AYIESHA
Hindi ko na siya tinawag at hinayaan ko nalang siyang hanapin ako. Ang sakit ng ulo ko naparami yata ako ng inom kanina. Pero kasalanan ko eh kaya tiisin ko, ginusto ko yon eh.
1... 2... 3...
"Love kanina pa kita hinahanap nandito kalang pala." kunti nalang ang agwat namin kaya bago pa siya maka lapit sa akin ay agad akong tumakbo para yakapin siya.
"Where have you been? Akala ko magbabanyo lang kayo. Tapos you've been gone for almost 1 hour and a half."
"Sorry love."
"You know I don't know ilang bote ang nainom ko. While we're drinking- kami ni Diane, someone joined our table." nakikinig lang naman siya sa akin at umupo kami sa maliit na upuan kung saan ako naka upo kanina.
Nakatingin sa dagat habang ang mga kamay ay magkahawak.
Ang mga katawan naming nakasandal sa isa't-isa, body heat.
"I know because I was there."
"hmm you knew? You're there?"
"No I said I know because I've been there before I find you here. Sinabi sa akin lahat ni Diane." na mali lang pala ako ng rinig. Kasi kung andon man siya hindi niya naman ako hahayaang mayakap ng stranger, buti nalang talaga wala siya baka paghinalaan niya pa akong may iba.
"Are you okay love?"
"Hm- yes, masakit lang ulo ko."
"Sino ba kasing sabing uminom ka eh never kapang uminom sa buong buhay mo."
"Uhm gusto ko lang naman tikman, tapos bigla kong na-alala si Anika kaya ayon idaan nalang sa inom. But I was wrong I thought the alcohol will help me forget the pain pero mas lumala lang."
"You've been crying for hours, do you want to rest- I mean do you want to go back sa rest house to sleep?"
"No po love, I don't want to go back pa. I want to stay here with you. Besides having you here is enough, because you're my pahinga. Ikaw ang una kong naging pahinga and will always be my pahinga."
"You're my home lovie."
"You know Yiesha when I was young I kept in my mind that home is a place, kung saan ka nakatira- when I hear someone saying home is a person I was like bro seriously???" tinawanan ko lang ito kasi nakakatawa naman kasi siyang magkwento may pa hand gestures pa.
"But when I finally admitted that I like you- no that I love you, hindi ko lubos inakala na magbabago ang perception ko about home." hmm so random.
"Home is a place but sometimes it's a feeling or a person.
Whenever we have problems or something bad happens we always say that 'I want to go home', 'gusto ko na magpahinga at umuwi'. Home gives you the feeling of comfort and peace that's why we always want to go home when we are tired.
Home is where we can be ourselves without any hesitation because we know that no one will gonna judge us." hmm cute.
"love, look at me." tumingin ako sa mga mata niya habang ang mga kamay niya ay nasa cheeks ko.
Ang buwan, dagat, ako at siya.
"Someone asked me 'what does your home look like?' ' How does it feel to be home?' nandon lang ako thinking of you- your beautiful eyes, lovely face, the whole you. Thinking about how you bring calmness, happiness nothing but pure love in my soul. Ikaw ang sagot... Palaging ikaw." akala ko ubos na ang luha ko pero meron pa rin pala.
Pinunasan nito ang mga luha ko, madilim man ang paligid pero dahil sa ilaw ng buwan kita ko parin ang pag ngiti niya.
"I always looked and treated you like my own dear friend- I'm sad when you're not around, I felt like something is missing when I'm not with you- until one day I realized that friends don't look at friends that way- 'yon pala kasi ay gusto na kita and everything I said about home ay nakita at naramdaman ko sayo- HAHA love why are you crying?"
"Eh sino ba naman kasi ang hindi iiyak eh bigla-bigla ka nagiging ganiyan."
"Nagiging what? Sweet? Clingy? Cheesewiz? Or cliché?
"Lahat!"
"Oh bakit ka galit?"
"Eh kasi- ishh!"
"Kinikilig ka ba? HAHA ang cute." tumatawa pa ito habang pinupunasan ang mga luha ko. "Tamo nangyari jan sa mata mo, it swollen kakaiyak mo, tahan na andito lang ako."
"I love you Yiesha."
"I love you more ate."
"I love you most Yiesha kong iyakin" pinalo ko ito kasi hindi talaga siya magpapatalo eh.
"Papansin ka talaga."
"Let's go love may ipapakita ako sayo." hinila niya ako papalayo sa inupuan namin kanina at ngayon hawak kamay kaming tumatakbo papunta sa lugar ng walang hanggan.
Basta sa lugar kung saan man kami dalhin ng mga paa namin.
Nakarating kami sa madilim na parte ng isla.
"Love, exciting part- part 3." may inilabas ito galing sa bulsa ng shorts niya at binigay ito sa akin.
"Gagawin ko dito?"
"Kainin mo." oh gosh na speechless ako don ah.
"Wait Yiesha where are you going?"
"Babalik na sa rest house!" tuloy- tuloy lang ako naglalakad pabalik.
"Love HAHAHA." sumisigaw ito habang hinahabol ako.
"Love nagjojoke lang ako." humarang ito sa harap ko at kinuha nito ang kamay ko kung saan hawak- hawak ang maliit na parang remote.
"Push it, then you'll see." pinush ko ang button at biglang nagliwanag ang muka ni Blaire dahil sa mga ilaw galing sa likod ko.
Pina ikot ako nito at nakita ko ang napakagandang set up.
(PROPER CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER)
"Love ano ito?"
"Nakikita mo yang mga naka sabit? Isasabit kita jan while you're spreading your legs wide ope- joke lang love ito naman. Surprise date kasi love."
YOU ARE READING
Save me Professor
Mystery / ThrillerProfessor X Student (GL) Slow burn? Hopeless romantic? Angst?