"Nana Georgina, ako na ho ang magluluto sa tanghalian," sabi ni Jundice sa matandang mayordoma ng mga Ricaforte. Ang sabi nito ay maagang umalis ng bahay si Matt. Nanganak ang kabayo nito at andoon ito sa kuwadra ngayon. Nagbilin daw ito na hindi makakauwi sa tanghalian. Nagpatumba din ito ng mga niyog.
"Sigurado ka?"
Nginitian niya ito. "Opo. Wala naman kasi akong ginagawa dito. Gusto ko din ihatid na lang ang pagkain ni Matt sa kanya."
Ngumiti ng makahulugan ang mayordoma. "Ang suwerte naman ni Senorito Matt sayo."
Siniguro ni Jundice na espesyal ang lulutuin niya. Tinanong niya si Nana Georgina kung ano ang paborito ni Matt na pagkain. Seafoods daw. Nagluto siya ng sinigang na hipon at inihaw na panga ng tuna.
Kahit medyo malayo-layo pa ang niyogan sa mansion ay naglakad siya. Hindi niya ininda ang mainit na sikat ng araw.
Malayo-layo pa lang ay nakita na niya si Matt. Pawisan ito at halatang kakahinto lang nito sa pagtatrabaho. Nagpunas pa ito sa mukha at sumilong doon sa bahay-kubo. Nakahanda na ang pagkain ng mga ito sa maliit na mesa. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang tuyo at noodles lang ang ulam doon. Sanay din pala si Matt sa simpleng mga pagkain. Nakaramdam na naman siya ng pagmamalaki sa mapapangasawa.
"Matt."
Nagulat ito nang makita siya. "Jundice, anong ginagawa mo dito?"
Tinaas niya ang mga dalang pagkain. “Dinalhan kita ng pagkain. Sabi kasi ni Nana Georgina hindi ka uuwi sa bahay ngayong tanghalian.”
Nagsipulan ang mga trabahador.
“Ang sweet naman ng girlpren niyo, Boss Matt,” wika ng isa.
“At ang ganda pa!” Sabi naman ng isa.
“Dinalhan din kita ng malinis na damit. Pinagpapawisan ka na kasi,” sabi niya sa lalaki sabay abot sa isang paper bag na naglalaman ng damit nito at isang maliit na tuwalya.
Kinuha naman iyon ng lalaki at ang mga ulam. "Salamat… but you don't have to do this, Jun."
Nagkibit-balikat siya. "Wala naman akong ginagawa…"
Actually matagal na itong pinag-iisipan ni Jundice. Hindi man pagmamahal ang rason kung bakit siya papakasalan ni Matt, gagawin niya ang lahat para makuha ang matamis nitong pag-ibig.
Saglit itong nag-isip. "Okay, and since andito ka na… why don't you join us in our meal?"
Tumawa siya. "Naku, at makikita ako pa pala talaga ang reaksiyon niyo 'pag 'di niyo nagustuhan ang luto ko."
"We'll see."
May lumapit sa kanilang lalaki. "Wow, I must admit. Ang ganda na nga ni Jundice ngayon."
Naalala niya kung sino ang lalaking iyon. Isa ito sa mga team mates ni Matt sa basketball sa kolehiyo. Si Kyle Hacer.
"Magandang tanghali sayo, binibini," bati nito. May kakaibang lagkit ang mga tingin nito sa kanya.
She smiled at him courteously. "Magandang tanghali din."
"Nagpatulong ako kay Kyle kanina nang manganak ang kabayo. That's his expertise." Tinapik ni Matt ang balikat ng kaibigan. " I hope you brought enough food for all of us, Jun."
Lihim siyang nagpasalamat na marami-rami ang niluto niya. "Sure. Magkakasya naman siguro iyon. Besides, we have the noodles and the salted fish."
![](https://img.wattpad.com/cover/4643370-288-k388411.jpg)