Chapter VIII

15 0 0
                                    

INIS na inis si Matt sa pagpunta ni Kyle nang gabing iyon. Kanina pa niya napapansin ang mga tinging tinatapon nito kay Jundice at gustong gusto na niya itong suntukin. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang siya kung maka-react. Siguro dahil na rin alam niyang playboy talaga ang kaibigan niyang ito, at ngayon ay mukhang si Jundice ang pinagdidiskitahan nito. 

            Sinabihan na niya noon si Jundice na huwag maglalapit sa lalaking ito pero ngayon ay heto't inimbitahan pa sa bahay nila.

            Tiningnan niya ang kaibigan na lumagok pa ulit ng alak. Mukhang wala pa itong balak na umuwi. Alam niyang medyo lasing na rin ito dahil iba na ang tono ng pananalita nito at panay ang tawa.

            "Tama na 'yan, Kyle. I think you should go home," saway niya nang maglagay ulit ito ng isang shot sa baso.

            Tumawa lang ito. "Aw, c'mon Matt. Minsan lang naman ako dito sa bahay niyo, eh. Minsan ko lang din nasisilayan ang ganda ni Jundice." Ngumiti pa ito sa babaeng nakaupo sa katapat nitong upuan.

            That's it! Hindi na niya nagugustuhan ang sinasabi nito. Tumayo siya at saka nilapitan ito.

            "It's late, Kyle. Umuwi ka na." There was sharpness in his voice.

            Ngumisi ito at saka tumayo. "Ang istrikto naman ni Pareng Matt. Bakit, ayaw mo bang i-share ang ganda ng fiancé mo?"

            Napakuyom siya ng palad. "Umuwi ka na!"

            Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ang pagpihit ni Jundice. Nahalata na ng babae ang tensiyon at ang galit niya.

            "Kyle, you're drunk," ani Jundice.. "Ipapahatid ka nalang namin kay Manong—"

            "Sure, Jundice. But not until I get a good night kiss from you." Lumapit ito sa dalaga at saka tangkang hahalikan ito.

            Tuluyan nang nagdilim ang paningin ni Matt. Hinila niya ito sa kuwelyo at pinatikim ng isang kamao niya.

            "Matt!" Napatiling napatayo naman si Jundice. Awang ang bibig nito habang nakatingin sa lalaking nakahandusay sa sahig.

            "Umalis ka na Kyle at baka higit pa diyan ang maibigay ko sayo!" Matigas niyang utos.

            Hinawakan ng lalaki ang bibig nito na may kaunting dugo sa gilid. Tila nawala ang kalasingan nito at dahan-dahang tumayo.

            "Just go home, Kyle. Please," si Jundice.

            Tumango ito at saka madilim ang mukha na lumabas ng mansion.

            "Hindi ba't sinabi ko na sayong huwag kang lumapit sa Kyle na 'yon?"

            "Matt, he was just drunk."

            "Hindi mo ba nakita ang pambabastos niya sayo? Bakit siya pa ata ang pinagtatanggol mo ngayon?"

            "Hindi sa gan'on…"

            "I'm warning you, Jundice. Huwag ka na ulit makipag-usap sa Kyle na 'yon!"

            "Matt, don't you think—"

            "Just shut up and do what I say!"          

Gulat na natahimik ang ito. Matt was clearly furious. Namumula pa rin siya sa galit nang talikuran niya ang dalaga.

* * * *

NAKAILANG buntong-hininga na si Matt sa hallway pero hindi pa rin niya maikilos ang mga paa. Kanina pa niya tinataas ang isang kamay para kumatok pero bigla niya rin namang binababa iyon.

            Tiningnan niya ang dalang bouquet ng rosas. Kanina niya pa dapat binigay iyon kay Jundice. Iyon talaga ang plano niya bago pa ito umuwi kasama si Kyle.

            Naisip niyang i-sorpresa ito. Alam niyang pinipigilan niya ang damdamin niya para sa dalaga. He's been trying to ignore her these past few days. Pero kagabi sa cellar, napagtanto niyang  hindi niya kayang sipilin kung ano man ang nararamdaman niya para kay Jundice.

            Gusto niyang ibigay itong mga bulaklak para sa ilang araw na hindi niya ito pinapansin at para na rin ipakita ditong mahalaga ito sa kanya.

            But she ruined it when she brought Kyle with her. Ito pa tuloy ang napagbuntunan niya ng inis at nasigawan niya ito.

            Tinaas niya ulit ang kamay. Sa pagkakataong ito ay nakuha na niyang kumatok. Tatlong beses.

            Walang sagot sa kabila. Ni walang tunog na nagsasabing bubuksan nito ang pinto. Marahil ay tulog na ito.

            Nanghihinayang na napatingin siya sa mga bulaklak. Maya-maya ay inilapag na lamang niya iyon sa labas ng pinto nito at saka pumasok na rin siya sa kanyang kuwarto.

“NANA Georgina, uulan ho ba?” Nag-aalalang tanong ni Jundice nang mapansing dumidilim ang kalangitan.

    “Naku, mukha nga. Baka may bagyo na naman.”

     Dali-dali siyang kumuha ng pagkain sa kusina. Nasa niyogan si Matt at hindi ito makakauwi para sa tanghalian. Kanina nang magising siya at lumabas ng kuwarto ay nakita niya ang boquet ng mga rosas sa labas ng kanyang pintuan. Alam niyang walang ibang maglalagay niyon kundi si Matt. Dahil doon ay nabuhayan siya ng loob.

     Matt was not the kind of person he was trying to show her. Alam niyang sa likod ng malamig nitong aura ay andoon pa rin ang Matt na may malambot na puso. She would just have to find a way to break the wall he built to hide it.

     Hindi man niya alam ang rason kung bakit kailangang maging ganoon ni Matt, hindi siya susuko dito.

     “Pupuntahan mo pa ba si Matt?”

    “Oho,” sagot niya habang nagmamadaling lumabas ng kusina.

    “Baka maabutan ka ng ulan!” Pahabol nito.

    “Magdadala ho ako ng payong.”

    Napailing na lang ang matanda habang tinitingnan nito ang paglabas niya ng mansion. Hanga ito sa katapatan niya sa mapapangasawa. Isa ito sa mga nakakaalam ng totoong dahilan ng pagpapakasal nila ni Matt, at sa tingin nito ay tama ang naging desisyon ni Donya Helen. Matt deserved Jundice.

HINDI PA nakakalayo si Jundice sa mansion ay bumuhos na ang pagkalakas-lakas na ulan. Halos gibain niyon ang dala niyang payong.

    Doon siya dumaan sa may short-cut. Mas maputik doon pero mas malapit iyon sa kinaroroonan ni Matt.

    Ilang beses siyang kamuntikang nadulas pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad. Maya-maya ay may kidlat na gumuhit sa langit papunta malapit sa kinaroroonan niya. Napasinghap siya nang tamaan niyon ang isang puno. Napakalapit na lang niyon sa kanya!

    Windang na napaatras siya. Bigla siyang natakot. Napapalunok na sumilong siya sa ilalim ng isang puno. Alam niyang delikado rin doon at baka ang punong iyon naman ang matamaan. Pero natatakot naman siyang maglakad ulit. Mukhang galit na galit ang kalangitan sa lakas ng mga kulog na dumadagundong sa buong San Joaquin.

    Puno ng pangambang naghintay siya roon ng pagtila ng ulan. Nanginginig na siya sa lamig pero wala naman siyang magawa. Ilang minuto din siyang naghintay nang marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan.

    “Jundice!”

    Si Matt!

    Ilang sandali pa ay nakita na niya ang lalaki. Nang magtama ang paningin nila, may nakita siyang pag-alala sa mga mata nito, ngunit agad ding nawala iyon at napalitan   ng galit.

    “Are you crazy?!” Galit nitong tanong.

Saka lang napansin ni Jundice na walang payong o kapote man lang ang lalaki. He was wet and very angry.

    “M-matt…”

Wrap Me in Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon