Chapter 17

3 1 0
                                    

Kikay's POV

Maaga na naman akong gumising upang maghanda sa pagpasok.

Halos wala akong tulog.

Hindi ako pinatulog ng isip ko.

"Tsong, tara na! Mal-late na tayo"

"Heto na, tsong!"

"Oh, anyare sa'yo?!"

Halata pala ni tsong na wala akong tulog.

"Bakit?" maang-maangan lang ang peg.

"Tingnan mo nga sarili mo. Ang laki ng eye bags mo, oh!"

"Ilang oras lang kasi ang tulog ko"

"Bakit? Anong ginawa mo?"

"Chinika kasi ako ni Gavin"

"Wow. Friends agad kayo sa Facebook?"

"Oo. In-add niya 'ko kagabi. Nagulat na lang ako at nag-chat siya. Natuwa makipagkwentuhan" paliwanag ko.

Hindi na siya umimik pa.

Nang malapit na kami sa campus ay nakita kong dumaan si Pierre.

Kasama niya si Alexa.

Anong bago roon?

Mas nagulat pa rin ako sa mga sinabi ni Gavin.

Tulala akong naglalakad nang businahan ako ng siraulong driver ng isang magara ring sasakyan.

Binaba ng driver ang window.

Si Gavin pala! Siraulong 'to! Alam na magugulatin ako 'e!

"Good morning, Kikay and Caloy! Tara, sabay na kayo!"

"Huwag na, Gav. Nakakahiya. Malapit na rin naman"

"Sige na, Kikay. Friends naman na tayo, right?" Sabay ngiti nang malawak ang loko.

"Sige na nga. Tara na, tsong"

"What happened to your eyes?"

"Kaunting oras lang kasi ang tulog ko"

"Don't tell me, nag-imagine ka pa na dumating na ang 'the one' mo"

"Siraulo. Hindi 'no. Sadyang hindi lang makatulog"

Tumawa na lang siya sa naging sagot ko.

Nakarating na kami sa campus.

Papasok pa lang kami ay naghiyawan na ang mga kaklase naming kulang sa aruga.

Nakatingin lang si Pierre sa'min.

"Sabi sa'yo, Pierre 'e" pang-aasar na naman ni Lester.

Hindi siya pinansin ni Pierre.

Kumunot ang noo niya.

Bwiset kasi 'tong Lester na 'to 'e.

"Good morning, bro" bati ni Gav kay Pierre"

"Morning, bro"

"Wala sa mood?"

Ngumiti lang si Pierre nang maangas.

Hindi niya 'ko binati.

Nakakapagtaka.

Hindi na rin siya nagc-chat sa'kin.

Siguro nga, sila na.

Ang sakit naman.

Nagdiretso lang ako sa paglalakad patungo sa upuan ko.

"Kasalanan mo kung bakit ako napuyat"

"And why me?!"

"Kung anu-ano kasi kinukwento mo 'e"

Kikay And The Magic LipstickWhere stories live. Discover now