TULUYAN NA ngang lubog ang araw nang mapag-desisyunan nilang bumalik na sa mansion. Basa ang damit ni Jundice. Napapailing na lamang si Matt habang sumasakay sila sa kanya-kanyang kabayo.
"Sabi ko naman sayo kanina dapat hinubad mo nalang shirt mo."
"Okay lang ako. Kaya ko naman ang lamig." Malamig sa San Joaquin 'pag madaling araw at kapag gabi. Hindi exception ang gabing ito.
"Kasi hindi pa tumatakbo ang kabayo," he pointed out. "Baka magkasipon ka pa niyan."
She just ignored him kahit ang totoo ay giniginaw na naman talaga siya. Nang simulan na nilang patakbuhin ang mga kabayo ay napasinghap siya lamig ng hanging tumatama sa basa niyang balat.
Hindi pa sila nakakalayo ay nanginginig na siya. Maging ang bibig niya ay hindi na niya nakontrol ang panginginig. Maya-maya ay inihinto ni Matt ang kabayo nito kaya inihinto na rin niya ang sa kanya.
He dismounted and got the horse's reigns. Walang babalang sumakay ito sa likod niya.
"A-anong ginagawa mo?"
"Yayakapin ka."
"Ha? T-teka…"
"Stop protesting, Jundice. Patakbuhin mo na ang kabayo at nang makauwi na tayo." He moved closer to her and wrapped his arms around her. "See? Nanginginig ka na sa ginaw. 'Pag 'di kita niyakap baka pagdating natin sa bahay, kasing tigas ka na ng yelo."
Hindi na siya umimik. Paano pa nga ba siya makaimik eh kinikilig na siya sa pagyakap at sa concern nito. Sumandal siya sa dibdib nito at wala na siyang ibang maisip kundi ang init na hatid ng pagyakap nito sa kanya.
NAPAPANGITI si Matt Adrew habang tinitingnan ang ulo ng babaeng yakap. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang epekto nito sa kanya. He felt so light and happy since the day she moved in Hacienda Ricaforte.
She has been so sweet and caring. Minsan ay napapahinto siya sa ginagawa niya at tinititigan ang babae. Hindi siya makapaniwalang hindi niya ito napapansin dati noong nasa kolehiyo pa siya. Batid niyang suwerte siya rito. Jundice was special.
Bigla siyang napasimangot. A bell was ringing inside his brain. Iyong bell na nagwa-warning na huwag siyang maging too emotionally involved sa kahit na sino. It was hard with Jundice dahil lagi itong mabait sa kanya.
Imbes na i-encourage ang babae, dapat ay layuan niya ito. He couldn't risk getting hurt again lalo na't may ibang rason si Jundice kung bakit siya nito papakasalan. Oo, dati ay inamin nitong mahal siya nito. But that was a long time ago. Malamang wala na itong damdamin sa kanya. She's just being sweet dahil malaki ang natulong ng mga Ricaforte sa pamilya nito.
He sighed. His mood changed. Nang makarating sila sa mansion ay nahalata ng dalaga ang tila panlalamig niya bigla. Tinangka pa sana nitong kausapin siya pero nagdahilan na siyang pagod siya at dumeretso na sa kanyang kuwarto.
PASIMPLENG sinusulyapan ni Jundice si Matt habang sumusubo ito ng pagkain. Inanyayahan sila ni Donya Helen na sa kuwarto nito maghapunan. Hindi na masyadong bumababa sa hapag-kainan ang Donya dahil mabilis na itong mapagod.
Napansin niyang ilang araw nang tila iniiwasan siya ng lalaki. Tuwing nakakasalubong niya ito ay halos hindi man lang ito titingin sa kanya. Labis siyang nagdaramdam dahil hindi niya maintindihan kung bakit ito ginagawa ni Matt. Ang buong akala pa naman niya ay okay na sila noong nagpasyal sila sa hacienda.
He was so sweet to her that day. Pero bigla nalang itong nanlamig. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang masama para maging ganoon ang binata. Gayunpaman ay determinado si Jundice na kunin ulit ang loob nito. She would never give up on Matt.