Chapter 3

4 1 0
                                    

Kikay's POV

Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa mga sinabi ng Pierre na 'yon. Kung makapagsalita siya, akala niya hindi tao at walang feelings ang kausap niya.

Buti na lang at nariyan lagi ang best friend kong si Caloy. Siya lagi ang karamay ko sa tuwing pakiramdam ko 'e kaaway ko ang mundo. At siya ang laging taga-salo ng mga luha ko tuwing pagsasalitaan ako ng masasakit ng kapwa ko.

Habang nagmumukmok ay bigla kong naalala ang lipstick na binigay ng matanda sa akin. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko.

Sinubukan kong gamitin. Parang wala namang epek!

Kinabukasan ay maaga akong naghanda sa pagpasok. Ayaw ko nga sana dahil ayaw kong makita ang pagmumukha ng Pierre na 'yon. Masisira na naman ang araw ko! Letse!

"Kikay, narito na si Caloy" sigaw ng aking inay.

"Opo, nay! Ito na ho!" Talaga 'tong nanay ko. Pwede namang hindi sumigaw 'e. Kalerky!

"Anak" pagtawag ng nanay.

"Po?"

"Narinig kitang umiiyak kagabi. Anong nangyari? May umaway na naman ba sa'yo sa school niyo?" Hala! Anong sasabihin ko? Bahala na!

"Naku, nay! Nag-breakdown lang po saglit. Alam niyo na, hirap maging college student, 'di ba?" Sana maniwala!

"Siguraduhin mo lang, ha? Oh siya, sige na. Mahuhuli na kayo"

Nagmano na 'ko saka lumabas para pumasok.

Tahimik lang kami sa byahe ni Caloy. Walang umiimik nang bigla siyang magsalita kinalaunan.

"Hindi ka pa rin ba okay? Pasensya ka na, di ko man lang magawang makaganti sa kumag na 'yon. Ano ba naman kasi ang laban ko roon, anak ng may ari ng school 'yon"

"Ayos lang ako, Loy. Si Kikay pa ba? Saka sapat nang lagi kang nariyan para sa akin. Okay na 'ko roon, tsong! Salamat" sabay ngiti nang malawak sa kaniya.

Narito na kami sa Baldemor. Himala, wala pa ang damuho.

Nagkuwentuhan na muna kami ni Caloy habang wala pa ang prof namin nang biglang dumating si Pierre.

Napatingin siya sa direksyon namin. Nakatingin lang siya ng ilang segundo sabay baling ng tingin sa iba.

Problema no'n? Ngayon lang ba siya nakakita ng panget na masama ang loob sa kaniya? Chos!

Break time kaya balak namin pumunta ni Caloy sa canteen.

Lalabas na sana kami nang biglang humarang si Pierre.

Problema na naman ba ng isang 'to? 'Di pa rin ba siya tapos kahapon? Kakaimbyerna na!

"Ano na naman bang problema mo, ha? Hindi ka pa ba tapos kahapon?"

"I just want to say sorry, Kikay. I know it's too much and kinda offensive so I'm saying sorry"

"Sorry mo mukha mo!" Taray ng lola niyo, oha!

"Hey..."

"Akala mo ba gano'n gano'n lang 'yon? Hindi mo lang ako basta na-offend, Pierre. Nasaktan ako nang sobra ro'n!"

"I was hurt too since what you said were all true. Kulang nga talaga ako sa aruga ng parents ko and I won't deny it"

Napatahimik lang ako sa sinabi niya. Pero kahit na ba! Hindi naman doon nasusukat ang pagiging mabuti ng isang tao! Sadyang masama ang ugali niya!

"Paraanin mo kami dahil mauubos na ang oras. Nagugutom na ang ugly frog!" Pagbibiro ko since 'yon naman ang bansag niya sakin 'e.

"Okay, sorry ulit"

Sabing 'sorry' mo nga mukha mo 'e! Bwiset ka pa rin!

"Wow, Kikay! Ikaw ba talaga 'yan, ha? Kailan ka pa naging palaban?"

"Ngayon lang, tsong! Dahil sa Pierre na 'yan!" Totoo naman 'e! Inubos ng lalaking 'yon ang pagiging mabait ko. Hakhak

Pagkatapos namin kumain ay agad na kaming bumalik sa room.

Nagkatinginan kami ni Pierre kaya agad kong iniwas ang tingin ko.

For his info, hindi ko na siya crush simula kahapon 'no! Kaya waepek na 'yang kagwapuhan niya sa'kin!

Bigla namang pumasok sa isip ko ang lipstick.

Ginamit ko nga pala iyon kaninang umaga.

Hindi kaya... Hindi kaya totoo ang sinabi ng matandang pulubi?

Hindi kaya maganda ako sa paningin ni Pierre kaya siya nagsorry sa'kin?

Oh my gosh!

Kung ganoon nga, salamat sa matandang pulubi. Hihihi

Kikay And The Magic LipstickWhere stories live. Discover now