Chapter Eleven: Let's Go Clubbin'

72 5 0
                                    

Chapter Eleven: Let’s Go Clubbin’

[Andi’s POV]

Konting konti na lang at malapit na naming matapos ang requirement namin sa English Literature at Music. Hopefully, last na ‘to. Musical parts na lang ang kulang.  May munting problema lang naman.

Yung feeling na useless ang kagandahan ng pag-aacting ninyo dahil masisira lang rin naman ng musical. Sobrang havey ng acting pero kapag kumanta na, nganga. Sayang. Bababa ang grade namin dahil dun ee. Pero hindi na ako magtataka kung si Max ang puno’t dulo ng pagbaba ng grade namin.

“Oy! Nag-voice lessons ako kama-kailan. Alam mo ba? Sabi ng instructor ko, ‘There is always a room for improvement.’” With confidence pa niyang sinabi ito.

“Wag mong tanggapin yun as a compliment.” Natawa ako bigla. “Read between the lines, Sabi niya, ‘Hindi talaga para sa’yo ang pagkanta kaya tumigil ka na. Wala ka nang pag-asa.’ ”

“Ahh… Ehh…” Napakamot siya sa ulo. “Ganun ba?”

“Oo, ganun yun! Pero okay lang yun, bumabawi ka naman sa mukha.” I smirked.

“Sinasabi mo bang gwapo ako?” Abot tenga niyang ngiti.

Huh? May sinabi ba akong ganun?! I threw Max a puzzled look.

“I read between the lines at sinasabi mo nga na gwapo ako.” He bent to get a closer look on my face.

“Yeah, whatever.” Ayoko makipagtalo sa kanya. Baka matalo ako sa mga titig niya eh. Hindi ako makapag isip ng maayos.

Bigla akong tumalikod at lumakad papalayo baka kasi kaharap ko ngayon ang dakilang magnanakaw ng halik.

“Akala ko ba nandito tayo para mag-practice ng lines at lyrics?”

“Ahh…Ehh…” Napakamot na naman siya sa ulo.

“Ahh… Ehh… Ihh… Ohh… Uhh…” Panggagaya ko sa kanya. “Kanina ka pa napapakamot sa ulo diyan, May kuto ka ba?”

“Ano…Kase-“ Umiiwas siya sa mga tingin ko.

“My time is too precious to be killed. Ano? Say what you have to say.” I’m losing my patience.

“Nasa ‘yo na ang lahat. Maganda, mabait, mayaman… maganda.”

“Nasabi mo na yung maganda.” Pang-cocorrect ko.

“Ahh, Naulit ba?” Napakamot na naman siya sa ulo. Anak ng manok. Nakaka-ewan. May kuto talaga ata ‘to ee.

“Go straight to the point. Bilisan mo at baka may kumain ng chocolate lava cake ko.”

“Galing ba sa secret admirer mo yan? Sino ba kasi siya?” Nakatingin na siya sa mata ko. Mukhang seryoso.

“Secret nga daw eh. Secret pa ba ang tawag dun kapag alam mo na?” Naiinis kong sabi sa kanya. “May kuto ka na nga, Ang tanga tanga mo pa. Siguro, sinipsip na ng mga alaga mong kuto yang brain mo kaya wala nang natira.” Dagdag ko pa. “Alis na ako, ha? Bye and burn!”

Aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang wrist ko.

“Wala akong kuto, Andi.” Seryoso niyang sinabi. “Ano bang pinagsasabi mo dyan?”

A Bitch With An AttitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon