"Ano?!" Tumayo si Donya Lorieta sa kinatatayuan nito. Bakas sa mukha ang pagkadismaya.
Halos malaglag ang panga ni Jundice sa pagkabigla at si Don Reynaldo naman ay nanatiling tahimik na tila malalim ang iniisip.
"Mare, alam kong wala akong karapatang humiling ng ganun," mabilis na sagot ni Helen. "Pero pakinggan mo muna ako."
"Helen, alam mo naman kung anong nangyari kay Germaine dahil sa ganyang pangyayari, hindi ba?" Donya Lorieta's face was very red. Kung wala lang leukemia ang kausap nito ay malamang sinigawan na niya ito.
Helen stayed calm. Wari ba'y pinaghandaan na nito ang ganitong eksena. Tumingin ito kay Jundice at saka marahang ngumiti.
"I want to know what you are thinking, iha," ang wika nito.
Napakurap siya. Hindi alam kung ano ang isasagot. Maging siya man ay hindi niya alam kung ano ang iisipin niya sa sinabi nito. She loved Matt. She loved him still. His mother wanted them to get married!
Subalit ayaw naman sa kanya ng lalaki, hindi ba? Kahit gustuhin man ni Jundice na makasal kay Matt ay wala siyang magagawa kung ayaw ng lalaki. Hindi naman ata maganda kung siya lang ang nagmamahal at ang magiging asawa niya ay ni katiting walang pagtingin sa kanya. Besides, sigurado siyang pinakaunang mag-o-oppose sa ideyang ito ay si Matt mismo.
"T-tita Helen…" Naghagilap siya ng masasabi.
"I know you love my son, Jundice. Dati pa man. At gusto ko rin ikaw para sa anak ko."
"T-tita…"
"Don’t try to deny it. Alam kong mahal mo si Matt."
Napayuko siya. "Ayaw niya naman ho sa akin."
"You're the right girl for him. In time, makikita niya rin iyon." Humugot ito ng malalim na hininga. "I'm dying, Jundice. Lumalala na ang cacer ko. Ilang buwan na lang maiiwan ko na si Matt. I want to make sure he's with the right girl before that happens."
"Hindi ba't napaka-unfair naman ata niyan, Helen?" Singit ni Lorieta. "Malalaki na ang mga anak natin. They have the right to choose kung sino ang gusto nilang makasama sa buhay. Ayaw kong sa bandang huli ay masaktan lang ang anak ko. Tama ka, mahal niya si Matt. Ang hindi ko sigurado ay kung mamahalin din siya ng anak mo."
Mahinang tumawa si Helen. "Mare, wala ka bang bilib sa anak mo? Ako meron. Malaki. Kaya nga't kampante akong hilingin na makasal sila dahil ako mismo ay nasaksihan ko na hindi mahirap mahalin si Jundice. She's the kindest, sweetest girl I've ever known. Tanga na lang ang lalaking hindi siya mamahalin. And I'm pretty sure my son is not stupid."
Natahimik si Donya Lorieta. Napatingin ito kay Jundice. Tila naghahanap ng kasagutan sa mukha ng anak. Nang hindi iyon mahanap ay ang asawa naman nitong si Don Reynaldo ang tiningnan.
"It's very gracious of you to offer us help, Helen," sa wakas ay sabi ng Don. "Kung sa akin lang ay wala akong nakikitangmalisa pagpapakasal nila kung ganoong mahal naman ni Jundice si Matt at alam ko namang matinong tao ang anak mo. But I will not make the same mistake of meddling with my daughters' life."
Tila nakahinga ng maluwang si Donya Lorieta. Ginagap nito ang kamay ng asawa.
"Na-appreciate namin ang kagustuhan mong makatulong sa amin," ang donya. "But we love our daughters more than we love this hacienda." Tumayo na ito si Don Reynaldo na nagpapahiwatig na tinatapos na nito ang meeting na iyon.
"Wait." Tumayo rin si Jundice.
Napatingin ang lahat sa kanya. Hinihintay kung ano pa ang gusto niyang sabihin.