Chapter 15

1 0 0
                                    

Tapos na ang unang taon ng kolehiyo. Pumasa naman kaming apat at wala namang kahit na anong programa na magaganap.

Maghihintay na lamang ng pasukan ulit bago mag-aral muli.

Pinagiisipan ko na kung saan kami magbabakasyon ni Fiore.

"Saan niyo balak magbakasyon?" Tanong ni Aeia saamin. Nagkibit balikat lang kami bilang sagot dahil wala pa kaming naiisip.

Tumunog ang aking telepono kaya naman sinagot ko kaagad ito dahil si Daddy ang tumatawag.

"Hello, Dad." Bungad ko kaagad at bahagyang lumayo muna sa kanila.

"Kiane, I have a good news. Since you've already finished your first year of college. Do you want to go on a vacation?" Tanong ni Daddy.

"Opo naman, Dad." Natutuwang saad ko.

"Hindi kasi matutuloy 'yung business meeting ko doon sa Maldives. Sayang naman 'yung plane tickets." Dagdag ni Dad.

Maldives?

So out of town.

Papayagan kaya si Fiore?

"Okay Dad, ilang tickets po ba?" Tanong ko kay Daddy.

"Three tickets kasi kasama sana si Ate mo kaso hindi nga natuloy. Kayo sanang tatlo magkakapatid kaso ayaw naman nila dahil wala raw manlilibre sa kanila doon. Ang kukuripot sa sarili." Mahabang saad ni Daddy.

May naisip naman na akong paraan.

"Aeia, papayagan ka bang gumastos ng plane ticket?" Tanong ko kaagad nang makabalik ako sa puwesto naming apat.

"Eh?" Nagtataka pa nitong tanong.

"Bakasyon tayong apat sa Maldives. May three plane tickets si Daddy, kaya isa saakin, isa kay Fiore at isa na lang rin kay Apollo. Mayaman ka naman Aeia, kaya mo sarili mo." Natatawang saad ko rito.

"Whatever, okay." Umirap pa ito bago sumagot.

See? Walang kaso sa kaniya ang pag gastos ng malalaking pera.

"Ha? Nakakahiya." Saad ni Fiore.

"Hindi ah, si Daddy nag-insist kaya wala ka nang magagawa." Pagsisinungaling ko rito.

"Magpapaalam muna ako kay Daddy, baka hindi ako payagan." Sabi ni Fiore.

So ang ibig sabihin ay kapag pumayag si Tito Flor, makakasama si Fiore.

MAKALIPAS ang ilang araw, nakaplano na ang pag-alis naming apat. Pinayagan naman kaming lahat basta't mag-iingat raw.

Wala naman na kaming problema sa titirhan namin doon dahil pumayag 'yung kapatid ni Daddy na mag-stay kami doon sa family rest house nila.

Wala namang tumitira, kaya sayang at pumayag na rin ako.

"Dala niyo na ba lahat? Passport? Pocket money? Ticket?" Paninigurado ko sa kanila. Tumango naman silang tatlo habang hawak-hawak ang mga maleta.

Apat na araw lang naman kami doon at hindi masyadong magtatagal.

Nakasuot si Fiore ng jeans at puting t-shirt lang. Kahit simple ay bagay niya pa rin ang kaniyang suot.

"Katabi ko 'to?" Tanong ni Aeia saakin habang tinuturo si Apollo na naglalaro sa cellphone.

"Oo," Sagot ko sa kaniya. Katabi ko kasi si Fiore at si Aeia ang katabi ni Apollo.

"Ayoko nga, si Fiore na lang katabi ko." Pag-ayaw ni Aeia at dumikit kay Fiore.

"At bakit? Ano naman, katabi mo lang naman eh." Kumunot na ang aking mga noo. Nakakainis naman kasi itong si Aeia. Bakit ba ayaw niyang katabi si Apollo. Wala namang magiging pakialam si Apollo at sa tingin ko'y hindi siya guguluhin dahil tulog lang ang gagawin non sa buong byahe.

FioreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon