A/N: I hereby declare that I do not own the song lyrics. All rights belong to the owner. No Copyright infringement intended. (The owner of this song lyrics allowed me to borrow their song.)
Bumili ako ng isang hyacinth bouquet at kwintas na may disenyong bituin. Bago kami pumunta sa bahay nila Fiore sinabihan ko si Apollo na pagensayuhan 'yung itutugtog niya.
Pumayag naman siya sa kundisyon na ilibre ko siya sa Lunes. Wala namang kaso saakin 'yon kaya sumang-ayon na rin ako.
Nagtaka pa sila Mommy kung saan ako pupunta ngunit ang sinabi ko lang ay sasamahan ko si Apollo. Hindi nila ako madalas payagan na umalis ng bahay ngunit pinilit ko sila ngayon. Ewan ko ba at bakit napakastrikto na nila.
Ipapakilala ko naman si Fiore pero kapag sinagot na niya ako. Para walang magawa ang mga magulang ko.
"Ready ka na ba?" Tanong ko kay Apollo.
"Oo, ikaw lang ang hindi." Sagot niya saakin. Tinext ko na si Fiore na tignan ako sa labas.
Tumibok nang mabilis ang aking puso nang bumukas 'yung glass window ni Fiore.
Napagplanuhan namin ni Apollo ito kaya naman tumugtog na siya nang mabuksan ni Fiore 'yung bintana niya.
Huminga ako ng malalim bago simulang kumanta.
'Tong alay kong harana, para sa dalagang. Walang kasingganda, amoy rosas ang halimuyak.
Paninimula ko. Kita ang gulat sa kaniyang mga mata ngunit nakatitig lang siya saakin.
Kung nanaisin ng tadhanang mapanlinlang, 'di hahayaang mawala pa.
Wala na sa isip ko kung ano man ang nakikita ng mga tao ngayon. Ang mahalaga para sa akin ay malaman ni Fiore na handa 'kong gawin lahat para lamang sa kaniya.
'Tong liham na umaasa, mata mong makabasa. Handang gawin lahat, maging pamilya'y liligawan.
Naalala ko pa noong nagpunta ako sa kanila at naramdaman kung paano siya ipinagkatiwala ng tatay niya.
Ngayon lang nakadama ng wagas na pagkamangha
Buong buhay ko ay wala akong nagustuhan kundi siya. Sa unang araw pa lamang ng pagkikita namin, hindi na siya mawalay saaking isipan. Hinahanap ng mga mata, tinatanaw sa malayo, labis ang tuwa kapag lumalapit.
Hiling ko lang naman na. Tayo na sanang dalawa ang siyang huli at ang umpisa.
Ipapangako ko saaking sarili na ikaw lang ang magiging umpisa at ang huli ko.
Papatunayan ang unang pag-ibig ay 'di mawawala.
Ikaw ang aking unang inibig. Ngayon lang nakadama ng mga ganitong pakiramdam. Kasiyahan sa tuwing nakikita ka, mabilis na pagtibok ng aking puso sa tuwing malapit ka, at pagiging pariwara sa iyong mala-mahiwagang pigura.
Nakailang tula na, ba't tila 'di napupuna?
Kabaligtaran naman nito ang pagbasa at pagtingkilik mo saaking mga ginawang tula. Na ikaw lang ang nakakaalam at nakakabasa ng mga ito. At dahil, para saiyo naman talaga ang mga ito.
Ang tangi kong hiling, hanggang dulo, ikaw ang kapiling.
Nasa umpisa pa lamang tayo pero ito na ang naiisip ko. Ito na ang nais kong mangyari.
Kung puwede lang, hanggang pangmagpakailanman. Hinding-hindi na papakawalan, kailanman.
Kung tayo talaga ang para sa isa't-isa hanggang dulo, tadhana na siguro ang gagawa ng paraan. May panahon rin na baka ang tadhana ang maging paraan upang tayo'y mawalay sa isa't-isa. Pero kung ganoon man ang mangyari, handa kita hintayin at hindi kita papakawalan hangga't ikaw ang magsasabi na tumigil na.
Bumaba na kaagad si Fiore nang matapos ko na siya kantahan. Malaking ngiti ang salubong niya saakin.
Inilahad ko sa kaniya 'yung hyacinth bouquet at isang maliit na kahon.
"Ang galing mo kumanta," Puri niya saakin. Napangiti naman ako at tinignan lang siya sa mga mata.
Nagulat siya nang buksan niya 'yung maliit na kahon. Kinuha ko 'yung kwintas at pinatalikod siya. Dahan-dahan naman siyang tumalikod at inilagay ko na ang kwintas sa kaniyang leeg. Tinignan niya ito at hinawakan.
Nakangiti niyang pinagmamasdan ito. Habang ako naman ay nakangiting pinagmamasdan siya.
"Salamat dito Kiko," Pagpapasalamat niya ulit. Sinabihan ko siya na uuwi na ako dahil hindi ako puwedeng gabihin masyado. Hinarana ko lang talaga siya dahil gusto kong maranasan niya 'yon mula saakin.
Kayo kong ibigay sa'yo lahat Fiore. Mga bagay na gusto mo, katapatan ko, pagmamahal ko, at buong buhay ko. Basta't ikaw lang ang aking makakasama. Masyado na akong nabaliw o natamaan sa'yo. Isang araw ay parang ayaw ko nang mawalay ka saakin. Para bang kasusuklaman ko ang buong mundo kung ilalayo ka saakin.
Bago ako makaalis lumapit saakin si Fiore at binigyan ako ng isang yakap habang nakakapit ang kaniyang mga braso saaking beywang.
Hindi ako makagalaw at para bang tumigil nang saglit ang pagtibok ng aking puso.
Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon. Pinoproseso ko pa 'yung ginawa niya hanggang sa nagkusa ang aking mga braso na yakapin siya pabalik.
Ramdam ko ang bigat ng kaniyang paghinga habang ipinapahinga ang kaniyang ulo saaking dibdib.
Ilang minuto kaming nasa ganoong puwesto hanggang siya na ang kumawala.
Pumasok na siya sa loob ng bahay nila at ako naman ay sumakay na sa motor.
Bago ko naman paandarin, inilabas ko muna lahat ng kilig na nararamdaman ko dahil hindi ako makapagmaneho ng maayos dahil sa ginawa niya.
Halos mapunit na ang aking labi sa kakangiti ng malawak. Naamoy ko pa rin ang mahalimuyak niyang amoy. Parang dumikit saaking katawan na ikinatuwa ko.
Hindi kasi ito ordinaryong amoy ng mga babae na amoy matamis. Ang sa kaniya kasi ay kakaiba talaga, amoy kakaibang bulaklak. Hindi pangkaraniwan, bago saaking pang-amoy na hinihipnutismo ako na huwag kumawala sa kaniya.
Umuwi na ako nang kumalma na aking puso. Para bang lumulutang ako sa sarap ng pakiramdam sa simpleng yakap niya.
Nakakabaliw na kaagad at parang gusto kong bumalik muli at yakapin siya.
BINABASA MO ANG
Fiore
RomanceKiko's first love, he promised that she will be his last and grestest love. It was a bizzare feeling when you found someone who'll be with you and love you forever. But why does it feel so hard when you need to let go of that person? Date started:...