Chapter II

44 2 1
                                    

NATAPOS sila sa pagkain na hindi man lang nakapag-usap ni Matt. Tahimik lang ito na parang walang pakialam sa mundo. Si Donya Helen ang makuwento sa kanilang tatlo. Ito ang laging nagsasalita.

     "Matt, ingatan mo itong prinsesa ng mga Torrevilla ah? Mag-ingat ka sa pagmaneho." Ang habilin nito nang paalis na sila ni Matt sakay ng kotse nito.

     "S-salamat nga pala at pumayag ka na sumabay na lang ako sayo," gustong basagin ni Jundice ang katahimikang namayani sa kanila nang makaalis sila at iyon ang naisipan niyang sabihin.

     "It's okay. Pareho lang naman tayo ng pupuntahan," ang sagot nito na hindi inaalis ang paningin sa kalsada.

     Naghagilap ulit siya ng masasabi ngunit sa malas ay wala na siyang maisip. Na-mental block siya. Hindi pa rin kasi maalis sa sistema niya ang kiligin dahil ang lapit na lamang nito sa kanya ngayon.

     Palihim niya itong tinitingnan. Seryosong seryoso ang mukha nito sa pagmamaneho. Natutukso tuloy si Jundice na haplusin ang pisngi nito at pangitiin.

     Bigla siyang kinabahan nang mag-park na sa school parking lot si Matt. May iilang estudyanteng naroroon at alam niyang magtataka ang mga iyon kung bakit magkasabay sila ni Matt.

     Naramdaman niyang nakatingin sa kanya ang lalaki. Nang lingunin niya ito ay saka niya lang narealize na hinihintay na nitong bumaba siya ng sasakyan.

     Sa pagkataranta ay mabilis niyang binuksan ang pintuan ng passenger's seat at bumaba. Hahakbang nasanasiya paalis nang may maalala siya. Muli niyang binuksan ang pintuan.

     "S-salamat nga pala ulit," ang sabi niya at saka nagmamadali nang tumalikod. Napangiti siya. Alam niyang kung mayroon lamang nakaharap na salamin sa kanya ay makikita niyang namumula siya.

     That was the first time she experienced the word kilig. Ganoon pala ang pakiramdam. Parang gusto niyang lumipad at sumigaw nang sumigaw.

     "Smiling face ka ata ngayon," komento ni Olga habang kumakain sila sa cafeteria.

     "H-ha?" Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya sa pagkaing nasa harapan.

     "Kanina pa kita napapansing nakangiti diyan. Ano'ng meron?"

     Nginitian niya lang ito. "Wala naman."

     "Ows? Kaya pala sumasayaw 'yang mata mo. New boyfriend ba?"

     "Ano?! New boyfriend ka diyan. Tigilan mo nga ako, babae. Sabi ko naman sayong wala eh."

     "Sige. As your friend, titigilan kita, pero as your friend din, alam ko at nararamdaman ko na there's something talaga. And as your friend, karapatan kong malaman kung ano 'yon."

     Pinaikot niya ang mga mata. Minsan talaga ang kulit ng kaibigan niyang ito.

     Ibinuka niya ang bibig upang magsalita ngunit may tatlong babaeng lumapit sa kanila. Masama ang tingin ng mga ito sa kanya.

       "You're Jundice, right?" Sabi ng nasa gitna. Kilala niya ito. Si Berna with her friends o mas tama ata na ang gamiting salita ay alalay. Cheer captain ito at sikat sa campus. Dati nang kumakalat ang tsismis na girlfriend ito ni Matt Andrew.

     Marahan siyang tumango. Nagtatanong naman ang mga mata ni Olga na halatang nalilito kung bakit siya kinakausap ni Berna. Known kasi ang babaeng iyon bilang snobbish. Hindi ito basta-basta nakikipag-usap sa kung sinong estudyante.

     Tiningnan siya ni Berna mula ulo hanggang paa.

     "I want to know bakit magkasabay kayo ni Matt Andrew na pumasok kanina." Berna's eyes were as cold as the North Pole. Kung makapagtanong ito ay tila asawa na nito si Matt.

Wrap Me in Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon