Chapter Fourteen: Who’s Your Boyfriend?
-'-'-'-'-'-'-'-'-'
DearNazee,
May One Korean Word diyan. Kung matalino ka(I know that you are), kaya mo yang itranslate, kung hinde. You're not thinking. Isabay ang DOMINO EFFECT! Hahahaha.
-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'
[A/N: Ang Chapter na ito ay medyo rated SPG. Maaaring may mga medyo maseselang tema, lenggwahe, karahasan, seksual, horror o droga na hindi angkop sa mga medyo batang nagbabasa. Ekh.]
[Barney’s POV]
Hinawakan ko siya sa kwelyo at sinuntok.
“G*go ka, pre!” Sigaw niya sa ‘kin. “Ba’t mo ko sinuntok?! May punching bag dun oh!”
“Truth hurts, pre!” Sagot ko naman sa kanya.
“May nalalaman ka pang ‘Truth Hurts’ dyan, BAKLA! Bumabagsak na nga lahat ng grades mo, ULOL!”
Tinignan ko siya at sinuntok siyang muli ng ilang ulit.
“Kung ayaw mong paalisin kita dito sa grupo ko, tulad ng ginawa ko kay Max, tumahimik ka. Kung hindi, ako ang magpapatahimik sa’yo!”
Pinagpatuloy ko ang paninigarilyo at nang maubos ito ay lumabas na ako sa building ng gang ko. Oo, may private building kami. Hindi, Hindi ako palaging naninigarilyo. First time ko lang ngayon. First time ko din kahapon.
Pumunta na lang muna ako sa Club Red, sa dating tambayan ng grupo at hindi kanais-nais ang nadatnan ko dito. Mukhang kailangan kong sumuntok ulit.
[Andi’s POV]
Too much violence. Ba’t nakikisabat si Max? Anong pake niya dito? Naudlot tuloy ang aking pinakahihintay na Magical Kiss ni Prince Harry!
Pinunasan ni Harry ang kanyang labi dahil may kunting dugo na lumabas mula dito. Eh, gwapo pa naman din. Siguro, kung magkakablack-eye siya, gwapo pa rin yung itsura niya.
“Who is this?!” Tanong ni Harry.
“I’m her boyfriend.” Sagot naman ni Max.
“Ex-Boyfriend.” Pangco-correct ko sa kanya.
“Future Boyfriend.” Sabi ni Max.
“Present Boyfriend.” Pambawi naman ni Harry.
Nagulat naman ako bigla nang may sumigaw na kumakanta sa mini-stage. Kantang bagay sa Earsplitting Room.
“Boy Boy Kulot! Bakit mo sinulot ang syota kong harot?!”
Si Val pala. Si Barney, Si Val. Parehas din yun, Okay? Pero, anong ginagawa niya dito? Ano ‘to?! Reunion ng mga Boyfriend ko?!
“I’m her present boyfriend.” Sagot nito na ikinagulat ko naman.
Lumapit siya sa kinatatayuan naming at sinuntok si Max. Pagkatapos niyang suntukin si Max, sumunod niyang sinuntok si Harry. Para san yun?! Di alam yung storya pero bigla-bigla kung sumugod?
Ano bang nangyayari? Suntuk-suntokan din pag may time?!
Bago pa sumuntok si Max upang makapaghiganti ay hinarangan na siya ng mga bouncers ng Club Red.
“Andi…” Sabay-sabay nilang sinabi. Mga mata nila’y parang nagsasabing ako ang piliin mo.
Putek. Pipiliin?! Pwedeng none of the above? Multiple Choice na nga lang, mahirap na. Identification pa kaya?
