Prologue

1.7K 49 5
                                    

Arzhel's Point of View

"Arzhel Del Feirro!" halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang biglang sumigaw ang Professor namin. Si Professor Rebecca. "Tulog ka na naman sa klase ko!" dugtong nito at hinampas ng malakas ang lamesang na sa harapan.

I glance at her face, noticing the intensity in her eyes as they seem to shoot daggers at me, as if she's giving me a death stare. She tightly grips a chalk eraser, evidently trying to calm herself down and refrain from hurling it in my direction.

Nakakatakot naman 'to si Professor Rebecca. Hayst, walang makakatalo sa matandang dalaga!

Her voice sounds like a dinosaur, and I almost wet my pants dahil sa gulat. Kapag siguro may sakit ako sa puso ngayon ay for sure, pinaglalamayan na ako. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena dahil palagi naman akong sinisigawan dahil sa kadahilanan na palagi akong tulog sa klase niya.

How is it possible? I find myself in the midst of a writer's block, struggling to unleash my creativity as a writer.

Grabe sa creativity, kahit wala naman talaga ako niyan. Kita mo wala pa akong nauumpisahan kahit ni isa.

Baka magtataka kayo kung bakit ako palaging nakakatulog sa klase niya. Isa akong writer. And guess what? Halos mag da-dalawang buwan na ata akong walang maisulat dahil walang pumapasok sa utak ko.

Tanginang writer's block 'to.

Maski ang manager ko ay kinukulit na ako para makapag-pasa ng manuscript ko, she even warned me na may limang buwan na lang meron ako para tapusin ang manuskripto ko. At kapag wala pa, bawal na raw ako.

As in eliminated na talaga.

Ano 'yan?

PBB ang datingan?

"Sorry po, Prof-"

"Get out, Mr. Del Feirro!" sigaw niya sa akin dahilan para mapatayo ako at agad na lumakad palabas nitong classroom.

Gosh! Nakakatakot siya. Hindi na siya mukhang dinosaur, dragon na talaga siya, kunti na lang ay maglalabas na ito ng apoy.

Kapag sinabi niyang labas, dapat lalabas agad. Ganiyan ka bruha ang Professor na 'yan. Wala 'yang pinapaltos kahit kanino. Nakakainis naman ang sarap pa ng tulog ko, 'e. Minsan na nga lang matutulog, pinapagalitan pa.

E tanga kasi ako, alam naman na may klase natutulog.

Ewan ko sa'yo, self.

Hindi ka nag t-think ng right.

Pagkalabas at nang pagkalabas ko sa classroom ay agad ko namang tinahak ang hallway papunta sa cafeteria na katabi lang din ng building na'min. Nasa Medical Department ako kasi Nursing yung kinuha kong course, top-notcher din ako sa entrance exam noong nakaraan kaya hindi ko na pinoproblemahan ang bayarin dito sa napaka-eklosibong paaralan na 'to dahil sa scholarship ko. Ayon lang, palagi akong tulog sa klase pero hindi naman dahilan 'yon para bumaba ang grades ko. Matataas naman nakukuha kong scores sa mga quizzes at exams.

Ewan ko rin ba pero hindi mahirap sa akin ang mga bagay-bagay lalo na ang mga lessons. Hindi ko agad ito nakakalimutan kahit isang beses ko lang ito marinig.

Grabe namang utak 'tong meron ako.

Napadaan pa ako rito sa bulletin board kung saan naka paskil ang isang orasan, napatingin ako rito at nakitang alas-otso na pala ng umaga, five minutes na lang at vacant na ulit.

Sawakas!

Makakatulog na ako ng mahimbing!

"Hintayin ko na lang sila sa palaging inuupuan namin." Bulong ko sa sarili at tumungo agad ng cafeteria na pa talon-talon pa ang paglalakad na akala mo ay parang bata.

SolivagantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon