X|||

50 0 0
                                    

AYIESHA

"What do you want to watch?" tanong sa amin ni Miles.

Nasa theater room nila kami.

"Horror nalang." sagot naman ni Diane.

Hindi na ako umimik kasi inaantok na ako.

Naenjoy naman namin ito kahit inaantok na ako, imbis na matakot kami kasi horror pinapanood namin pero naging comedy ito kasi tawa lang kami nang tawa.

Manood pa sana kami pero inaantok na kaming lahat.

Kaya pumunta na kami sa kwarto ni Miles. Naglatag kami para tabi-tabi kaming lima.

Hihiga na sana si Miles nang bigla siyang hampasin ng unan ni Diane. Tumatawa pa siya. Hindi ba siya nalolowbatt?

Kinuha naman ni Miles ang isang unan imbis na habulin si Diane hinabol niya si Diana.

Hinampas na rin ni Diane si Blaire at naghahabulan na kaming lima sa kwarto ni Miles.

Para kaming mga bata na nagsisigawan at nagtatawanan pa.

Ang saya.

Nang mapagod kami ay humiga na kami at nagkwentohan.

Nakikinig ako sa kwentohan nila hanggang sa makatulog ako.

. . . . .

"Rise and shine mga beshy." nauna akong nagising at mukang tulog pa ang apat.

Anong ora kaya sila natulog?

Trinay ko namang mag-ingay pero hindi pa rin sila nagigising kaya nagphone na ako.

Ang sweet nilang magkakatabi.

Si Diana, Diane, Miles, Blaire at ako naman sa pinaka gilid.

Kinunahan ko sila ng litrato at sinend 'yon sa gc bago lumabas ng kwarto ni Miles.

Nagbanyo muna ako para mag freshen up saka pumuntang kusina para magluto.

Wala naman daw ang mama at kapatid niya kaya okay lang magluto ako dito.

Ilang beses na rin kaming natulog dito kaya alam ko na ang pasikot sikot at kung saan nakalagay ang mga pagkain.

Habang hinihintay kong maluto ang bicol express na niluluto ko ay biglang nagring ang phone ko.

Tumatawag si Diane sa gc.

Sinagot ko ito at nakita ko silang 4, mukang kakagising lang nila.

"Asan ka Yiesha?"

"Sa spm." biro ko sa kanila.

"Nasa kitchen siya." sabi naman ni Miles at isa-isa silang nawala sa camera, si Diane nalang ang naiwan.

"Baba na kayo kain na." inend na niya 'yong call kaya hinintay ko nalang silang makababa.

"Ang bango shet." sabi ni Diane.

Muka namang masarap ito dahil na ubos nila lahat nang niluto ko.

Pagkatapos naming kumain ay naglaro kami ng badminton sa labas ng bahay nila.

Ang saya, sana ganito kami palagi.

Pagkatapos naming magpahinga ay umuwi na kami.

Ayaw pa sana kaming pauwiin ni Miles pero hindi pwede kasi may pasok na bukas.

. . . . .

"Buti naman at tatlo lang class natin ngayon."

"Guys alam niyo ba itong café na malapit dito sa univ?" pinakita ni Diana ang picture ng café, ang café namin ang tinutukoy niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Save me ProfessorWhere stories live. Discover now