Chapter 13

2 0 0
                                    

Hindi ko makalimutan ang gabing iyon. Kaya kahit ilang araw ang makalipas ay hindi pa rin ito nawawala sa utak ko.

Sino nga ba ang makakapagisip ng matino kung ganoon ang mga pangyayari.

Napakasaya sa pakiramdam.

"Tara na Kiane!" Nagmamadaling saad ni Apollo habang hinihila ako sa uniporme ko.

"Teka lang, nalulukot." Reklamo ko rito. Natawa na lang siya at hindi ako pinansin.

Pumunta kami sa auditorium ng unibersidad na may mga nakadisenyo na. May kaganapan rito ngayon na puwede namang umattend at puwede ring hindi.

Pero si Apollo ay nagpupumilit. Okay lang naman na rin saakin dahil pupunta rin raw sila Fiore. Magkikita na lang kami nila Fiore sa isang booth na pinagusapan namin.

Nang natatanaw na ako ni Aeia kumaway siya at lumapit naman kami ni Apollo. Hindi ko pa pala napapakilala sakanila si Apollo. Ngunit nakita naman na ni Fiore si Apollo dahil siya ang kasama ko sa panghaharana.

"Ah, si Apollo nga pala. Apollo, sila Fiore at Aeia." Pagpapakilala ko habang tinuturo sila isa-isa.

"Ay oo, kilala ko na 'yan palaging gala 'yan eh." Saad ni Apollo habang nakatingin kay Aeia.

"Wow ha, edi magala ka rin dahil lagi mo akong nakikita." Sagot ni Aeia.

At nahanap na ni Aeia ang katapat niya.

"Ano nga bang gagawin rito?" Tanong ko kay Fiore habang nagbabangayan na 'yung dalawa.

"Hindi ko rin alam eh. Ewan ko ba bakit may pa ganito." Saad ni Fiore habang lumilingon-lingon sa paligid. Napatitig lang ako sa kaniya at tinitignan lamang siya. Nakasuot siya ng kulay rosas na laso habang nakatali ang kaniyang buhok.

Sumali na lang kami at nakilaro sa mga booth dahil wala naman na kaming klase.

Puwede naman na kaming palabasin ngunit gusto raw muna nilang manatili. Nakisama na lamang ako sa kanilang tatlo dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay.

"Laban tayo, basketball." Alok ni Apollo. Kailangan lang namin magbayad para sa bola at kapag naipasok namin ito ay makakakuha kami ng premyo.

Pumayag naman na ako dahil kaya naman siguro makipaglaban dito kay Apollo.

Parehas naman kaming nakakuha ng premyo. Stuff toy ito at katamtaman ang laki.

"Heto sa'yo na lang." Saad ko kay Fiore nang makalapit ako sa kaniya. Gulat ang kaniyang mukha ngunit ngumiti na lang siya at tinanggap ito.

"Thanks," Pagpapasalamat niya habang pinagmamasdan 'yung binigay ko.

"Corny niyo." Nakangusong saad ni Apollo habang nakatingin pala saamin. Hawak-hawak niya 'yung napanalunan niya at niyakap niya na lamang mag-isa. Natawa na lang kami ni Fiore at pinuntahan na namin si Aeia.

Habang nakaupo kami sa isang bench at kumakain ng meryenda may sari-sarili kaming mundo.

Nang ilang oras na kaming nandito. Napagdesisyunan na naming umuwi. Ihahatid ko ulit si Fiore katulad nang dati. Kaya sumama na siya saakin sa parking lot.

Naihatid ko na siya sa kaniyang bahay at dahan-dahan siyang bumaba.

"Alam mo ba, may i-kwe-kwento ako! Nakakatakot siya." Hirit pa ni Fiore habang ibinibigay saakin 'yung helmet.

"Ano 'yon?" Tanong ko rito at tumingin sa kaniya.

"Dito daw sa subdivision namin, may babaeng pagala-gala." Paninimula niya. Natawa naman ako pero nagpatuloy lang siya.

"Oo nga! Totoo 'yon ano. Tapos alam mo ba na sinusundan niya palagi 'yung mga kabataang nagmomotor. Mapa-babae man o lalaki." Dugtong niya pa. Tumatango-tango lang ako habang nakikinig.

"Tapos, alam mo rin ba na sinasagot na kita." Saad niya pa. Tumango naman ako at nakikinig pa rin—

Huh?

Ha?

Ano raw?

Napatitig lang ako sa kaniya habang nanlalaki ang aking mga mata at hindi makagalaw.

"S-Seryoso?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi man, joke ko lang 'yon." Sarkastikong saad niya.

"H-Hindi nga? Sinasagot mo na ako? A-As in officially? As in girlfriend na kita?" Tuloy-tuloy kong tanong.

Kanina pa lang nagkwekwento siya ng nakakatakot. Tapos bigla niyang sasabihin 'yon. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa nakakatakot na kwento niya o doon sa sinabi niyang sinasagot niya ako. Baka nagloloko lang siya? Baka pinagtritripan niya lang ako? Pero alam ko naman na hindi niya gagawin 'yon. Kaya lang ay—

"Natulala ka na diyan, totoo nga." Natatawang saad ni Fiore habang pinipindot ang aking mga pisngi.

"Wait, no comment, wait, i-process ko muna." Saad ko rito habang napahawak sa ulo ko at bumaba muna ng motor.

"Totoo ba 'yan?" Paninigurado ko ulit.

"Oo nga! Mahal na rin kita. I mean, dati pa pero pinakasigurado ko muna dahil ayoko naman magkaroon ng pagsisisi sa huli. Tsaka sa ipanapakita mo naman sa araw-araw ay desidido ka talaga saakin. Kaya naman napagdesisyunan ko nang sagutin ka. Bakit ko pa nga ba papagalin kung mahal rin naman kita?" Mahabang saad niya. Hindi pa rin ako makasagot at nanatiling nakatingin lang sa kaniya.

"Actually, a month ago pa sana. But I was just testing your patience kung gaano katagal ka makakapaghintay." Huling saad niya. Napangiti naman ako at ginawaran siya ng yakap.

"Thank you, Fiore." Nakangiting bulong ko rito habang nakayakap pa rin sa kaniya.

Kahit naman gaano katagal ako maghintay kakayanin ko. Kahit nga isang taon o kahit ilang taon pa 'yan. Basta may pag-asa kaming dalawa. Ngunit siya na rin mismo ang nagsabi na matagal na rin niya akong gusto. Sadyang torpe lang siya at buti na lang ako ang unang umamin. Kundi baka hanggang ngayon magkaibigan lang kami.

Pangako, Fiore, kahit na naging tayo na ay liligawan pa rin kita. Patuloy kong kukunin ang pagtitiwala at pagmamahal mo. Ganoon ko siya kamahal. Gagawin ko na ang lahat para lang maging masaya at magkasama kaming dalawa.

Hindi ko na iniintindi kung ano ang sasabihin ng aking mga magulang kapag nalaman nilang nagkaroon na ako ng nobya. Wala naman na silang magagagwa dahil nasa tamang edad naman na kami. At tsaka, hindi naman namin papabayaan ang aming pag-aaral.

Siya ang magiging una at ang aking huli. Kaya kapag ipinakilala ko na siya sa mga magulang ko. Wala na akong ibang ipapakilala na ibang babae.

Pangako ko saaking sarili at kay Fiore.

FioreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon