Chapter 13

3 1 0
                                    

Caloy's POV

Nang sabihin ni Kikay 'yon, kinuha ko na ang pagkakataon para iparamdam sa kaniya ang tunay kong nararamdaman.

Highschool pa lang kami ni Kikay ay magkaibigan na kami.

Magkasama kami sa lahat ng bagay— masaya man o malungkot.

Ako ang naging takbuhan niya kada na lang malungkot siya o nasasaktan nang dahil kay Pierre.

Si Pierre ang kaisa-isang lalaking nagustuhan ni Kikay.

First year college pa lang kami ay crush na niya si Pierre.

Nakakagulat lang na sobrang close na nila ngayon.

Lalo tuloy nahuhulog si Kikay.

Lalo lang din lumiliit ang chance na magustuhan niya 'ko.

Sino ba naman kasi ako?

Ako lang naman si Caloy na anak ng isang karpintero.

Pero kahit ganoon ay seryoso naman ako sa nararamdaman ko kay Kikay.

Never kong pinaramdam sa kaniya na nag-iisa lang siya.

Never kong sinaktan ang damdamin niya.

Pero hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa'kin.

Na kahit anong gawin ko ay hinding-hindi niya mapapansin dahil kay Pierre.

Nakakapagselos lalo dahil napapalapit siya kay Pierre.

Nagulat na lang ako nang magchat sakin si Pierre.

Tinatanong niya ang bahay nila Kikay.

Yayayain niya pala mag-picnic.

Ang sakit.

Siguro sobrang saya ni Kikay ngayon.

Hindi na niya ako ni-reply-an.

Hindi niya siguro na-gets ang pinahihiwatig ko.

Ayos na 'yon!

Mamahalin na lang kita sa paraang alam ko.

Gusto kong maging masaya para sa kaniya pero paano?

Paano kung selos at inggit ang nararamdaman ko ngayon?

Sorry, Kikay.

Hindi ko sisirain ang pagkakaibigan natin dahil lang sa nararamdaman ko.

Pangako, Kikay.

Kikay And The Magic LipstickWhere stories live. Discover now