Chapter 14

2 0 0
                                    

"Aww, thank you." Nakangiting saad ni Fiore habang hawak-hawak 'yung ibinigay kong hyacinth flower.

"Wow? Ano 'yan nanliligaw ka na Kiane?" Tanong ni Aeia habang nakatingin saaming dalawa.

Isang buwan na simula nang sagutin ako ni Fiore. Hindi pa namin nasasabi kay Aeia dahil lagi naman siyang may ginagawa.

"Actually, we're official." Saad ni Fiore. Nanlaki naman ang mga mata ni Aeia habang hindi makapaniwala.

Ano ka ngayon.

"Tapos ngayon niyo lang sinasabi saakin? May nagaganap na palang kakaiba sainyong dalawa tapos hindi man lang kayo nag-abalang ipaalam saakin? Aba!" Bahagyang malakas na sigaw saamin ni Aeia.

"Ay, sasabihin pala dapat sa'yo." Pang-iinis ko lalo rito. Ikinuwento na lang namin lahat kay Aeia para naman wala na siyang masabi.

Matapos naming kumain ng tanghalian sumama na lang ako sa kanila sa building nila. Dahil maaga pa naman at mamaya pa 'yung klase ko.

Habang naglalakad kami papunta sa silid nila Fiore lumapit saakin si Yuki na may dalang bento box.

"Ah, hi, Kiane." Bati nito saakin. Napatingin naman ako kay Fiore at Aeia na lumayo.

Bakit sila lumayo? Ih!

"Ayokong magtunog masama pero ano nga ba ang intensyon mo at panay ang lapit mo saakin?" Deretsahang tanong ko sa kaniya. Hindi naman kasi ako masyadong hangal para hindi mahalata ang mga kilos niya.

"Uhm, gusto kasi kita. Matagal na." Pag-amin niya.

Ano nga ba ang sasabihin ko?

Ah, alam ko na.

"May girlfriend na ako." Deretsahang saad ko sa kaniya. Nawala naman ang mga ngiti niya at para bang nalungkot.

Hindi niya naman ako masisisi dahil matagal ko naman nang ipinapakita na wala akong interes sa kaniya.

Hindi na lang siya nagsalita at naglakad na paalis. Pinuntahan ko na sila Fiore at Aeia na naglalakad. Ang layo na nila saakin.

"Ah, sorry, umamin lang kasi saakin si Yuki. Pero sinabi ko naman na may girlfriend na ako kaya sa tingin ko titigil na siya." Pagpapaliwanag ko kay Fiore.

"Ay, ang honest mo naman." Natatawang saad ni Aeia. Nandito pa pala siya, nakikinig.

"Ha? Hindi naman ako nagtanong." Nagtatakang saad ni Fiore.

"Hindi nga, pero gusto ko lang naman na malaman mo." Sabi ko sa kaniya. Baka kasi kung ano ang isipin niya kaya mas mabuting ipaalam ko.

Nang matapos na ang klase ko at ang klase ni Fiore kinuha ko kinuha ko 'yung cellphone ko dahil tumunog ito.

May family dinner raw kami sa bahay kaya agahan ko raw umuwi. Nakaisip naman ako ng ideya.

"Fiore, okay lang ba sa'yo kung ipakilala na kita sa family ko?" Tanong ko kay Fiore habang nagsusuot siya ng helmet. Nanlaki naman ang kaniyang mata at hindi alam ang isasagot.

"Ipagpapaalam naman kita kay Tito Flor. Iuwi muna kita doon sa bahay niyo para makapagpaalam ka tapos doon tayo maghahapunan sa bahay at pagkatapos ay ihahatid kita pauwi ulit." Pagpapaliwanag ko sakaniya.

"Ang laking abala naman non. Pabalik-balik ka." Nanghihinayang niyang saad.

"Okay lang, wala 'yon." Paninigurado. Pumayag naman na siya kaya pumunta na kami sa bahay nila. Pumayag na rin si Tito Flor basta huwag raw masyadong matagal.

Sinabihan ko sila Mommy na may kasama ako ngunit hindi ko muna ipinaalam na si Fiore na girlfriend ko ang kasama.

Nakapasok na kami sa loob ng bahay at nakita kong kumpleto sa silang nasa hapag-kainan.

Nagulat pa sila nang makita si Fiore. Akala siguro nila ay lalaki ang kasama ko. Kinakabahan man ngunit nagmano si Fiore kay Mommy at kay Daddy.

"Mom, Dad, Ate and Kuya. This is Fiore." Bahagya namang yumuko si Fiore at bumati.

"My girlfriend," Pagpapakilala ko dahilan upang bahagyang maibuga ni kuya 'yung iniinom niyang juice.

"Dugyot!" Naiinis na bulong ni ate kay kuya.

"Your girl, what?" Nagtatakang tanong ni Daddy.

"Ian." Pagbabanta ni Mommy kay Daddy.

"Upo ka iha, saluhan mo kami." Nakangiting saad ni Mommy. Tinabihan ko na si Fiore at ipinagsandok siya ng pagkain. Walang kumikibo sa hapag-kainan at nakikiramdaman pa kaming lahat.

"How long have you been dating with her?" Tanong ni Daddy.

"Isang buwan na po," Sagot ko. Bahagya na lang tumango si Daddy.

"Nanligaw ba itong si Kiane sa'yo?" Tanong ni Ate kay Fiore.

"O-Opo," Kinakabahang sagot ni Fiore.

"Huwag kang kabahan, ako lang 'to." Nakangiting saad ni Ate. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ganoon kalala ang kanilang reaksyon.

Gulat lang siguro sila dahil ang kanilang bunso ay may minamahal na.

Tinanong lang nila Mommy 'yung family background nila Fiore ngunit hindi masyadong nakakasagot si Fiore. Masyado yatang sensitive kapag tungkol na sa pamilya niya. Kaya naman pinahinto ko na sila Mommy sa pagtatanong.

Baka hindi na dumating si Fiore.

"Ihahatid ko na po si Fiore, I'll be back." Pagpapaalam ko sakanila.

"Sige, mag-ingat. Balik ka ulit Fiore." Nakangiting saad ni Mommy.

"Salamat po," Pagpapasalamat ni Fiore bago kami lumabas.

"Pressure ba?" Tanong ko sa kaniya. Natawa lang siya ng bahagya at umiling.

Kinuha ko 'yung helmet at isinuot sa ulo niya. Kusa na lang ginawa ng sarili ko ito, dahilan upang mamula ang kaniyang mga pisngi.

Cute.

Sumakay na kaming dalawa at umalis na ng bahay. Sinunod ko naman ang paalam namin kay Tito Flor dahil ala syete pa lamang ay nandoon na kami sa bahay nila Fiore at naihatid ko na.

FioreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon