Chapter Ten: Bestfriend Connection
[Barney’s POV]
I heard Andi likes Music so much, so I’m bringing a guitar with me. Baka kase makatulong ‘to sa pag-amin ko sa kanya. May dala rin akong teddy bear at choco lava cake. Since, first time na may magbibigay sa kanya ng ganito, matutuwa yun.
Pumasok na ako sa school bus. Mga commoners lang ang sumasakay dito. Syempre, andito rin si Ella, katabi niya yung manliligaw niya. Kasama ko siya parati kapag pumapasok ako sa school. Nakakasama ko rin siya bilang student worker. Like Ella, hindi rin kami sobrang mayaman, pero komportable pa rin naman ang pamumuhay namin. Kumbaga, may aircon ang bawat kwarto sa bahay namin pero hindi centralized ang buong bahay namin.
Nag-volunteer lang kami ni Ella na maging student worker, eh trip namin eh, walang basagan. Gumigising rin kami ng maaga para hindi mapag-iwanan ng school bus kahit may sarili kaming mga sasakyan. Pagkamasipag tawag diyan. Ang taong masipag, hindi pwedeng tawaging kumag.
Alam din niya yung sikreto ko. Kapatid ang turing ko sa kanya. Bestfriend din yung turing niya sa ‘kin. Wag na wag niyong lagyan ng malisya.
Buti pa ang mga tao dito sa bus, nararamdaman at alam nilang hindi talaga ako bakla. Di nyo alam, heart throb ako dito sa school bus pero pinakiusapan ko yung mga fans kong wag nila akong lalapitan sa school para araw-araw din nila akong makikita dito sa bus. Pinangalanan din nila akong Dino kase daw mas lalake dinggin.
[*A/N:Short for Dinosaur. Nyahaha!]
Aaminin ko na ba talaga? Paano kung mahal pa niya si Max? Paano kung hindi niya ako tanggapin? Paano kung ipagtabuyan niya ako? Paano kung dahil dito mag-e-end na rin yung pagkakaibigan namin? I should probably stop thinking about Negative What-if’s. It brings me no good. Negative nga eh, kelan pa nagdulot ng maganda ang negative?
[Andi’s POV]
Abot tengang ngiti. Good vibes tayo ngayon. Ang sarap ng tulog ko. Pinatulog kasi ako ni Max kagabi. What I mean is that kinausap niya ako on the phone hanggang sa makatulog ako. Ang sweet nu? Kahit hindi na ako nagsasalita, nagsasalita pa rin siya.
He didn’t sing me to sleep. Actually, he can’t. Boses palaka yung lalakeng yun eh. Siguro kung kumanta siya, walang pasok ngayong umaga.
--
Umagang-umaga siya na agad ang hinahanap ko, instead na yung boyfriend ko. Hashtag Medyo Bad Girlfriend. HAHA.
Speaking of my gay boyfriend, nakita ko na siya, sa locker niya. I mean, sa locker area kung saan nandun ang locker niya. Baka may pilosopo dyan eh.
May hawak siyang teddy bear and paper bag with a guitar on his back. He looks cool. Actually cooler than Max. Haaay, kung lalake lang sana ‘to. Seseryosohin ko talaga ‘to.
“Ei, boyfriend!” Gulat na gulat ata siya. “Para san yang gitara? Pinahawak ba yan ng boylet mo? Naku naman, di ba sabi ko wag ka munang titingin sa iba? Nasasaktan ako niyan eh!”
“Please stop playing around.” Oh, sungit naman neto.
“Why so masungit? Meron ka ba, bakla? Talikod ka nga, titignan ko lang kung may tagos.”
“I’m not on period, girl.” Ang drama. “Buntis ako.”
“Ano? You cheated on me? On a one night stand?” We had a moment of silence, then laughed. “Para kanino yung mga linagay mo sa locker mo?”