Ilang buwan na ang lumipas simula nang mangyari ang mga hindi inaasahang pangyayari na 'yon.
Magkikita kami ni Fiore ngayon dahil trip ko lang.
Bakit ba, miss ko na siya eh.
Nagsuot lang ako ng puting polo at itim na shorts, black sandals lang din ang sinuot ko sa pang-ibaba.
Nang pumasok si Fiore sa kotse nakasuot siya ng puting trousers at itim na sweater.
"Bakit parang lagi nating pinaguusapan 'yung susuotin natin?" Natatawang saad ko habang nakatingin sa suot niya.
"Oo nga 'no? Gaya-gaya ka talaga." Pambibiro niya. Bahagya naman akong natawa dahil ako pa talaga ang gaya-gaya?
"Anyways," Tumikhim ako at may inabot sa likod. Ibinigay ko sakaniya 'yung hyacinth bouquet at may pirasong papel nanaman.
Malaki ang ngiti niyang tinanggap ito at natutuwang binasa 'yung papel.
Araw-araw kang laging kasama,
Gabi-gabi'y 'yong mukha'y humuhulma.
Bawat minuto'y hanap ka,
Bawat segundo'y nais ka."Aww," Nakangiti niyang reaksyon at binigyan ako ng yakap.
Pinaandar ko na ang sasakyan at pupunta sa pupuntahan namin na hindi niya alam.
"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ni Fiore habang kinukuhaan ng litrato ang ibinigay ko.
"Pet shop," Maikling tugon ko habang nakatitig lang sa kalsada.
"Ha? Bakit?" Nagtataka niyang tanong.
"Bili tayong baby cat." Sagot ko. Natuwa siya at hindi na mapakali sa upuan. Natawa naman ako at napailing-iling na lang.
Nang makapag-park na sa tapat ng isang shop. Sabay kaming bumaba sa kotse at pumasok na rin kami sa shop. May mga nag-aassist kaya hindi kami nahirapan.
"Aww ang cutie nito oh," Turo ni Fiore sa isang husky.
"Aso na lang?" Paninigurado kong tanong. Umiling siya at tinuloy ang pagtitingin. Pahinto-hinto kami dahil marami siyang nagugustuhan at nilalaro muna ito ng saglit.
Nakakatuwa siyang tignan kaya kinuha ko ang aking cellphone at kinuhaan siya ng mga litratong hindi niya alam.
May isa siyang pinakanagustuhan kaya tinignan ko rin ito.
Persian cat siya na kulay puti.
"Meow," Maliit na tunog ang ginawa nito. Dahan-dahan namang hinawakan ni Fiore ito. Para bang napaamo niya ito kaagad dahil dumidikit-dikit na ito.
"Hala, eto na lang kaya?" Tinanong pa ako ni Fiore.
"Okay lang naman saakin," Sagot ko at hinaplos ang kuting.
Napagdesisyunan na namin ito ang kunin at nilagay na ito sa isang plastic cage. Puwedeng dalhin kung saan-saan dahil sa cage na napili namin.
Bumili na rin kami ng cat food mahihigaan nito. Nakabili na rin kami ng collar na kulay lila. Si Fiore ang namili ng kulay dahil maganda raw.
"Parang ang dami mo namang nagastos ngayon?" Naningkit ang mga mata ni Fiore nang mapansing puro ako labas ng pera sa wallet. Bahagya lang ako natawa at umiling.
BINABASA MO ANG
Fiore
RomanceKiko's first love, he promised that she will be his last and grestest love. It was a bizzare feeling when you found someone who'll be with you and love you forever. But why does it feel so hard when you need to let go of that person? Date started:...