Chapter 28

0 0 0
                                    

Kikay's POV

Maaga akong gumising para maghanda sa pagpasok.

Sa totoo lang, naninibago ako kasi hindi ko makakasabay si Caloy sa pagpasok.

Palabas na ako ng bahay nang biglang dumating si Pierre sakay sa magara niyang sasakyan.

"Good morning, beautiful!" Pagbati ni Pierre habang nakangiti nang malawak.

Napakagandang panimula ng araw. Hay!

"Good morning din, Pierre. Anong ginagawa mo rito?"

"Obviously, sinusundo ka. I'm courting you, right? From now on, susunduin at ihahatid na kita. Okay ba 'yon, Ms. Biglang-awa?"

"Hindi. Sira ka ba? Gusto mo bang pag-usapan tayo sa school?"

"I don't effin care, miss. Get in the car"

Wala na 'kong nagawa kaya sumakay na rin agad ako.

"Kikay, masanay ka na. Gagawin ko lahat to get you"

Bigla namang nag-init ang mga pisngi ko. Matagal mo na 'kong nakuha, Pierre. Hihi.

"Just tell Caloy na sa akin ka na sasabay lagi" dagdag niya.

Hala! Hindi nga pala niya alam ang nangyari sa'min ni Caloy. Hay!

"Oo na"

Napangiti na lang siya sa naging sagot ko.

Ang totoo, kinakabahan at natatakot ako. Alam kong magagalit sa'kin si Alexa kapag nalaman niya. Malaking gulo 'to!

"Pierre..."

"Yes?"

"Paano si Alexa? Sure akong magagalit 'yon sa'kin"

"Just don't mind her. I'll protect you from her, Kiks. I'll be your knight in shining armor" nakangiti niyang sabi.

"Paano rin si Gav?"

"What about Gav?"

Hala! Oo nga pala. Hindi ko pa nga pala nasasabi.

"Iyon na nga ang sasabihin ko sana sa'yo, Pierre. Nang yayain niya 'ko, dinala niya 'ko sa lake kung saan ko siya dinala noong panahong ayaw kong makita ka niya sa park. Nagpunta rin kasi siya sa park that time"

"Oh. Kaya pala kayo magkasama noon. So what happened Yesterday?"

"Nirentahan niya ang buong lake para lang sabihin sa'king gusto niya 'ko. Hindi ako makapaniwala kasi sino lang ba naman ako, 'di ba? Pilit niyang tinatanong kung sino kaya napilitan na 'kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa'kin"

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay nakita ko ang gulat sa mukha ni Pierre.

"That jerk! Siya ang nagsumbong kila Dad about us. Shit!"

Nagulat ako dahil galit na galit si Pierre.

"Bakit? Anong nangyari?"

Sobrang seryoso ng mukha niya at parang anytime, mananapak na siya.

Hininto niya muna ang kotse sa tabi.

"Nag-away kami ni Dad. Nalaman niya ang tungkol sa'tin, Kiks. Galit na galit siya sa ginawa ko kay Alexa. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinabi ko sa kaniya lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. I hate him so much, Kiks. Gusto niyang iwan kita pero hindi ko sinunod"

Nabigla ako sa sinabi ni Pierre. Para akong maiiyak sa mga narinig ko.

"Pierre... Ayoko ng ganito. Masaya nga tayo pero hindi naman masaya ang mga tao sa paligid natin. Ayaw kong maging selfish"

Kikay And The Magic LipstickWhere stories live. Discover now