Chapter 12

193 10 0
                                    

Arzhel's Point of View

"Gising na, Khael, nandito na tayo." Pukaw ko sa kaniya. Tinapik ko pa ang pisngi nito pero hindi pa rin ito gumising.

Pinagmamasdan ko lang ang maamong mukha nito habang natutulog sa balikat ko. It's his first time sleeping in my shoulder.

"First time?" bulong na tanong ko sa sarili.

Alam ko sa sarili kong unang beses niya itong matulog sa balikat ko pero pakiramdam ko ay mali ang sinasabi ko. It's happened before and I don't know when. Nababagabag ako sa sarili kong tanong. Napailing ako nag pinag walang bahala na lang ang sinabi ko.

"Alam kung gising ka na kaya umalis ka na sa balikat ko. Nangangawit na ako." Sambit ko nang mapansin ko ang mga ngiti sa mga labi nito.

Mag tulog tulogan na nga lang ay halatado pa.

"Grabe, naiinis agad?" saad nito at tumingin ng masama sa akin pero patuloy pa rin itong nakahiga sa balikat ko.

Tumaas ang kilay ko.

"Wala bang morning kiss?" dagdag pa nito dahilan para mas tumaas ang kilay ko. Nakita ko pa kung paano siya lumunok at dahan-dahan na umalis sa balikat ko.

"Anong morning kiss pinagsasabi mo? Gabi na, hindi pa umaga. Batukan kita r'yan e." Matapos umalis nito ay tumayo na ako ka agad baka kung ano pa gagawin ng lalakeng 'to.

Lakas pa naman ng amats nito.

Napatingin naman ako nang may marinig akong tawanan mula sa harapan. It was Raya, Vynes and Cholo. They're looking at me insanely from my feet to my face. Nakita ko kung paano ako tingnan ng tatlong 'to na para bang pinag-iisipan ako nito ng masama.

Kuhang kuha talaga nitong tatlo ang inis ko kahit kailan.

"Tama na sa landian, baba na raw tayo. Tuloy niyo 'yan mamaya sa loob ng tent." Sigaw ni Cholo dahilan para matawa si Khael at nag thumbs up pa.

"Ako na bahala, dude." Masayang sagot naman ni Khael dito.

Binatukan ito dahilan para mapakamot ito sa ulo niya.

"Tara na nga." Sambit ko at agad na tumungo sa pinto ng school bus.

"Ako na magdala ng damit natin, peace offering." Rinig ko pang pa sigaw na sabi ni Khael pero hindi na ako tumingin dito.

Hindi ako umimik nang makababa na ako rito sa school bus, sumunod naman sa akin ay si Khael habang hawak-hawak ang mga gamit naming dalawa. Tumungo na ako kung na saan ang tatlong iyon.

"Saan si Khael?" tanong sa akin ni Vynes. Hindi pa rin nawawala sa ekspresyon ng mukha nila ang pang-iinis.

Tinuro ko ang likuran ko para makita nila si Khael.

"Wow, ang gentleman naman." Sabat ni Raya nang makarating si Khael sa tabi ko habang hinahabol ang paghinga nito.

"S'yempre naman, lakas sa akin itong kaibigan niyo e." Si Khael at binigyan ako ng pasimpleng tingin at kumindat pa.

"Ulol." Sagot ko rito.

"Sungit naman pero okay lang, 'yan ang gusto ko e hard to get." Kumunot ang noo ko nang sabihin iyon ni Khael dahilan para tumili si Vynes at Raya sa harapan namin.

Bumaling ang tingin ko rito sa tabi nang mapansin kong umubo si Cholo, pero alam kung pilit naman 'yon kasi papansin ang taong 'yo e.

"Gusto kasi niyan ni Arzhel na nilalambing—Aray!" tinapakan ko ang paa ni Cholo dahilan para tumigil siya sa pagsasalita. Napaupo ito habang hawak-hawak ang hinlalaki sa paa niya.

SolivagantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon