Chapter 21

0 0 0
                                    

Nang makauwi na kami sa bahay nagpalit na ako ng damit at bumaba para sa hapunan. Tahimik lang kaming lima habang kumakain sa hapag.

"Oh, Kiane, I'll throw a party for you tomorrow. Invite your friends and colleagues." Biglaang saad ni Daddy. Napatingin ako ng gulat sa kaniya.

"Hindi na po kailangan Dad, lalabas naman po kami ni Fiore bukas kasama sila Aeia kaya okay—"

"Kiane, we need to celebrate your graduation. You made it to the top, just what I expected." Pagputol ni Dad sa sasabihin ko. Napatikhim ako at napatingin sa kinakain ko.

"Dad, okay lang po ako sa simple—" Ibinaba ni Daddy 'yung kutsara at tinidor niya at tinignan ako.

"Why are you settling for less? Kung meron ka naman na puwedeng ipang-party or i-celebrate." Maotoridad niyang saad.

"Whew," Napatingin kaming lahat kay Kuya na nakatingin lang sa kinakain niya. Napakunot ang noo ni Daddy at tinignan ito ng matalim.

"Now what, Jiane?" Naiinis niyang baling kay Kuya.

"May favoritism talaga sa bahay na ito ano?" Sarkastikong tanong ni Kuya.

Heto nanaman siya.

"What are you trying to say, Jiane?" Tanong ni Dad ulit.

"'Yung graduation namin ni Ate walang pa-party. We're on top din naman, so why Kiane?" Mapait na saad ni Kuya.

"Dinadamay nanaman ako ng taong 'to." Rinig kong bulong ni Ate.

"We celebrated your graduation Jiane, stop being ungrateful." Madiing saad ni Daddy.

"Tama," Rinig kong bulong ni Ate.

"Tsaka just be happy for your brother hindi lang naman siya ang mag-eenjoy sa party." Dagdag ni Daddy.

"True—"

"Do you mind?! Shut up." Napataas ang boses ni Kuya habang pinuputol ang bulong ni Ate.

Masamang tinignan ni Ate si Kuya kaya ako na ang natakot. Nagulat din sila Mommy at Daddy sa inasta ni Kuya.

"Huwag mo akong pinagtataasan ng boses Jiane, baka nakakalimutan mo na mas matanda ako sa'yo." Walang emosyong saad nito. Napatahimik naman si Kuya at hindi na lang umimik.

"Tsk, badtrip." Bulong ni Ate at tumayo na ng hapag. Nawalan na ng gana kumain.

"Say sorry to her, Jiane." Nag-aalalang saad ni Mommy.

Hindi na lang ako nagsalita at tinapos ang kinakain.

Bakit naman kasi kailangan ganon? Hindi naman niya kailangan pagtaasan ng boses si Ate.

Tsaka ano bang inaaberya niya sa party na gagawin ni Daddy. Wala naman akong pakielam doon eh. Edi siya na ang bida doon sa party, gusto ko lang makasama si Fiore.

Matapos kumain ay umakyat na ako sa kuwarto ko at tinawagan si Fiore.

[Hello? Yes why, Kiko my love.]

Ang matamis niyang boses ang sumagot. Napangiti naman ako at nawala ang inis na nararamdaman ko.

"Good evening, kumain ka na?" Tanong ko muna sakaniya.

[Yes kakatapos lang, ikaw?]

"Tapos na din pero meron akong bad news." Saad ko sa kabilang linya. Naghintay naman siya ng sasabihin ko.

"Hindi tayo matutuloy bukas kasi gusto ni Daddy na magkaroon ng party dito sa bahay para mag-celebrate." Pagpapaalam ko sakaniya.

[Ano ka ba, hindi bad news 'yan. Puwede naman tayong umalis next time eh.]

FioreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon