Chapter 20

3 1 0
                                    

Kikay's POV

Maaga ako'ng gumising dahil naisipan ko'ng magsimba.

Napanaginipan ko kasing sinapian ako. Baka sign na 'yon na dapat magsimba na ako. Hehehe.

Agad ko namang chinat si Caloy para yayain siya.

"Uy, tsong! Sorry na, please?"

Agad din naman siyang nagreply.

"Wala na 'yon sakin, Kikay"

"Ganito na lang... Magsimba tayo ngayon para makahingi na rin ako ng sorry. Please?"

"Sige" maikli niyang sagot.

"Yehey! Love mo talaga ako"

Hindi na siya nag-reply pa dahil siguro mag-aasikaso na sa pagsimba.

Ilang oras lang ay dumating na si Caloy.

"Naks! Pogi natin tsong, ah!"

"Sus! Binobola mo lang ako kasi may kasalanan ka"

"Grabe ka! Hindi 'no!"

"Oh siya, tara na. Baka wala tayong maupuan kapag na-late tayo"

Agad na kaming nagtungo sa simbahan.

Pagdating namin ay halos puno na.

Nang matapos naman ang misa ay agad kaming lumabas.

Paglabas namin ay may natanaw ako'ng isang pamilyar na mukha.

Teka...

Si nanay! 'Yung nagbigay sa'kin ng lipstick!

Agad ako'ng nagtatakbo patungo sa direksyon niya. Nagtaka naman si Caloy sa kinilos ko.

"Nay!..." Pagtawag ko.

"Oh, hija. Ano ang kailangan mo?"

"Nay, natatandaan niyo ho ba 'ko? Ako po 'yung binigyan niyo ng lipstick... 'yung sinabi niyo po na kapag nilagay ko 'yon ay magagandahan sa'kin ang lalaking nagugustuhan ko"

"Ah... Ayon ba? Pasensya na, hija. Binibiro lang kita. Hindi totoo ang aking sinabi"

ANO RAW?!

"Po?! Hindi po totoo? 'E bakit bigla na lang po kayong nawala na parang bula?"

"Hehehe... Nagtago ako sa likod ng puno. Napulot ko lang din ang lipstick na iyon. Aanhin ko naman 'yon? Sa tanda ko'ng ito ay kekerengkeng pa 'ko?! Hindi uy!"

Si nanay trippings oh!

Pero kung hindi totoo 'yon, bakit ang bait-bait sa'kin ni Pierre?

Bakit iba ang ikinilos niya simula nang gamitin ko 'yon?!

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Caloy.

"Kikay, ano ba'ng nangyayari sa'yo? Ba't bigla kang tumakbo?"

"Ahh... Wala, tsong. Tara na, uwi na tayo"

Habang naglalakad ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng matanda.

All this time, hindi pala dahil sa lipstick kung bakit kami naging closed? Natural lahat ng 'yon?

Hindi ako makapaniwala. Nagoyo ako ng matandang 'yon, ah. Pinag-trip-an baga naman ako!

"Anyare? Ba't ang tahimik mo?"

"Wala, tsong. May iniisip lang"

"Si Pierre na naman?"

"Hindi 'no!" Defensive ko'ng sagot.

"Sino, si Gav?"

"Lalong hindi 'no! 'Wag mo na alalahanin, tsong"

Kikay And The Magic LipstickWhere stories live. Discover now