DUMATING ang pinakahihintay na araw ni Jundice. All her life she dreamed of this. It was a garden wedding. Doon mismo sa walled garden ng mga Ricaforte.
Bagama’t matagal na hindi naalagaan ang hardin na iyon ay bumalik ang dating kagandahan nito sa tulong ni Donya Lorieta at ibang mga hardinero. Ang ibang magagandang halaman sa Hacienda Torrevilla ay nilipat nila doon para lamang sa kasalan. Nagmistula na iyong hardin sa palasyo ni Queen Elizabeth I. It was a perfect setting for a fairy-tale wedding.
Tinitigan ni Jundice ang sarili sa salamin sa kanyang kuwarto. Hindi niya alam kung kakayanin niyang bumaba para sa kasal nila ni Matt. Nanginginig ang tuhod niya sa sobrang kaba at excitement.
Sa wakas, magiging misis na siya ni Matt. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari sa buhay niya. Pakiramdam niya ay nananaginip lang siya. Isang napakagandang panaginip.
Excited na siyang humarap sa altar at masilayan ang nag-iisang lalaking tinitibok ng kanyang puso. Kung puwede lang sana ay puntahan niya ito sa kinaroroonan nito dahil hindi na siya makapaghintay. Pero alam niyang hindi iyon maaari dahil ang sabi ng mga matatanda ay hindi daw sila dapat na magkita bago sila ikasal.
Napabuntong hininga na lang si Jundice.
"My pretty little sister!"
Nilingon niya ang pumasok na si Janica at nginitian ito.
"You look stunning, Jundice!" Puri nito. "Hmm… Bakit naman mukha kang masusuka diyan?"
Tumawa siya. "Kinakabahan lang ako, Ate."
Tumango-tango ito na parang nakakaintindi. “Ganyan din ako dati. Nakakakaba talagang ikasal.” Ngumiti ito. “Pero, mamaya, kapag nakaharap mo na si Matt, I’m sure mawawala din ‘yan. Wala nang ibang pinakamasarap sa buong mundo kundi ang ikasal sa lalaking mahal mo.”
May narinig silang katok sa pintuan at iniluwal niyon si Don Reynaldo.
“Ready na ba ang aking prinsesa?” Nakangiting tanong nito.
Tumango siya at saka humalik sa pisngi ng ama.
“Aba, halika na at baka mainip na ang groom mo doon.”
Bumalik na naman ang kaba niya.
“You’re very pretty, iha. Matt is truly a lucky man.”
"Salamat, Pa."
"Shall we go?" Ibinigay nito sa kanya ang siko.
"Mauna na ho kayo. Susunod po ako."
"Okay, iha."
Nang makalabas na ang Don at si Janica ay muling tiningnan ni Jundice at sarili sa salamin upang masigurong maayos na ang itsura niya.
Lalabas na sana siya nang mag-ring ang kanyang cellphone na nakapatong sa dresser. Pangalan ni Matt ang naka-rehistro doon.
"Hi, love ko. Pababa na ako." Napapangiti siya kahit alam niyang hindi naman siya nito nakikita.
Pero ibang boses ang sumagot sa kabila. Boses ito ng isang babae.
"Oh, don't bother. Hindi magpapakasal sayo si Matt. In fact, he's with me right now. Kasama namin ang baby namin."
Daig niya pa ang binuhusan ng malamig na tubig.
"S-sino ka?"
Halakhak ang sinagot nito. "Nakalimutan mo na ba ako? It's me, Berna."
"Sinungaling ka, Berna!"
![](https://img.wattpad.com/cover/4643370-288-k388411.jpg)