joke lang din yun… Salamat din Chellybells, haa. Parati kang nandyan..”
GROOOOOOOOOOOOOOOUP HUG!
Buti nalang andiyan palagi si Ella at si Michelle. Palagi nila akong pinapatawa at sinesermonan. Daig pa nila ang mga magulang ko. May sarili na nga kaming mga toothbrush, uniform at iba pang mga gamit sa mga bahay namin eh.
Si Ella? She never fails to put a smile on my face whenever I talk to her. Siya ang pangulo ng mga kabaliwang ginagawa naming tatlo. Parang kapatid na yung turing ko sa kanya. Ganun di kay Michelle. We’ve been friends since I got here in the Philippines. In fact, she’s my very first friend here in the Philippines.
They are not just my friends. They are not just my best friends. They are my sisters. My Sisters for life.
“Hey girls. Let’s get a night out.” Yinaya kami ni Michelle.
“Sorry, I don’t drink, Michi, You know that. Strict ang parents ko.” Bigla niyang linabas yung phone niya then she dials a number.
“Hello po, Tita! Kasama ko po ngayon si Andi at Ella… Pwede ko po ba siyang hiramin ngayong gabi? Papasok na rin po kami ng sabay-sabay bukas.” She stays on the phone for a while. “Sige po, salamat po!”
“Parents, CLEAR!” Sigaw niya. "Tsaka, dyan lang yung bahay niyo oh, sa kabilang block."
“Paano si Ellaby?” Tanong ko naman.
“Ano ba, Andi? Eh di wag natin siyang isama.” Ang bad naman ng babaeng ‘to! Tinignan ko siya ng masama. “Hinde, Joke Lang din…” She laughs. Ella laughs too. Mga babaeng ‘to, mga baliw.
“I’m done calling her parents na. Kanina pa.”
--
Sa bahay ni Michelle. Dito ang girls’ night out. Seriously? I thought we were going to a club or somewhere. Ngayong feel ko maglasing! I know I’m still a minor but who cares?! I never get drunk, well, if being sober doesn’t count.
“Welcome to my house. Just feel at home, girls…” Michelle says as she opens their front door. Malaki talaga ‘tong bahay nila. “My parents are out on a business trip so, PARTY PARTY!”
“Party Party!” Sigaw naman ni Ella as she enters the hall while dancing. Kyooshi.
“But the difference is, Three of us and only three of us are going to party.”
“Where’s the beer?” Tanong ko naman. Desperadang maglaklak!
--
I think this is my sixth shot of I-don’t-know-what-it-is. I’m still alive yet sober. Sina Michelle at Ella, Ayan, pinapanood lang ako, nagkakape ng Frappuccino! Mga ‘to! Di kayang uminom. Mga duwag! Duwag mapagalitan! Mga duwag magmahal!
“Sige, Di! Kaya mo yan! GO! GO! GO! GO!” Nahihilo na ata ako.
I think I’m getting drunk. Drunk for the first time! Achievement to! Achievement! Wahahaha!
“Kayo.” Napansin kong tumingin sila sa ‘kin. “Ba’t ba kayong dalawa NBSB? Mga loner siguro kayo, no? Ang papangit niyo siguro kaya wala kayong mga beloved!”
“Lasing ka na, Andi. Itigil mo na ‘yan.” Bigla namang kinuha ni Michelle yung bottle sa kamay ko.
“Hindi ako titigil hangga’t hindi ako binabalikan ng lalaking ‘yun!” Inagaw ko yung bottle then, I gulped down some liquor. “Ano bang mali sa ‘kin? Maganda naman ako ah, Sexy, Mayaman.” I sighed real hard. “Mayaman naman ako, ba’t hindi na lang siya humingi ng iPhone sa ‘kin?! Oh humingi ng pera?! Do I deserve all this?”
“Akala ko ba Strict ang parents mo na hindi ka umiinom?” Napatayo naman si Ella.
“Well, I have a very big problem. And Alcohol, apparently, is a solution. Right, Miss Best-in-Science?” Mauubos ko na ata ‘tong isang bote. “If it wasn’t for him, I wouldn’t have this very big problem. If he didn’t exist, I would have been very happy this time. Hey, Maybe his existence is the root of all my problems! We should kill him! Keuril Chukyeo!”
“Hoy! Andi! Wag ka ngang mag Japanese diyan! Nasa Pilipinas tayo! Hindi ka namin maintindihan.” Sagot naman ni Ellaby.
“Excuse Me, Hindi ako nag-jJapanese! And Ellaby, tandaan mo ‘to! Wag kang sumagot-sagot! Ang bata-bata mo pa! Wala ka pang problema sa love-life! Wala ka pang experience. Hindi mo pa alam magmahal.” Nagulat naman ako nung bigla niyang inagaw yung bote tas tinumba niya.
“Akala mo ba wala akong problema? Well, tama ka. Wala pa sa ngayon.” Tumingin naman kaming dalawa ni Michelle kay Ella. “Pero magiging problema ka sa ‘kin kapag hindi ka titigil sa paglalaklak!”
“Sumisi-” I passed out.
“Andi! Tignan mo nga yung ginawa mo!” Michelle looked so concerned about her floor. Charot! She looks so concerned about me. “Ella, samahan mo nga siya sa banyo.”
Sumusuka pa rin ako habang inaalalayan ni Ella papuntang CR. Gross. I’m so gross. When I’m done throwing up, pinahiga na ako nina bestfriends. I passed out. First Time. And I still call it an Achievement! I’m such an Optimist!
![](https://img.wattpad.com/cover/4525616-288-k832000.jpg)