Chapter Fifteen: CAPSLOCK. TAPON SUSI.
[A/N: Medyo maraming CAPSLOCK sa chapter na ito. Obvious, nasa title eh. Kaya, ingat ka, ha?]
[Andi’s POV]
“SIR, PWEDE BANG TANUNGIN ‘TONG DALAWANG LALAKENG ‘TO KUNG ANONG PROBLEMA NILA SA AKIN?! KANINA PA NILA AKO TINITITIGAN EH! NAIIRITA NA AKO!”
Maaatake na ata ako sa puso eh. Hiningal ako sa sinabi ko. Walang pause.
Bakit ako sumigaw? Naboboring na ako eh. Wala nang thrill ang araw ko.
Bigla namang tumayo si Barney at sumigaw din. First time niyang sumigaw, ha.
“ANO BANG PROBLEMA MO, ANDI, HA? BA’T KA BA GANYAN?!” Wow. Parang lalake.
“BAKIT MO BA SINISIGAWAN SI ANDI?!” Tumayo na rin si Max.
“EXCUSE ME, KAYONG TATLO, HINDI FACE-TO-FACE ANG SUBJECT NA ‘TO! CHUPE KAYO! DETENTION!”
At na-detention kaming tatlo. Ang saya, di ba? Detention. Ang saya-saya!
--
Second time ko pa lang naman pumasok dito sa detention room. Yung first time, kaming dalawa ni Michelle. Oo, si Michelle yung kasama ko. Ganito din yung scenario. Nagsigawan din kami noon.
Kahit president yang si Michelle, may sungay din yan. Tssk. Masyadong mabait ‘pag may teacher eh.
Going back to the reality happenings, Tinuloy namin ang sigawan sa Detention Room.
“HOY! KAYONG DALAWA! ANONG PROBLEMA NIYO SA ‘KIN?!” –Ako
“ANDI! BA’T KA BA SUMISIGAW?! NAKAKABINGI!” -Max
“WALA KANG PAKIALAM! GUSTO KONG MAPAOS KAYA SUMISIGAW AKO!” –Ako
“EH KUNG MAPAOS KA, PANO MO MASASABING MAHAL MO RIN AKO?!” -Max
“HOY, MAX! MAHAL?! YAN BA ANG SINASABI MONG MAHAL?! YANG IPHONE MO NA NAKUHA MO KASE PINUSTA MO SI ANDI?!” –Barney/Val
Biglang sumugod si Max para suntukin si Val. Pero akalain mo yun?! Nakailag si Val! Mukhang expert na siya sa suntukan. Siguro tinuturo ng jowa niyang boksingero kung paano sumuntok tas chinachansingan na siya ni Val.
Oy! Ang dumi ng isip MO, ha? Linisin MO yang utak MO. Kung ano-anong iniisip MO eh.
“A--!” -Val
“HOY, MAX! WAG KANG BUMANAT, KIKILIGIN AKO, PAPATAYIN KITA!” –Ako. Obviously, hindi ko napansin na nagsalita si Val. Promise. Hindi ko napansin.
“HOY ANDI! MAKINIG KA NGA MUNA SA AKIN!” –Val.
“ANONG SASABIHIN MO, BAKLA?!” –Ako. Oh ha, napansin ko nang nagsalita siya.
“HINDI AKO BAKLA!” -Val
“KLA-KLA-KLA-KLA!” –Ako. Ayoko maniwala kaya hindi matino yung sinagot ko. Bakit ko paniniwalaan ang kasinungalingan? Tsk. Di kayo nag-iisip eh. Hindi kailangang ako na lang palagi ang nag-iisip.
“HINDI NGA AKO BAKLA! TANG*NA MO, MAKINIG KA!” –Val
“TANG*NA KO?! ANONG KINALAMAN NG NANAY KO SA PAGIGING BAKLA MO?!” –Ako. First time kong marinig si Val na gumamit ng bad word, ha.