Chapter Thirteen: FLIRTending
“Lighten up!” Sabi ni Kuya habang inaabot ang isang cocktail. “Not free, by the way.”
Kuya. Naks naman oh. Naninibago pa rin ako. Akalain mo yun, wala pa siyang masyadong explanation, ayos na agad! Napaka-maunawain ko talaga! Ang aangal, layas!
Kinuha ko na ang iniaabot niya at tinanong kung magkano ito. Bigla namang lumabas sa bunganga ko yung cocktail nung narinig ko ang presyo nito.
“What?! 8.5K for this? You’ve got to be kidding me!” I bursted out.
“Of course, I’m kidding. Actually, it’s 8.25K” Nganga pa rin ako dun ah. “What can I say, it’s our signature drink.”
“Libre mo na ‘to sa ‘kin, kuya.” Pagmamakaawa ko.
Sus! Kahit naman mayaman kami, hindi ako basta bastang magsasayang ng pera para lang sa isang inumin, nu. Bukod sa pagka-maunawain, thrifty din ako. Oh, di mo inaasahang marinig yan sa ‘kin? Asahan mong marami ka pang papuring maririnig tungkol sa ‘kin na nagmula sa ‘kin.
“Hmmmm...” Halatang nag-iisip siya, for the first time. “Oh sige, Papipiliin kita, Babayaran mo o ipapakilala kita sa mga bartenders ko na kanina mo pang pinagnanasahan.”
“OA mo kuya! Pinagnanasahan talaga?!”
Tulad nga ng sinabi ko, mayaman kami. Kaya naman pinili ko yung mga bartenders. Sus! Not just International Bartenders. They’re British... And Irish.
Accent na accent pa lang, alam na alam na. Dagdag points kaya ang may British accent. Ang cool pakinggan. Romantic ang dating. Walang babaeng hindi kinikilig sa lalakeng boses British. Trust me, I know.
“Mates, this is Andi. My sister.” Pagpapakilala niya. Sister daw oh. Ayieee.
Isa-isang lumapit ang mga magwagwapong nilalang at nagpakilala sa iba’t ibang paraan.
“Hi, I’m LJ.” Lumapit siya at inabot ang kanyang kamay na dali-dali ko naming hinawakan para makipagkamay.
“Niames, here.” Pagtaas niya ng kamay na para bang nagsasabing ‘present’ sa isang klase habang may nachos sa kabila niyang kamay.
“Javadd.” Pacool niyang sinabi habang inaayos ang kanyang buhok. Talk about vanity, mukhang ginagawa pa nga niyang salamin ang mga mata ko.
“Sweet Princess, I’m Harry.” Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito. Sabihin nalang nating... Natunaw ako.
Prince Charming. Sa sandaling iyon, nakalimutan kong may Max palang naghihintay sa ‘kin. Pake ko dun.
“Ehem. Andito pa ako.” Panira ng moment. Agad namang binitawan ni Harry ang kamay ko at napakamot sa ulo habang ngumingiti. Natunaw ulit ako.
“Mate, I like your sister.”
“Agad-agad?! Sige na nga, I like you, too.” Choos! Ayieeee. :”>
“Good Joke, mate.” Nagtawanan silang lima. Tanga ko kase! “She actually fell for it.”
Tumigil sa pagtawa si Harry nung nakita niyang medyo napasimangot yung mukha ko.
“I’m serious. I like her.” Seryoso niyang sinabi habang tinignan ako sa mata.
“Yeah, we like her too.” Pag-a-agree nilang lahat habang nag-na-nod at bahagyang ngumingiti. Gulat na gulat naman si Kuya.