Arzhel's Point of View
Nakatayo na naman ako rito sa harapan ng mga bata. Pero tatlo na lang silang nandirito ngayon, wala sina Khadon at Aeron. Pinuntahan ko sila sa bahay nila kanina pero ang sabi ay may pinuntahan. Kaya wala na akong magawa kundi ang bumalik dito.
"Tawagin niyo ako sa pangalan ko pag tinawag ko ang name niyo, okay?" sambit ko rito sa harapan.
Nakita ko naman na tumango sila sa akin kaya isa-isa ko na silang tinawag. Unang kong tinawag si Mikay, kasunod ay si Tom at panghuli si Tinay.
"Kuya Azrael!" Hindi pa rin nagbabago ang tawag sa akin ni Mikay. As usual, naka pang-kikay pa rin ang ayos ng buhok nito.
"Kuya Azel!" sabi ni Tom habang kumakaway sa direksyon ko. Katabi naman nito si Tinay at ganoon din ang ginagawa.
"Kuya Arel!" tawag nito sa pangalan ko.
Ngayon ko rin napansin na incomplete teeth din pala ito kagaya ni Mikay. Si Tom naman ay kalbo. Tapos sina Khadon at Aeron naman ay kambal, pero opposite mas'yado ang personality nilang dalawa.
I am observing the three of them. They are looking at me as if judging my actions. I can even see their heads tilted as they gaze at me, eventually breaking into a smile that reveals their incomplete teeth. It is only now that I realize their teeth are somehow identical.
Pareho silang tatlo na bungal.
"Kambal ba mga ngipin niyo?" wala sa sariling tanong ko. Nag tinginan naman silang tatlo sa isa't isa at binalik sa akin ka agad.
Napa-isip ako kung ano ang sinabi ko ngayon. A wave of realization hit me as I remembered what I had just said to them. Darn it, my intrusive thoughts have won again.
Bumuntong hininga ako. Tumingin ulit sa kanila habang iniisip kung anong p'wedeng gagawin ngayon. Ako na rin mag-isa rito ngayon at may gagawin daw si Raven sa construction site.
"Anong gusto niyong gawin ngayon?" tanong ko sa tatlong makukulit na bata.
Nakita ko pa kung paano ngumuso si Mikay at inihiga sa taas ng mesa ang ulo nito. Na sa akin pa rin ang tingin nila. Halos mag sampung minuto na rin siguro simula nang nakatayo lang ako rito. Nag titinginan at walang ginagawa.
I am at a loss for what to do. They didn't even suggest what they wanted to do. Frankly, I am unsure how to handle the situation, but I must say, they are behaving well, which is a positive sign. Hindi na ako mahihirapan. Kung nandito lang sana si Raven edi mas madali.
It feels like I've been here for ages and haven't moved from this spot in front. Para na naman akong na estatwa rito sa kinatatayuan ko. Standing here and doing nothing, I almost jumped when I heard a loud bang coming from the door. Mabilis ang mga yapak ko hanggang sa makarating doon, nauna nang lumabas sina Mikay, Tom at si Tinay para tingnan kung anong meron.
"Anong nangyari r'yan, Mikay?" tawag ko sa kaniya. Pero hindi ito sumagot at nakatuon lang roon sa may pintuan. "Anong meron d'yan? Pusa lang ba?" tanong ko ulit rito.
Tumingin si Mikay sa akin. Tumungo naman roon sa pinang galingan ng kalabog sina Tom at Tinay.
"Oo raw po. Sabi ni Kuya pusa lang daw siya." Kumunot ang noo ko sa sagot ni Mikay.
Ha?
Pusa lang daw siya? Sabi ni Kuya?
I continued my stroll until I approached the door, only to find Tom and Tinay standing right in front of it, obstructing my path. They were adamant about not allowing me to leave. As I gazed at them, my eyebrows furrowed in confusion, and a sense of curiosity began to stir within me.
BINABASA MO ANG
Solivagant
Historia CortaCOMPLETED | A BL STORY Have you ever felt the crushing weight of abandonment, the ache of being left behind? I was a solivagant. A solitary wanderer in this cruel world.