Chapter 26

4 1 0
                                    

Kikay's POV

Araw ng Linggo ngayon. Napakaganda ng gising ko. Ikaw ba naman ligawan ng taong matagal mo nang gusto. Sino ba'ng hindi gaganda ang gising doon?

Pagkagising ko pa lang, agad ko nang tiningnan kung may chat si Pierre. At hindi nga ako nagkamali. Meron nga!

"Good morning, Kiks! Don't forget to eat your breakfast. Always wear your sweetest smile! Gusto na agad kitang makita. Gustuhin man kitang yayain ngayon, hindi ko magagawa dahil bibisita ako sa mall namin. Let's see each other on Tuesday! Kainis! Bakit kasi walang pasok ng Monday. Anyway, I'm on my way to our mall"

Grabe naman ang pagka-miss ng bebe na 'yan. Yie!

"Good morning, Pierre! Hintayin na lang natin mag-Martes. Mas'yado mo naman akong na-miss n'yan. Ingat ka pagmamaneho!"

"Super! Kung pwede lang araw-araw kitang kasama"

Agad naman akong napangiti sa sinabi niya. Sa simpleng gano'n niya, grabe ang kilig na nadarama ko. Hay!

"Ay sus naman. Mag-focus ka na muna sa gagawin mo. Magre-review siguro ako now hanggang bukas"

"Oki. Be right back :)"

Hindi ko na siya ni-reply-an. Baka naman isipin niyang patay na patay ako sa kaniya e totoo naman. Hihi

Kasalukuyan akong nagbabasa ng lessons nang may pumaradang isang magarang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

Inakala ko'ng si Pierre 'yon pero nagkamali ako dahil hindi naman gano'n ang hitsura ng kotse niya.

Hinintay kong makababa ang sakay ng kotseng iyon at laking gulat ko nang bumaba si Gavin.

Anong ginagawa niya rito?!

Agad akong lumabas ng bahay para puntahan siya.

Nang makita niya 'ko ay agad siyang napangiti.

"Good morning, Kikay!" Bati niya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Wow. Wala man lang bati? 'Yan talaga agad tanong mo?"

"Sorry. Good morning din, Gav"

"Well I'm here para yayain kang gumala. Kasama mo si Pierre kagabi. Siguro naman papayag kang sumama sa'kin?" Nakangiti niyang sambit.

"A-ah e-eh nagre-review kasi ako, Gav. Alam mo naman, malapit na ang hell week"

"Kahit saglit lang, Kikay. Please. May gusto lang akong sabihin sa'yo"

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Pinag-iisipan kong mabuti ang isasagot ko dahil alam kong masasaktan si Pierre kapag sumama ako sa kaniya.

"Wait lang, Gav. Pumasok ka na muna sa bahay"

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bahala na. Magpapaalam na lang ako kay Pierre.

Sumunod din agad si Gav at nang makarating sa loob ay pinaupo ko na muna.

Nagpaalam ako sa kaniyang icha-chat ko lamang si Nanay pero si Pierre talaga ang icha-chat ko para magpaalam.

Agad ko naman minessage si Pierre.

"Pierre, p'wede ba akong magpaalam? Si Gav kasi biglang nagpunta rito sa bahay. Niyayaya niya 'kong lumabas dahil may sasabihin daw siya sa'kin. Okay lang ba?"

"Even if it's not okay with me, you're still the one who has the right to decide, Kiks"

"Matagal na kasi siyang may gustong sabihin sa'kin. Gusto ko lang talagang malaman kung ano 'yon. Don't worry, Pierre. I'll keep you updated. Promise :)"

Kikay And The Magic LipstickWhere stories live. Discover now