Chapter Sixteen: Denial Struck Her Most
[A/N: HEY CLASSMATES especially VILLAGERS and INNER CITY-ERS! If you’re reading this, HAHAHA. Wait for your names. I-me-mention ko kayo. That’s how I love you, guys. HAHAHAHA. Charot. K. Ciao. xD ]
[Andi’s POV]
“Buti naman, mawawala ka na sa paningin ko, bro!” Sigaw ni Max na tuwang tuwa.
“Oo, pre. Masaya ka na ba? Masosolo mo na siya. Sana maging masaya kayo.” Malungkot na sinabi ni Val. “Pero sisiguraduhin kong hindi mangyayari ‘yun.”
Kasabay ng pagngiti ni Val ng kakaiba ay tumindig ang mga balahibo ko. Nakakakilabot.
“Nagbibiro lang ako, Andi, huwag kang atakehin dyan.” Tumawa ng mahina si Val. “Kung saan ka masaya, andito pa rin ako para sa ‘yo.”
Lumakad nang muli si Val papunta sa kabilang dulo ng Detention Room para umupo at ilublob ang ulo niya sa desk.
Ilang oras pa ba ang natitira bago mag-recess? Ang bagal ng oras, ha.
“Max, labas ka muna, may training tayo sa basketball para sa game bukas.” Pantawag sa kanya ni Ms. NazyWyne, coach-slash-adviser nila sa Varsity.
Oo. Babae ang coach. Astiging babae. Matangkad. Maputi. Sexy. Parang ako lang pero mas maganda pa din ako, syempre.
Dali-dali namang lumabas si Max nang may lungkot sa mukha niya. Malamang, tapos na yung oras naming magkasama. Wahahaha. Oo, totoo yun, di ako nag-jojoke.
Alone time with Val. Also known as, tulog time. Nakayuko pa rin siya eh. Lumapit ako sa upuan niya para makakuha ng mas malapit na view sa kanya. Sinusubukan kong sumilip sa mukha niya para tignan kung tulog talaga siya.
Nagulat ako nang bigla niyang inangat yung ulo na siyang dahilan ng pagkakauntog ng mga noo namin.
“Ay, sorry.” Sabi niya habang hinihimas yung noo niya.
“Sorry din.” Sagot ko naman sa kanya. “Nasaktan din ba kita?”
“Oo. Dito oh.” Tugon niya habang tinuturo yung noo niya. “Ang sakit eh, sobrang sakit.”
“Dito ba?” Tanong ko sa kanya habang medyo minamasahe ko yung noo niya.
Nag-nod siya at ngumiti na parang nasisiyahan.
“Gusto mo bang gamutin ko?” Umiling siya habang nakangiti. Sobrang nasisiyahan. “Gamutin mo mag-isa!”
Tinulak ko nang kaunti yung ulo niya at muntik pa siyang mahulog sa kinauupuan niya.
“Dinadagdagan mo yung sakit eh.” Sagot niya.
“Dapat lang sa’yo yan.” Diniinan ko para kunwari damang-dama.
Bigla niya ulit linublob yung ulo niya sa desk at bumalik sa pagtulog.
“Uy! Huwag ka namang matulog!” Yinugyog ko yung likod niya pero wala pa ring epekto. “Uy! Sorry na! Hindi na kita pagsasalitaan ng masakit.”
Wala pa rin talagang epekto eh.
“Alam mo, crush kita noon.” Bigla kong sinabi. Totoo yan. Walang halong biro. Nang una ko siyang nakita, hindi ko talaga inaakalang bakla siya. Nung inamin niya, lagi kong wini-wish na hindi totoo yun, na lalake siya. “Ba’t ngayon mo lang kase sinabi na hindi ka pala bakla?! E di sana, tayo pa rin hanggang ngayon.”