||

72 7 1
                                    

AYIESHA

"Wala yun, forget it."

Niyakap niya ako, pagkatapos ay ngumiti ito sa akin, may kunting luha na kumawala sa mga magaganda niyang mga mata, sa dalawang matang nagkukulay berde hindi mo lubos maisip na umiiyak ito.

"Why are you crying love? May nagawa ba ako? May nasabi ba ako kaya ka nagkakaganiyan? nag-aalalang tanong ko dito.

"Wala... you look cute" ha? seryoso ako dito tapos mambobola lang siya.

"Love I'm trying to ask you— why are you crying, palagi mo nalang iniiba ang usapan kapag ikaw na ang pinag uusapan natin" kita ko naman sa kaniyang mga mata na malungkot ito, may hindi talaga siya sinasabi sa akin.

"Yiesha my love, you don't need to know kung ano man ang pinagdaraanan ko."

"No no no this can't be, we promised na kung ano man ang mangyari o problema ay parehas natin itong haharapin, b—bakit ka naglilihim sa akin?" naiiyak kung tanong sa kaniya. She then cupped her hands around my cheeks

"Love listen to me I don't want you to be involved in these shitty things that are happening in my life. Yes we promised that together we will fight but let me fight this battle alone, mas gugustohin kong ako nalang mag-isa ang magsuffer kaysa naman sa mawala ka sa akin. Yes I'm hiding something from you pero it's not about cheating, it's a personal problem." naiyak nalang ako sa mga naririnig ko, yes she's giving me assurance but it's not enough.

"Sorry love, ayaw lang talaga kita madamay, I will tell you everything sa tamang panahon. This is not the right time, gusto pa kitang makasama ng matagal. Trust me Yiesha I love you so much na ayaw kung makitang nasasaktan at nag-susuffer ka. Everyone can hurt me gawin na nila ang gusto nilang gawin sa akin but touching and hurting you, hindi ako magdadalawang isip na gawin ang lahat maipaglaban lang kita." pilit naman siyang ngumingiti habang pinupunasan ang aking mga luha. Niyakap niya muli ako at hinalikan sa noo pagkatapos ay hinayaan niya lang akong umiyak habang hinahaplos ang aking likod.

"Why do you sound like that, wala namang mangyayaring masama sayo or sa akin diba?" yakap-yakap ko lang siya, ang bango.

"Sira walang mangyayaring masama sa ating dalawa. As long as I am with you no one can harm and touch you, I will protect you at all cost because I love you." natatawa nalang ako na humihikbi minsan lang kami maging ganto.

"Dalawang bading sa rooftop nagdradrama, nahuli ng beshy sa mmk ang bagsak" pabirong sigaw ni Diane. Tumatawa narin si Diana at Miles habang papalapit sila sa amin.

"I love you so much, more than you know Yiesha always remember that hmm" bulong sa akin ni Blaire bago ako kumawala sa mga yakap nito. "I love you most Blaire, you know that." pinunasan ko ang mata ko at saka humarap sa tatlong abnormal na papalapit sa amin.

"Bakit malungkot ang beshy ko na yan?" pang-aasar na tanong ni Miles sa akin.

"Kasi malungkot ang baby niya." sagot naman ni Diane.

Tuwang-tuwa silang nang-aasar, kala mo hindi mga tropa eh maka dogshow sa amin parang walang pinagsamahan.

Tuluyan na nga silang nakalapit sa amin akala ko aasarin ulit nila kami pero niyakap nila kaming dalawa, kahit man hindi nila sabihin ramdam ko yung care and love nila para sa aming dalawa ni Blaire.

"Sorry Yiesha hindi kami nakinig sayo kanina, napa away pa tuloy itong lalabs mo"

"Tuwang-tuwa kami sa alitan nila ni Ken e— aray" tumingin ito ng masama kay Miles dahil sa pagkurot nito sa singit niya.

"Sa susunod hindi na namin hahayaang ma away pa kayo ni Ken, proprotektahan namin kayo— tayo, diba Diane at Miles?"

Umiling naman ang dalawa habang nagpipigil ng tawa.

Save me ProfessorWhere stories live. Discover now