Chapter 9

2 1 0
                                    

Kikay's POV

Nakakainis! Nakakainis talaga!

Akala ko hindi ko na siya gusto.

Pero bakit gano'n?!

Bakit nasasaktan ako noong makita ko siyang may kasamang magandang babae?!

Ang sakit sakit!

Nakita ni Pierre na nakatingin ako sa kanila kaya iniwas ko agad ang tingin ko.

Girlfriend niya ba 'yon?

Sana hindi.

Pero kahit naman hindi niya 'yon girlfriend, 'e wala pa rin namang chance na magustuhan niya 'ko.

Wait, meron nga palang magic lipstick. So may chance?

Hay! Ayaw ko na mag-isip!

Binati niya 'ko kanina. Friends na nga pala kami.

'Yung mga epal kong kaklase, ang sasama ng mukha nang batiin ako ni Pierre.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti kanina.

Gusto ko na ba siya ulit?!

Oh my!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang magsalita si Caloy.

"At kailan pa kayo naging friends ni Pierre? May hindi ka ba sinasabi sa'kin?"

"Ito naman ih. Ayon na nga, tsong. Nagkita kami sa park kahapon. Hindi sinasadya. Matagal ko rin namang pinag-isipan kung patatawarin ko na siya. 'E ang Diyos nga nagpapatawad, si Kikay pa kaya?"

"Puro ka talaga kalokohan. Pero nakakapagtakang sobrang bait na niya sa'yo"

Tsong, dahil sa lipstick!

"Syempre, siya na nga may kasalanan, siya pa hindi babait?! Tibay naman niya kung gano'n!"

"Kung sa bagay"

Habang naglalakad kami ay nakita kong dumaan ang sports car ni Pierre.

Sa kotse pa lang, pinamukha nang malayong-malayo kami. Hay!

Nakita kong nakasakay rin ang babaeng kasabay niya kanina.

Bigla namang kumirot ang dibdib ko.

Nakakainis!

"Si Pierre oh! Kasama 'yung chix"

"Oo na, tsong! 'Wag mo na ipamukha!"

"Ih selos ka, 'no?"

"Hindi 'no!"

Hindi pa rin siya tumigil sa pang-aasar hanggang makarating sa'min.

Buti na lang at wala roon si nanay.

Gabi na kaya naisip kong magbukas ng facebook.

Laking gulat ko nang may friend request galing kay Pierre.

Grabe! Ang gwapo niya sa profile picture niya!

Grabe! Ang gwapo niya sa profile picture niya!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

         (Photo credit to Dylan Wang)

Bad boy na bad boy ang datingan pero sobrang gwapo. Hay!

Samantalang ako, ito lang ang profile picture.

Dito sa lugar namin, ganitong itsura ay panget.

Hindi pasok sa standards nila.

             (Photo credit to Shen Yue)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

             (Photo credit to Shen Yue)

Pero, gosh! In-add niya 'ko!!!

Agad ko rin naman siyang in-accept.

Pierre na 'yon 'e!

At mas nagulat ako nang mag-chat siya.

"Hi, Kikay! Still up?"

"Hello, Pierre! Oo, bakit?"

"Hmm need someone to talk to"

"Bakit pala ako? 'Di ba may girlfriend ka naman?"

"Hahaha. Wala 'no. She's just my friend from San Francisco. Kababalik lang niya so wala pa siyang new friends kaya sinasamahan ko muna"

Bakit ka naman nag-eexplain? Hihi

"Ah, okay"

"If it's not okay with you, it's alright :)"

"Uy, hindi. Okay lang. Ano ba gusto mo pag-usapan natin?"

"Actually, I just want to say thank you kasi kung hindi dahil sa'yo, hindi ko mare-realize na sobra na pala 'ko"

"Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa sinabi mo. Hahahaha"

"Haha. Pero ayon, salamat talaga"

"Wala 'yon, Pierre. Everything happens for a reason naman, 'e"

"Kung sa bagay. Bakit pala gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog 'e"

"Siguro iniisip mo'ng girlfriend ko talaga si Alexa. Haha"

"Wow. Kapal mo naman. Hindi 'no! At paano mo naman nasabi 'yan, aber?!"

"Well, first of all, crush mo 'ko. Secondly, nahuli kitang nakatingin sa'min kanina"

"Hoy! Hindi na 'no. Tsaka nagtaka lang naman ako kung sino 'yon"

"It's only a joke. Hahaha"

"D'yan ka na nga, mokong!"

"Hahaha. Good night! :)"

"Good night din! :)"

Oh my gosh! Hindi ako makapaniwalang makakausap ko siya nang ganito.

At... Hindi niya girlfriend 'yung chix.

ANG SAYAAAAA!!!

Kikay And The Magic LipstickWhere stories live. Discover now