TWO YEARS LATER
PIGIL ANG hininga ni Jundice nang mabasa ang signboard na "Welcome toSan Joaquin". Halo-halo ang emosyong naramdaman niya. She felt nervous and excited at the same time.
Dalawang taon din siyang hindi umuwi. Dalawang taon kung saan pinili niyang lumayo sa lugar na kinalakhan at nanirahan saManilaat doon nagsimula ng bagong buhay. Aaminin niyang na-miss niya angSan Joaquinat ang Hacienda Torrevilla. Ilang beses din siyang pinakiusapan ng Mama niya na bumalik na saSan Joaquinpero nagmatigas siya. Ni hindi alam ng mga ito ang totoong dahilan ng pag-alis niya.
Ngayon ay heto na siya. Nagbabalik.
Tinawagan siya ni Donya Lorieta noong isang linggo. Umiiyak ito, nakikiusap na umuwi siya dahil may problema sa hacienda. Lumayas din ang kapatid niyang si Germaine. Tila tinakluban ng mundo ang donya kaya't walang ibang choice si Jundice kundi ang bumalik saSan Joaquin. Alam niyang kailangan siya ng kanyang ina at ama. Hindi niya kayang tiisin ang mga ito.
She's back and she's different. Hindi niya alam kung makikilala pa siya ng mga kaklase't kaibigan niya noon. She's a total head-turner now. Ang buhok niyang dati'y mukhang walang gravity ay maganda na ang bagsak. Maganda na rin ang pagkakakulot nito. It fell in big soft waves on her shoulders. Tinanggal na rin niya ang salamin sa mga mata. Kinulit siya ng Ate Aurielle niya na magpa-eye-laser at ngayon ay bumalik na sa 20/20 ang vision niya.
Lumutang ang ganda niya sa dalawang taong nanirahan siya saManila.
Napalunok siya habang nadadaanan ang mga pamilyar na lugar.
'I'm home.' Wala sa loob na bulong niya. May bahid ng takot ang nararamdaman niya sa kanyang pagbabalik. Natatakot siya na baka sa pagbalik niya ay bumalik din ang lahat ng sakit na naramdaman niya noon na pinilit niyang kalimutan. Alam niyang kahit anong gawin niya ay nakatago pa rin iyon sa kaibuturan ng puso niya.
"Jundice!"
Isang mahigpit na yakap ng kanyang ina ang sumalubong sa kanya. Tuwang tuwa ito nang makita siya at tila inabangan talaga sa labas ng pintuan ang pagdating niya.
"Ma, I miss you!"
"Anak, kung alam mo lang kung gaano ako nasabik na makita ka ulit." Hinalikan siya nito sa pisngi. "Kumain ka na ba? Naku, baka napagod ka sa byahe. Teka at nang masabihan ko si Cosme na ihanda ka ng meryenda."
Napangiti siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang Mama niya. Maalalahanin pa rin ito lalo na sa kanilang magkakapatid.
"Ma, okay lang ho ako. Magpapahinga na lang po ako sa kuwarto."
"Aba, sige. Ipapatawag na lang kita mamayang hapunan."
Nginitian niya ito at saka niyakap ulit. "Sige ho. I love you, Ma. Akyat na po ako."
Pumunta siya sa sarili niyang kuwarto doon sa mansion. Simula pa lang pagkabata niya ay lagi nang dilaw ang kulay ng pintura roon. Hindi niya pinapabago.
Napabuntong hininga siya habang ginagala ang paningin sa kabuuan ng kanyang kuwarto. Very serene ang ambiance. Naalala niya ang mga pangarap niya na binuo sa kuwartong ito. Ang mga masasayang sandali at maging ang mga malulungkot.
Napabuntong hininga siya nang maalala ang mga malulungkot. Pumunta siya bintana at tinanaw ang hacienda mula roon. Nakikita niya rin ang kabilang hacienda.
'Kumusta na kaya si Matt?'
Napailing siya nang maisip ang lalaki. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maiwasang maisip ito kahit na nang saktan nito ang damdamin niya dalawang taon na ang nakaraan.