Chapter 2

4 0 0
                                    

Dumaan na ang ilang araw at isang linggo na kaming pumapasok.

Mayroon na kaagad kaming gagawing report na ipapasa sa susunod na linggo. Hindi naman gaanong mahirap ngunit kailangan kong gamitin 'yung pakikipag-usap at pakikipag-kapuwa ko rito.

Inuna ko na si Aeia habang nasa cafeteria kami.

"If you're going to invest something what is it and why?" Pagbasa ko sa papel na hawak ko sa harap ni Aeia. Napataas ang kaniyang isang kilay.

"Hindi ba't para sa building niyo lang 'yang report na 'yan? Bakit umaabot ka sa architecture student? Aba malay ko!" Naiinis niyang saad saakin.

"Puwede naman daw eh," Saad ko sakaniya.

"Kiane, wala akong interest diyan." Seryosong saad niya.

"Wala pa kasi akong nasulat ni isa." Napakamot nalang ako sa tuktok ng ulo ko.

"Wala ka namang hiya ah, kaya mo na 'yan." Sarkastikong saad ni Aeia.

Napangiwi naman ako at tumayo na nang matapos na kaming kumain.

Nakakahiya naman kasi kung lalapit lang ako bigla sa tao tapos tatanungin ko para sa report?

Ang hirap kapag bago sa isang unibersidad.

Sinimulan ko sa isa naming kaklase. Mabuti na lang at mabait siya. Nagpasalamat naman ako matapos niyang ilagay sa papel 'yung sagot niya.

Mamaya ko na siguro itutuloy ito bago umuwi, malapit na kaming magsimula.

Matapos ang klase nagtungo na ako sa building nila Aeia. Sinabihan niya ako kanina na manghihingi raw siya ng tulong sa mga kaklase niya.

Dahil kawawa naman daw ako.

Nakaupo ako sa isang bench na nasa tabi nung silid nila.

"Hello po Kuya na taga Business Management." Napalingon naman ako sa tumawag saakin dahil parang ako lang naman 'yung dayo sa building nila Aeia. Tatlo silang babae na nakatambay sa gilid ng poste na malapit rin dito.

Nilapitan ko sila dahil heto na ang tiyansa ko na matanong sila para na rin dito sa report ko. Hindi sila mapakali nung nakitang papalapit na ako sa kanila.

"Puwede bang magtanong? Para sa report lang." Nakangiting saad ko sa kanila. Tumango naman silang tatlo.

Sinimulan ko na silang tanungin at nagsulat naman na sila sa papel na hawak ko.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong nung isang babaeng nasa gitna habang nagsusulat 'yung mga kasama niya.

"Kiane," Matipid na ngumiti ako sakaniya.

"I'm Chantal, bakit ka nga pala nandito sa building namin?" Tanong niya.

"Para sa report lang tsaka hinihintay ko 'yung kaibigan ko." Sagot ko sakaniya. Tumango-tango naman siya at tinignan 'yung mga kaibigan niyang nagsusulat pa.

"So, Kiane—" May sasabihin pa sana si Chantal ngunit may tumawag sa pangalan ko.

Napalingon ako sa likod at nabigla nang makita si Aeia na papalapit saakin. Mas lalo akong nabigla nang makita 'yung magandang dalaga na nakasabay ko sa cafeteria noong unang araw.

Naka-itim na laso ang kaniyang mahabang buhok habang may hawak na art materials.

"Uhm, salamat sa pagsagot." Masayang saad ko sa kanilang tatlo.

"It was so nice to know your name Kiane." Nakangiting saad saakin ni Chantal at inilahad ang kamay.

Nagaalinlangan man ngunit nakipagkamay na ako sa kaniya.

"Heto, siya lang ang willing tumulong." Saad ni Aeia nang makarating sila sa harap ko.

"Fiore this is Kiane, Kiane si Fiore blockmate ko." Pagpapakilala ni Aeia.

Fiore, pati pangalan ang ganda.

"Ah, oo nga pala, puwede kang matanong para sa report lang?" Tanong ko kay Fiore. Bahagya naman siyang tumango.

Sana'y hindi niya ako natatandaan noong nasa linya kami.

"I-If you're going to invest something what is it and why?" Tanong ko sakaniya habang isinusulat niya 'yung pangalan niya sa papel.

"Okay na ba 'to?" Tanong niya at pinakita saakin 'yung sagot niya.

"Oo, okay na s-salamat." Saad ko sa kaniya at kinuha 'yung papel na hawak niya.

"Ano okay na ha? Tulong ko na 'yan. Salamat Fiore, bukas ulit." Kumaway si Aeia kay Fiore.

Tinignan ko 'yung papel at binasa 'yung sinulat niya.

Name: Maria Ysabella Fiore O. Dejardo
Course: Architecture

Coffee shop, since I've been always dreaming to work in a coffee shop that I'll soon own. I also love coffee so I'll invest a coffee shop if I have a huge money to start it. Also, because there is a lot of people who loves caffeine and coffee are popular nowadays.

Napangiti na lang ako sa sagot niya dahil makabuluhan naman.

Ang haba pala ng pangalan niya, ngunit maganda naman ang kombinasyon.

"Kulang pa ito, apat pa lang sila. Pero salamat dahil dinala mo si Fiore kanina para dumagdag." Saad ko kay Aeia habang naglalakad kami papunta sa paradahan.

"Crush mo ano?" Natatawang tanong ni Aeia. Napatingin naman ako sa kaniya at napatigil sa sinabi niya

"H-Huh? Hindi ah." Pagtanggi ko.

"Tigilan mo ako Kiane, kilala na kita." Pinalo niya pa ng malakas ang balikat ko.

Napapikit ako ng mariin at naglakad na patungo sa motor ko.

"See? Tama nga ako, tsaka halata ko naman kahit hindi mo sabihin." Nagmamalaking saad niya.

"Paano?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Look, never pa kitang nakitang ganoon tumingin sa mga babae kung paano mo tignan si Fiore kanina. Kakaiba 'yung tingin mo kanina tapos nauutal ka pa, shock yarn? Hindi naman kita masisisi kasi maganda naman talaga si Fiore, mabait pa, ilakad kita gusto mo?" Tuloy-tuloy niyang saad.

"Hindi, ayoko, wag." Pag-iling ko at sumakay na.

"Choosy mo ah." Huling saad niya bago sumakay sa likod ko. Pinaandar ko na at inihatid sa bahay nila.

Pagkarating ko sa amin ay nadatnan ko si Ate na nasa sala habang may kinakalikot sa laptop niya.

"Ang aga ko ngayon 'no? Gulat rin ako eh." Saad niya habang hindi itinataas 'yung tingin.

Ako ba? O baka may kausap siya sa laptop.

Lumapit ako sa kaniya at tinignan 'yung ginagawa niya.

May ginagawa siyang essay, ako pala ang kinakausap niya.

"Oo nga eh, nakakagulat." Sabi ko na lang at umakyat na sa kuwarto ko.

Siya lang nandito sa bahay at wala ng iba. Isang linggo na simula nung umalis sila Mom at Dad para sa isang business trip daw.

Wala naman akong magagawa dahil ganoon na sila palagi.

Habang naka-upo sa upuan ko at ginagawa 'yung report, hindi maalis sa isipan ko si Fiore.

Nakakainis rin ang sarili ko kanina dahil si Aeia na ang nagsabi na i-lakad niya ako kay Fiore pero tumanggi ako. Dahil na rin siguro sa nahihiya ako.

FioreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon