Chapter V

31 1 0
                                    

     "Ilang anak ba gusto mo?"

     Napamulagat si Jundice. "Ate Janica!"

     "O, bakit? Hindi ba't normal naman sa mga mag-asawa ang magkaroon ng anak? Magpapakasal na kayo ni Matt. Dapat may family planning kayo," ngumiti ito ng pilya at kinindatin pa siya.

     Pinamulahan siya ng mukha. The topic itself made her uncomfortable. Let alone discussing it in front of the family, Tita Helen and Matt! Hindi tuloy siya makatingin sa lalaki.

     Pahamak na Ate, 'to!

     "Tatawagan ko ho si Ate Aurielle na hihiramin ko iyong gown na sinuot niya noong ikinasal siya," pag-iiba niya ng topic. Pinag-uusapan nila noon ang pag-plano sa kasal nila ni Matt Andrew. Batid niyang may problema ang pamilya niya sa pinansiyal kaya naman ayaw niyang gumastos pa ng malaki sa susuotin niyang trahe de boda. Hangga't makakatipid siya ay gagawin niya.

     "No way!" Ang angal ni Donya Helen bagama't mahina na ang boses nito. "Hire the best designer to make your gown. This is the wedding of my only son and I want it to be as grand as possible."

     "Pero tita—"

     "Don't worry about the finances, iha. In fact, don't worry about anything. We will have a wedding planner. Don't stress yourself out. I want you to be the most beautiful bride."

     Kinalabit siya ng Ate Janica niya. "Aba, suwerte mo, ah! To the highest level. Parang Princess Kate Middleton lang."

     Napatingin siya kay Matt na nasa tapat ng upuan niya nakaupo.

     And there's my Prince…

     Maya-maya ay tinawag ang atensiyon nila ni Don Reynaldo. Itinaas nito ang hawak na kopita.

     "Let's have a toast for Matt Andrew and Jundice."

     Nang mapag-usapan na nila ang lahat at natapos na sila sa pagkain ay nagkaroon ng pagkakataon na mapagsarili sina Jundice at Matt. Lumabas sila sa garden sa tabi ng pool at doon nag-usap. It was full moon and the moon's light made everything around them look silvery.

     "Gusto ni Mama na doon ka nalang muna mag-stay sa Hacienda Ricaforte," wika ni Matt.

     "Ha? Hindi ba pangit tingnan iyon? Tutal, isang buwan at kalahati na lang naman halos ay ikakasal na tayo."

     He looked a little bit frustrated. "I already told her that, pero alam mo naman si Mama… she could be very stubborn sometimes. Ang sabi niya'y gusto ka lang niyang makasama lagi. She gets lonely. Hindi sa lahat ng oras ay nasasamahan ko siya dahil kailangan din ako sa hacienda."

     How could I turn down a dying woman's simple request? Napabuntong hininga si Jundice. Pinag-isipan niya ang sinabi nito.

     "Everyone in town is already talking about our sudden engagement," aniya. "Ano na lang kaya kung malaman nilang magsasama na tayo sa iisang bubong?"

     "Oh, let them talk, Jundice. Lagi namang may nakikita ang mga tao na pag-uusapan. Besides, hindi naman tayo magsasama sa iisang kuwarto."

     Bumuga siya ng hangin. "Sige, sasabihin ko kina Mama na bukas ay doon na ako sa inyo para may makasama ang Mama mo."

     Hindi naman humadlang si Donya Lorieta at Don Reynaldo sa desisyon niyang sa Hacienda Ricaforte muna tumuloy dahil naiintindihan ng mga ito ang kalagayan ni Donya Helen. Kinabukasan din ay inilipat ang ilang kagamitan ni Jundice sa bahay nila Matt. Tuwang-tuwa naman si Helen nang malaman iyon.

Wrap Me in Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon