Chapter 6

2 0 0
                                    

"Late ako makakauwi mamaya." Sabi saakin ni Aeia habang kumakain kaming tatlo sa cafeteria.

Ilang buwan kaming magkakasama at ilang buwan na rin ako nagkakagusto kay Fiore.

"Tulala nanaman 'yung isa." Narinig kong saad ni Aeia. Bumalik naman ako sa realidad nang bahagyang pinadaan ni Fiore ang kaniyang palad sa tapat ng aking mukha.

"H-Huh? May sinasabi ka?" Bumaling akong muli kay Aeia dahil parang may narinig ako kanina.

"Wala, sabi ko, umamin ka na habang maaga pa." Natatawang saad niya habang nililigpit 'yung pinagkainan niya. Gulat naman akong napatingin sakaniya habang siya naman ay nakangisi lang.

"Umamin? May nagugustuhan ka Kiko?" Lumingon saakin si Fiore at masayang nagtanong.

"W-Wala, nagbibiro lang 'yang si Aeia nasobrahan sa plates." Pagpapalusot ko.

"Ay sus! Meron 'yan, ayaw niyang sabihin sa'yo baka ipagsabi mo raw eh." Huling saad ni Aeia bago lumabas ng cafeteria. Ano ba ang trip ng taong ito?

"Hindi ko naman ipagsasabi, so sino? Si Aeia ba?" Tanong niya saakin nang makalayo na si Aeia.

"Paano mo naman nasabi na siya?" Nagtatakang tanong ko rito.

"Kasi lagi kayong magkasama, kaya naisip ko na baka na gusto mo siya, nahihiya ka lang." Saad niya.

Napailing-iling naman ako habang bahagyang tumatawa.

Hindi man lang sumagi sa isip niya na siya ang gusto ko.

"Hindi siya okay? Matagal ko ng kaibigan si Aeia, simula bata pa lang kami magkaklase na." Paglilinaw ko rito.

"Ahh, so sino nga? Para ka namang hindi kaibigan." Umayos siya ng upo at sinubo 'yung huling kutsara niya.

Sasabihin ko na ba? Baka kasi hindi na niya ako kausapin o hindi na niya ako pansinin.

Napatingin ako sa relo ko at ilang minuto na lang bago magsimula 'yung klase.

"Tsaka na," Sabi ko kay Fiore at tumayo na. Tumayo rin siya at sinundan ako palabas.

"Sino nga?" Pangungulit niya habang nakasunod pa rin saakin.

Nagdadalawang-isip pa ako kung aaminin ko na siya 'yon o hindi.

Matagal naman na kaming magkaibigan. Baka masira ko ito.

"Wag na, tsaka na nga." Pilit ko rito at minadali ang paglalakad papuntang silid. Hindi na niya ako nahabol kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Nakarating ako sa tamang oras dahil sakto lang ang pagdating ng aming propesor nang ako'y makapasok.

Pinalabas ni Professor Ikon 'yung pinagawa niya saamin kahapon. Kahapon niya lang rin sinabi na gagawin ito at ipapasa ngayon kaya hindi ko na masyadong naayos 'yung saakin.

"Excuse me, may nagawa ka?" Tanong nang katabi ko. Napatingin naman ako sa kaniya at natandaan ko ang kaniyang mukha.

Siya 'yung nakatapon ng juice sa uniporme ko.

"Meron naman," Sagot ko sa tanong niya.

"Puwedeng patingin? Sisiguraduhin ko lang kung tama 'yung nagawa ko." Nahihiyang saad niya. Ibinigay ko naman kaagad dahil baka mapagalitan siya ni Prof. Masyadong istrikto si Prof kaya medyo takot kaming magkamali sa mga pinapagawa niya.

"Salamat ng marami." Pagpapasalamat niya. Bahagya naman akong tumango at kinuha 'yung papel ko pabalik.

"Okay class, I've seen that some of you didn't got the criteria that I created. So I've decided to group yourselves into two and remake your projects." Saad ng propesor namin na bahagyang nagpaingay sa klase namin. Wala naman siyang ibang nagawa dahil abala lahat sa paghahanap ng mga makakapares.

FioreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon