Chapter 22

0 0 0
                                    

Kikay's POV

Araw ng Lunes kaya maaga ako'ng gumising.

Grabe! Nakakapagod kahapon pero ang saya.

Salamat kay Gav.

Ano kaya ang sasabihin no'n? Nakakahiya rin sa kaniya dahil "Pierre" ang naitawag ko sa kaniya.

Nakakainis!

Bakit kasi hindi siya nawawala sa isip ko?!

"Kikay! Narito na si Caloy. Bilisan mo na d'yan!" Sigaw ng aking nanay.

"Opo, nay! Eto na!"

Nagmano na ako sa nanay at saka umalis.

"Kumusta ang lakad? Nag-enjoy ka ba?" Tanong ni Caloy.

"Oo, tsong. Nakakapagod pero masaya naman kasama si Gav kaya sulit" sagot ko naman.

"Mukhang napapadalas ang labas niyo, ah"

"Ewan ko ba ro'n at lagi na lang ako'ng niyayaya"

"Baka ma-develop ka kay Gav, ha!"

"Huy! Hindi 'no! Alam mo naman kung sino ang gusto ko"

Hindi na umimik si Caloy.

Kasalukuyan na kaming nasa byahe papuntang school.

Makalipas ang 30 minutes ay nakarating na kami.

Naroon na si Pierre pero hindi niya 'ko binati.

Nakasimangot siya.

Agang-aga nakabusangot agad mukha niya.

Maya-maya ay dumating na si Gav.

"Good morning, bro"

Tumango lang si Pierre.

Wala ba siya sa mood?

"Good morning, Kikay!" Nakangiting bati ni Gav.

"Good morning din, Gav"

"Buti di ka na nalito"

"Siraulo!"

"Nag-enjoy ka ba kahapon?"

"Oo naman. Ang dami mo rin energy 'e"

"I enjoyed eating the strawberry taho. First time ko'ng makakain no'n"

"Ako rin. Sarap 'no?"

"Nag-date pala kayo kahapon ni Gav, Kikay? Iba rin ang alindog mo 'e" pang-aasar ni Lester sabay tawa nang malakas.

Hindi ko na lang sana siya papansinin pero hindi talaga siya tumitigil.

Nakakayamot!

"Manahimik ka nga'ng kumag ka!" Sigaw ko dahil naiinis na 'ko sa kumag na 'to!

"Ano'ng pakiramdam nang maganda, Kikay? Una si Pierre. Ngayon naman si Gav. Break na kayo ni Pierre?"

Agad tumayo si Pierre at kinuwelyuhan siya.

"Kapag hindi ka pa tumigil, hindi ako magdadalawang-isip na sapakin ka!"

Agad tumayo si Gav para awatin si Pierre.

"Bro, calm down! Hayaan mo na"

Tinapik niya ang kamay ni Gav at hindi pinansin ang kaniyang sinabi.

Agad ding lumabas si Pierre dahil kitang-kita namin ang galit sa mukha nito.

Bwiset kasi 'tong Lester na 'to! Kulang masyado sa pansin!

"Ulitin mo pa, bro... hindi lang si Pierre ang sasapak sa'yo" ani ni Gav.

Kikay And The Magic LipstickWhere stories live. Discover now