[THIRD PERSON POV]
"Hey wake up!" tila may kalakasang sigaw ng lalaki
"Ilang oras kana naka tulog, patay kana ba?"
"Asan ako?" nilibot ng kaniyang mga mata ang silid kung nasaan siya.
"Sino ka?"
"Wow how dare you ask me such question, hindi mo ba ako nakikilala ako lang naman yung pinagtaksilan mo!" mukang galit na galit ang lalaki base sa kaniyang tono.
"Hindi kita kilala kaya pakawalan mo na ako please, wala akong kasalanan sayo. Hinihintay na ako ng pamilya ko."
"Can you please shut your freaking mouth Yiesha, kung noon ang ganda ng boses mo sa pandinig ko, ngayon nakakarindi na ito, kaya kung pwede ba manahimik ka na!"
"Yiesha" mahina at malamig na tawag ng kung sino man.
"Kung hindi ko rin naman siya makukuha sayo, buhay mo nalang ang kukunin ko." Tila hindi na maka hinga si Yiesha dahil sa pagsuntok ng lalaki sa tiyan niya.
"A-anong kukunin? Nasisiraan ka na ba talaga ng isip?"
"Hindi ko alam kung anong nangyari sayo at tila nakalimutan muna lahat nang ginawa mo sa akin, ang bilis mo naman makalimot." may kinuha ito sa hindi kalayuang upuan bago ulit lumapit sa babae.
"Ang bilis mo maka usad habang ako naka kulong parin sa nakaraan" bigla niyang ibinuhos ang hawak niya sa babae.
"Love-"
"Walang magmomove on!" Galit na galit ang pagkasabi nito. Kahit na nahihirapan na si Yiesha, pilit naman niyang sinubukang magsalita.
"A-ano itong ibinuhos mo sa a-akin?" Para ba siyang binuhusan ng napaka bahong malamig na tubig.
Agad niyang inilabas ang lighter sa bulsa at bago niya pa ito itapon sa babae ay pinahirapan niya muna ito, sinuntok nito ang pagmumuka ng babae at sinipa-sipa, wala manlang magawa si Yiesha dahil nakatali ang mga kamay nito kung saan siya nakaupo.
Dahan-dahang tumutulo ang dugo nito.
"T-tulong, hindi ko pwedeng i-iwan ang pamilya ko" inihagis niya ang lighter at tuwang-tuwa habang pinapanood ang unti-unting nasusunog na katawan ng babae. Walang awa niyang pinagtatawanan ito habang nagmamakaawa ang babae na iligtas siya.
"Yiesha!"
"T-ta..man...na p-pleas...e!" tanging ang unti-unting pagkasunog lang ng sarili niya ang kaniyang naririnig.
"Love, kung ito man ang aking huling paghinga, I want you to know that I'm sorry, sorry for everything, I hope someday you'll forgive me. Please be happy without me, ipagpatuloy mo ang buhay mo kahit wala na ako sa tabi mo. M-mahal kita higit pa sa a-alam mo" hindi siya nabigyan ng pagkakataon para masabi ito sa minamahal niya.
Naalala nito ang mga masasaya at malulungkot na pinagdaanan nila ng kaniyang kasintahan, kumawala nanaman ang mga luha niya dahil alam niyang hindi niya na muling mararanasan ang mga ito. Isinara nito ang kaniyang mga mata- umiiyak habang dinaramdam ang mainit na apoy sa kaniyang katawan.
YOU ARE READING
Save me Professor
Mystery / ThrillerProfessor X Student (GL) Slow burn? Hopeless romantic? Angst?