Chapter 2

409 25 11
                                    

Khael's Point of View

"Khael, sa labas muna kami, maraming chix , 'e. Pang dagdag pogi points lang." Naka-ngising tugon ni Eros habang naka-pogi pose.

Loko talaga.

"Susunod na lang kami mamaya, dre." Baling naman ni Kaii.

"Naku! D'yan kayo magaling sa paghahanap ng chix. Kaya kayo iniiwan, 'e." Biro ko rito. Nag sitawanan naman silang dalawa at agad na tumakbo palabas na parang mga bata.

Kahit kailan hindi nagbabago yung dalawa 'yan, buti na lang at wala rito si Cholo ay kung nand'yan 'yon mas lumala pa ang pagiging mahangin nilang tatlo.

Naiwan akong mag isa rito sa loob ng gymnasium kung saan kami nagpapahinga. Inaayos ko naman ang mga basang damit ko dahil sa pawis. Napag-kasunduan namin na maglaro at kung sinong talo ay manlilibre sa dinner mamaya. Kalaban namin kanina ang mga taga Medical Department, kung saan si Cholo, pagkakaalam ko nga,'e, siya 'yong naging leader-leaderan kanina kaya kami kinalaban ng mga taga roon. And guess what, nanalo kami at sila Cholo mamaya ang taya sa inuman. Matapos kong mailigpit ang mga gamit ko ay agad naman akong tumungo sa shower para maligo dahil ang lagkit na talaga ng katawan ko dahil sa pawis.

Pag ka pasok ay agad kong tinanggal ang damit ko, kasunod nun ay ang short at ang huli ay ang underwear ko. Ako lang naman ang mag isa ngayon kaya maliligo akong hubo't hubad, hindi rin kasi ako sanay na may damit maligo. Pakiramdam ko hindi ko nalilinisan ng maayos ang buong katawan ko.

Kaya ako narito ngayon sa gymnasium kasi mayroon naman ditong cr at may shower na rin. Inaayos pa rin kasi ang locker room kaya napilitan akong dito na lang muna.

Paano ba naman? May nahuling ginawang motel ang locker room.

"Ang laki mo na," wika ko habang nakatingin sa ibabang parte ng katawan ko. Kinuha ko ang sabon at nilagyan ito. "There you go, fresh as always." Sipol at kanta ang ginawa ko saka nilikop ng sabon ang buo kong katawan.

Patuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa natapos na ako rito. Nag toothbrush na rin ako bago lumabas ng shower.

"Teka-" pinalibot ko ang mata ko rito sa loob habang hinahanap ang towel ko. "The fudge!? Don't tell me naiwan ko sa labas ng cr?" kabadong bulong ko.

Halos suntukin ko yung sarili ko dahil sa inis nang ma-kompirma kong naiwan ko talaga sa labas ng cr ang towel ko.

Napatingin naman ako sa sarili ko, napalunok pa ako habang nakatingin sa katawan kong walang takip kahit ni isa.

"Ang malas ko naman." Pag mamaktol ko.

Naka-kunot noo akong sumilip sa labas ng shower, tinitingnan kung may tao. Nang makita kong walang tao ay lumabas na ako habang naka-hawak ang dalawang kamay ko sa ibaba ko.

Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa sa pintuan palabas ng cr kung saan ko naiwan ang towel ko. Napasilip pa ako nang ilang segundo at nang mapansin kong wala namang tao ay dahan-dahan akong lumabas.

"Yey, I'm save!" masaya kong sigaw, "Phew! That was a close one." Natatawang dagdag ko pa.

"Ha?"

Natameme at napatigil ako nang may marinig akong nagsalita sa likuran ko, tumingin ako sa kaliwang parte nitong labasan ng cr at nakitang nakatingin sa akin ng deretso ang isang lalaki hanggang sa bumaba ang tingin nito papunta sa alaga ko.

"Sorry, hindi ko alam na may tao pala." Mabilis itong tumalikod sa akin kaya tinakpan ko kaagad ang alaga ko gamit ang dalawa kong kamay.

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko na lang mag pa kain sa lupa dahil sa sobrang hiya.

SolivagantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon